Kabanata 34

7K 182 1
                                    

KABANATA 34

"Uyy Darcy dahan-dahan margarita yan" narinig kong pasigaw na paalala ni Marco.

Napalingon ako kay Darcy na parang tubig kong laklakin ang laman ng shot glass.

Ginaya ko ang ginagawa nya kaya natagpuan ko ang sarili kong nakikipagtawanan sa kanya habang sina Marco at Julius ay panay ang paalala sa amin.

Darcy motioned something at me pero hindi ko yun maintindihan kaya hinila nya na lang ako patungo sa dancefloor.

At first sobrang nahihiya akong sumayaw but when I closed my eyes and let my body move with the loud rock music, I danced automatically. Nagmulat lang ako ng mata ng maramdaman na may kumakalabit sa akin.

"Uy... Denver!"

Hindi ko alam kung narinig nya ba pero nginisian nya lang ako. May sinasabi sya at hindi ko yun masyadong naintindihan kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagpatuloy sa pagsayaw.

Nang magmulat ako ng mata para sana tingnan sya ay saka ko lang naramdaman ang pagtama ng alak sa sistema ko. Parang umiikot ang paligid kaya napahawak ako sa balikat ni Denver para kumuha ng suporta.

Hilong-hilo na ako at hindi ko na magawang imulat ng maayos ang mga mata ko.

I hear different curses before everything went blank.

NAGISING na lang ako sa kama ko at walang maalala. Napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling naghanda sa pagpasok.

"Papasok ka? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" concerned na tanong ni Tammy ng maabutan ko syang nakaupo sa sofa busy sa laptop nya.

"Oo naman"

"Hang over"

"Basic lang to. Mawawala din to mamaya"

"Sure ka? Pwede kang mag leave"

Nagkibit balikat ako at inayos ang strap ng sandals na suot ko.

"Pero pag di maganda pakiramdam mo uwi ka na agad ha"

Tumango-tango ako habang pinapaikot ang mata. Busy na sa trabaho at lahat ako pa rin ang inaalala.

"What if ihatid kita?"

Sinulyapan ko ang laptop nya saglit saka bumaling sa pinto.

"Tammy I'm fine. Sige aalis na ako"

Nasa elevator na ako ng maalala kong hindi ko naitanong kung paano ako nakauwi kagabi.

Like I said, pumasok ako sa opisina kahit sobrang sakit ng ulo ko. Hindi naman masyadong marami ang trabaho kaya maayos na ang pakiramdam ko bago matapos ang office hours.

Tumaas ang kilay ko nang mapansin ang isang itim na kotseng kasunod ng taxi na sinasakyan ko mula pa sa pag-alis namin sa building.

"Manong kanina pa po ba nakasunod sa atin yung kotse?"

Hindi sya sumagot kaya mas tumaas pa ang kilay ko. Baka hindi nya narinig kaya sinubukan kong ulitin.

"Kanina pa po ba sumusunod--- Ah... Manong hindi po dito ang daan eh. I think sa kabila po yun..."

I stopped on my mid sentence again coz I'm starting to be nervous.

Nawala na ang sumusunod na kotse pero sa isang hindi mataong kalsada naman kami dumadaan at sa kabilang direksyon ang condo na uuwian ko.

I think malinaw naman ang binigay kong address kay manong.

"Naliligaw po ata tayo--- Tita?"

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon