Kabanata 21

8K 321 24
                                    

KABANATA 21

PABABA pa lang ako ng hagdan kinaumagahan pero sigaw na ni Venice ang naririnig ko.

Kunot-noo akong lumapit sa pintuan ng office ni Zurich. Madadaanan kasi iyon bago marating ang hagdan na tanging daan pababa.

Hindi masyadong maayos ang pagkakasara ng pinto kaya hindi ako nahirapang ulinagin ang usapan sa loob non.

"You can't do that to me, Zurich I'm telling you"

Siguradong-sigurado ako na boses iyon ni Venice. Hindi ko na kailangan na maging manghuhula para makompirma ang frustration base sa boses nya.

"I already did. And I'm not regretting anything"

Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa lamig ng boses ni Zurich. There is something inside it. Screaming that when he used that tone, you shouldn't disobey him coz he is ruthless. He gets what he wants.

"Please not Sydney, I'm begging you. Hayaan mo na lang akong mag stay dito"

Medyo lumapit pa ako ng konti sa bukana ng opisina para marinig ng maayos ang usapan.

"But you said you can't stand being with her, now it's not my problem anymore"

"W-what? Are you kidding me? Don't you love me Zurich? I know up until now, you're still into me"

"I love you is clearly different from I loved you. You don't need to be genius to see the difference. I loved you and you already belongs to my past. Now, stop bugging my present and I'm telling you not to mess up with my future coz you surely will regrets it" may diin ang bawat katagang binitawan nya kaya hindi kataka-takang sinundan yun ng katahimikan.

Kahit nga ako ay nahulog ang panga. He managed to tell those words in front of Venice, seriously? Without any hesitation, he voiced everything out. I will bet my one year salary as a nany and tutor, he did it while looking directly at her eyes.

"Praia anong ginagawa mo dyan?"

I frozed as I heard Syria Monteclaro's voice behind me hindi ako agad nakapihit paharap sa kanya dahil sa kaba.

Kumurap-kurap muna ako ng ilang beses para bumalik ako sa tamang katinuan bago ko sya hinarap. Mukhang mali na ginawa ko yun dahil mas lalo lang tumindi ang kaba ko.

Of all people who can see me on this shamefull eavesdropping situation, sya pa eh tingin nya palang mukhang may life sentence na ako.

She graced in front of me with a wondering expression written all over her formal face. With her flesh semi-formal squared neckline dress, I looked so out of place coz I'm still wearing my pajama terno printed with black and white pandas. At take note na wala akong sapin sa paa ng lumabas sa kwarto para sana magluto ng breakfast bago ako na-curious kina Venice at Zurich.

Habang sabog ang buhok ko, naka updo bun naman ang kanya. Hindi makapal ang make up nya na sapat lang para bahagyang kulayan ang maputi nyang balat na tila hindi nasisikatan ng araw at palabasin ang natural nyag ganda. Even without her jewelries, her aura screams a fortune and luxury. Tanging isang singsing na hula ko ay wedding ring lang ang napansin kong suot nya, maliban doon sa dala nyang Prada hand bag ay wala na.

"Are you with me?"

Ang boses nya ang nagpabalik sa akin sa realidad. Mas kumabog ng malakas ang dibdib ko ng magpagtanto kong nakatitig pala ako sa kanya. Konti na lang at mababali na yata ang rib cage ko. Totoo palang nakakabingi ang sobrang tibok ng puso, coz right now I felt so oblivious to everything. Even it when it comes to breathing normally and thinking straight.

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon