KABANATA 35
MEDYO naiilang ako sa tingin nilang lahat ng pumasok ako sa opisina bitbit ang dalawang bodyguard ko. Gaano ba ka-weird ang isang secretary na may kasamang dalawang malaking tao na parehong mukhang goons? I'm sure may baril din sila hindi ko pa lang nakikita.
Nangako naman si mommy na sasama lang sila sa opisina pero hindi mangingialam o makakaabala sa iba ko pang mga lakad.
Napilitan akong itrato sila bilang hangin pero si Victoria parang tanga na nagtataas ng kilay sa tuwing mapapadaan sa desk ko.
Ipinagkikibit-balikat ko na lamang iyon dahil kung magtatagal ako sa trabahong ito, dapat yata akong masanay sa kanya.
I spent the whole morning like the usual, telephone calls, appointment bookings, making coffee, bringing beer. Hindi masyadong nag-uutos si Mr. Del Real kaya hindi talaga ako nahihirapan sa trabaho ko.
Lunch time came kaya napilitan akong bumaba sa canteen. Hindi ko na kailangang sabihan ang dalawa, sila na mismo ang nawala sa paningin ko at nakihalo sa iba.
Medyo maraming kumakain ng lunch kaya nahirapan akong makahanap ng table. I saw a vacant chair so I went there.
"Hi, can I seat here guys?"
Sumulyap pa si Marco sa likod habang palinga-linga naman si Julius na parang may hinahanap.
"Upo ka. Wala ang mga bodyguard mo?" tanong ni Darcy.
Inilapag ko ang pagkain sa mesa at naupo.
"Nasa paligid lang sila. Bakit?"
"Wala. Grabe nagkasakit ka raw?" kinabahan ako sa tanong ni Marco.
Hindi yata nila alam na pinagtangkaan ang buhay ko. Sabagay it's a family and personal problem i don't think I will be comfortable sharing it with them.
"Oo nga ilang araw kang wala ah" sang-ayon ni Julius.
"Ah oo. Mahabang kwento"
"Nasabihan ka na ba tungkol sa anniversary bukas?"
Agad akong umiling dahil kakapasok ko lang at wala pang nababanggit si Mr. Del Real o kahit si Victoria.
Deep inside nakahinga ako ng maluwag sa biglang pagpapalit ni Darcy ng topic.
"23rd company anniversary bukas. Lahat ng empleyado, required mag-attend"
"Ah ganon ba?"
"Nandon ang board pati mga investors. Sosyal na party yun" she informed.
"Formal party daw. Uyy I'm sure sanay ka sa ganon, may sarili palang kompanya ang pamilya mo eh" dagdag nya pa.
"Ah hindi naman. Kasi madalas sumasama lang ako sa events ng kompanya, bihira akong mag-attend sa party ng iba"
Mukhang naging interesado silang lahat kaya medyo kinabahan ako.
Dahil sa press conference ni mommy, alam na nang lahat na hindi na kami magiging part ng DHE pero sinadyang hindi banggitin ang pagtatangka sa buhay ko dahil ayaw nya akong idamay sa issue. She just cleared her name pati na ang pagkakakulong nya and boom... Headline ng newspaper kinabukasan.
Kailangan na lang mahuli ang mga tauhan ni tita and everything will be fine dahil hindi na kami makikialam pa sa DHE. Hahayaan na namin yun kay tita para wala ng gulo. Dad's memories will forever stay in our minds and his legacy will remain in our hearts.
Mabilisang desisyon lang yun bago si mommy mag decide na magbakasyon actually. Kahit asawa sya ni daddy at legally adopted ako, hindi na namin ipipilit ang pagbawi sa kompanya. Naibalik sa amin ang mansion kaya ayos na iyon. Mag-iinvest na lang siguro kami sa iba't-ibang kompanya. O magtatayo ng maliit na negosyo in the future.
BINABASA MO ANG
Fire of Seduction (Completed)
RomanceSEDUCTION TRILOGY VOLUME I *** Praia was still grieving for her beloved father's death when problems flooded on her and she discovered that her family wasn't perfect as she think it is because her dad has a mistress- Florence. At first she was mad t...