KABANATA 48
"AALIS ka na ba talaga?" Sydney asked in a teary eyes.
May isang bodyguard na lumapit para kunin ang maleta ko kaya ibinigay ko muna iyon bago lumuhod sa kahoy na board walk na kinatatayuan namin para maging magkapantay ang mga mukha namin.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at pilit na ngumiti para ibsan ang sarili kong lungkot. Her tears are like knives stabbing my chest.
"Yes. Bye Syd, wag mo akong kakalimutan ha?" pumiyok na ako sa huling salita dahil sa pinipigil na emosyon.
"P-Praia..."
Patuloy sa pagpatak ang mga luha nya kaya pinalis ko iyon gamit ang mga hinlalaki ko.
"In case na magkita tayo in the future, please don't snob me"
Nagpipigil ako ng hikbi habang sinasabi ko iyon.
"Sshhh... Don't cry. I love you okay? Remember that"
Iba ngayon at iba rin noong unang beses na umalis ako dito. Mas mahirap pa ito kesa sa inaasahan ko.
"Aalis na ako. Mommy is waiting for me"
Tumayo na ako at mabilis na pinunasan ang luhang pumatak sa pingi ko.
"No take your time makakapaghintay ang bangka" sabat ni mommy na hindi ko napansing nakatayo na pala sa tabi ko.
Mula pa kanina sa pagkain namin ng breakfast, pilit na akong kinukumbinsi na bukas na umalis.
"Syd..." tawag ko ng biglang yumakap sa bewang ko.
"Praia wait"
Napalingon ako kay Horizon na magulong-magulo pa ang buhok na mukhang kakagising lang. Tumatakbo pa sya ng walang sapin sa paa at halos madapa na sa board walk dahil sa pagmamadali.
"Horizon?" takang tanong ko.
"Baka may naiwan ka pa. Check your things" aniya habang inaayos ang sumabog na buhok.
Kumunot ang noo ko dahil napaka weird nya. Parang wala sya sa sarili habang sinasabi nya yun at halos naghahabol pa ng hininga.
"Kompleto lahat. It's fine, kung may naiwan man ako"
Hinaplos-haplos ko ang buhok ni Sydney na umiiyak pa rin habang nakayakap sa akin.
"Maria!"
Halos mapatalon ako dahil sa lakas ng sigaw ni Horizon para kunin ang atensyon ni Maria na nagmamadali rin palapit sa amin.
"Maria halika bilisan mo aalis na sya"
"Guys? Bakit?" takang tanong ko dahil nakipagpalitan din sila ng kakaibang tingin kay mommy na may kabulungan sa phone nya.
"May cupcake akong ginawa kagabi" deklara ni Maria at ipinakita ang isang transparent tupperware na laman pala ng bitbit nyang paper bag.
Hindi ko alam kung bakit sya natataranta sya sa pag aabot ng tupperware sa akin.
"Thank you for this, I really appreciate it"
Isasantabi ko muna sana iyon pero maagap na hinawakan yun ni Maria at binuksan.
"Tikman mo muna"
"Ha?"
Okay naguguluhan na ako.
"Taste it p-para..."
"Feedback tama. Para sa feedback" si Horizon ang nag supply ng sagot kay Maria.
They both laughed nervously na para bang may alam sila na hindi ko alam kaya hindi lang sila weird, awkward pa.
BINABASA MO ANG
Fire of Seduction (Completed)
RomanceSEDUCTION TRILOGY VOLUME I *** Praia was still grieving for her beloved father's death when problems flooded on her and she discovered that her family wasn't perfect as she think it is because her dad has a mistress- Florence. At first she was mad t...