KABANATA 33
THAT moment with my mom calmed my nerves. Nagawa ko nang umuwi na parang walang nangyari at pumasok sa trabaho kinabukasan.
Hindi kami nakapag breakfast ni Tammy kaya nag decide akong dumaan muna sa isang cafe malapit lang din sa building na pinagtatrabahuhan ko.
Kakapasok ko pa lang pero agaw-pansin na kaagad ang dalawang tao na nakaupo sa malayong gilid. May ilang mga costumer pa nga ang palihim na sumusulyap.
Nag-iwas ako ng tingin at pumila sa counter para makapag-oder. It was a self service cafe.
"Bagay sila" someone whispered then giggled.
"Kaya siguro sinasabi ni Ms. Marcela na single pa sya sa mga interview"
"Pogi nga talaga si Zurich sa personal... Gosh have you seen his topless picture on a magazine? My panties fly away because of that"
Pinipigilan ko lang ang sarili ko na lingunin ang mga batang yun pero gustong-gusto ko na. May mga gatas pa sa labi, halos manisay na sa kilig habang nagpapantasya.
Hanggang sa mga ganyang edad pala abot ang charm ni Zurich.
"Syempre Monteclaro yun eh. Yung mga kapatid nya din ang ma-macho... Kaso sobrang private ng information tungkol sa kanila"
"Sinabi mo pa. Picture nga lang ang hirap hanapin sa social media"
"Sa magazine kasi kayo maghanap"
Dahil sa bulungan ng mga teenagers na kasama ko sa pila, natukso ulit ako na sumulyap sa gawi nila.
Zurich is wearing a formal white long sleeves while the woman is wearing a cream terno blouse and trousers.
Naka side view sila mula sa gawi ko Kaya kitang-kita ko kung gaano sila ka-pormal na magkasama. Like a matured couple having breakfast together.
Kukumbinsihin ko sana ang sarili ko na baka meeting lang yun kung hindi ko nakitang pinahiran ng babae ang gilid ng labi ni Zurich gamit ang tissue. They were smiling sweetly at each other after that.
Nakarinig ako ng tikhim mula sa kung saan kaya nawala sa kanila ang tingin ko.
Ako na pala ang magbibigay ng order. Hindi ko ipinahalata ang pagkapahiya ko at pormal na binalingan ang lalaki sa counter.
"Blueberry cheesecake and milkshake please"
"Sorry ma'am last na po yung blueberry cheesecake na yun"
Tinuro nya sa isang lalaki na nakatayo sa may gilid ko. Mukhang hinihintay ang babaeng nasa likod ko.
"Oh hi Praia"
I realized it's Denver. Nginitian ko lang sya at bumaling ulit sa lalaki.
"Donut at milkshake na lang. Take out ko na"
Hindi na ako naupo. Nasa may counter lang ako habang hinihintay ang order ko at agad na naglakad paalis pagkakuha ko noon.
Sinulyapan ko ulit si Denver bago tuluyang lumabas ng cafe.
"WHAT'S that?" kunot-noong tanong ko habang nakatingin sa box na ipinatong ni Zurich sa desk ko.
Humilig sya sa desk at balewalang sinulyapan ako.
"Blueberry cheesecake. I heard gusto mo daw nito"
Halos umirap ako ng maalala ko ang cafe. Bakit nga ba nandito sya? Baka tapos na makipaglandian sa girlfriend nya.
BINABASA MO ANG
Fire of Seduction (Completed)
RomanceSEDUCTION TRILOGY VOLUME I *** Praia was still grieving for her beloved father's death when problems flooded on her and she discovered that her family wasn't perfect as she think it is because her dad has a mistress- Florence. At first she was mad t...