KABANATA 41
WALA akong nagawa kundi sumunod dahil bukod sa mukha nyang mas maasim pa sa hilaw na calamansi, binigyan nya lang ako ng dalawang choices: magbibihis ako ng matiwasay o bubuhatin nya ako papunta sa hotel room ko at sya ang magbibihis sa akin.
"Don't look at me like that. Ito ang pinakamahabang shorts ko dito" depensa ko.
Yung suot kong short kaninang umaga ang isa sa tatlong pinakamatinong short ko. Eto ang pangalawa at pinili kong magsuot ng spaghetti strapped top para presko. Nagmukha nga lang iyong hanging blouse dahil maliit lang ang tela ng shorts.
"Napag-isipan ko na yan so I brought my shirt"
He proudly handed me a blue shirt with a name Z. Monteclaro on it's back.
"What? If we are going in a public place I won't wear this"
Magiging agaw pansin yun dahil bukod sa malaki, bold calligraphy pa ang ginamit.
"What's wrong with my shirt?" kunot-noong tanong nya.
Tiningnan nya pa yun ng masama na parang may ginawa na masama sa kanya yung pobre at nananahimik na damit.
Hindi na ako nakatiis kaya ako na lang ang sumuko para hindi na humaba ang usapan.
"Fine"
Binitbit ko yun sa cr at ipinalit sa suot ko.
"Happy now?" I asked sarcastically, showing him the shirt that looked like a dress on me.
"I should bring a dress instead" he said while staring on the exposed skin of my legs.
Inirapan ko sya at tumingin din doon.
Ayaw nya pa rin? Eh mas mahaba pa yata iyon sa shorts ko.
"Okay na to"
Nauna akong lumabas sa hotel room at dumiretso sa elevator na eksaktong kakabukas lang. Pinalabas ko muna ang matanda na tanging sakay noon at pumasok, saka ko pa lang binalingan si Zurich na tahimik lang pala na nakasunod sa akin.
"Where are we going again?"
Nasa lobby na kami ng maisipan kong itanong iyon dahil clueless nga pala ako kung saang lupalop nya ako bibitbitin.
"Bibili ng damit mo"
"May mall ba dito?"
"You wanna buy dress from the mall?"
"Not exactly, I'm just wondering where are gonna take me"
"May mga botique at souvenir shops dito sa sentro, actually meron din sa resort kaya lang gusto kitang ipasyal dito sa bayan"
Napatango-tango ako at hindi na nagsalita dahil pinagbuksan nya na ako ng pinto ng sasakyan.
He turned the car's music on and it served as our silence's background.
Hindi nya naman ako sinaway ng pakialaman ko ang cellphone nya na naka-connect doon kaya malaya akong nakapili ng rock music na gusto ko.
Parang walang katapusang mga puno, bundok at dalampasigan ang nakikita ko habang bumabyahe kami patungo sa sentro ng bayan. Natatandaan ko na narating ko na iyon bago ako umalis dito sa isla noon pero hindi ko napansin dahil okupado ako ng lungkot at sakit.
Inabala ko ang sarili ko sa pagbibilang ng mga bangkang nakikita ko sa dagat at pati pagbibilang sa mga bahay na nadaanan namin nagawa ko na dahil sa boredom.
BINABASA MO ANG
Fire of Seduction (Completed)
RomanceSEDUCTION TRILOGY VOLUME I *** Praia was still grieving for her beloved father's death when problems flooded on her and she discovered that her family wasn't perfect as she think it is because her dad has a mistress- Florence. At first she was mad t...