Chapter 11: Knowing each other

56 2 0
                                    

Chryselle Donna's POV

So habang hila hila ko si diego habang tumatakbo kami.....

"Hey, Donna. Saan ba tayo pupunta?" Bakit parang iba boses ni diego, At pag harap ko sa kanyaaaa......

"KENNNNN!!! (⊙o⊙)?" Gulat na gulat kong sabi!!

Teka lang!! Ang alam ko kasi si diego ang hinila ko pero bakit ito kasama ko!!!!

"Oh, Bat gulat na gulat ka naman dyan?" Relax na sabi niya.

"Why are you here???" Nagtataka kong tanung

"Hahah! Are you kidding me? Hinila mo ko at tumakbo I guess!" Sabay tingin niya sa kamay ko na hanggang ngayon nakahawak pa din sa kamay niya! Saby bitaw ko.

Oh my gosh! So hindi pala talga si diego ang nahila ko kundi itong playboy na to! Psshhh delikado magagalit sakin si katreng sa akin. Pano ko ba ipapaliwanag sakanya to pssshhhhh.

"Heyyy" sabi ni ken at naudlot ang aking pagiisip!

"Ahh. Walaaa naman,!"

"So, may sasabihin ka ba?" Tanung ni ken

"Wala namn"

"Pwede ba kita makausap?!" Tanung niya ulit

"About saan naman?"

"I really like you donna! Can you please give me a chance please?" Ken

Stress anong gagawin ko! Ayoko siya masaktan. Ayaw ko naman sabihin sa kanya agad na DI KO SIYA GUSTO DAHIL ANG GUSTO ANG BESTFRIEND NIYA na dapat hindi naman siya ang kasama ko ngayon. Ang tanga tanga mo naman donna mag fi'first move ka na lang mali pa hihilain mo pssshhh nasaan na ba kasi sila!

"Uhmm, Dahil wala pa naman sila. Tara lakad lakad muna tayo!"

Mas mabuti na sigurong di ko muna sagutin yung tanung niya, Di ko pa kasi alam sasabihin ko eh.

Diego's POV

Kawawa naman si Katerina, kahit naman panget siya di naman niya deserve masaktan feeling ko tuloy sobrang mahal niya si ken. Hmm pano ko ba to i'chicheer up.

"Hoy, katreng!!!" Sabay kalabit sa kanya. Nakaupo kasi siya dito sa may beach at nilalaro yung sand.

"Hmm." Simpleng sagot niya. Na ang ibig sabihin ay bakit! At umupo na lang din ako sa tabi niya.

"Ang lalim yata ng iniisip mo ah!" Pag pansin ko sa obvious

"Alam mo ba diego, Bata pa lang ako ng iwan ako ng mga magulang ko para mag trabaho sa paris, Buti na nga lang dumating sa buhay ko si Chrys eh. Kung hindi siya dumating feeling ko walang makikipag kaibigan sakin!" Malungkot niyang kwento. Naawa namn ako bigla sa kanya. At nakinig na lang ako sa kanya

"Yung feeling ng matalino ka naman, Mabait, mayaman, magaling sa ibang bagay Pero tingin sayo ng tao sobrang baba pa din kasi panget ka. Actually, Nasanay na naman ako sa ganitong bagay eh. Yung hindi ako nakikita ng ibang tao i mean yung kakayahan ko dahil ang nakikita lang nila yung kung ano yung panlabas ko." Ramdam ko ang lungkot sa puso ni Kat.

"Minsan nga sinasabi ko sa sarili ko pano kaya kung gumanda ako, Magiiba din kaya tingin ng tao sakin, Mamahalin din kaya ako ng taong mahal ko! Sorry diego ang drama ko eh!" Nagulat na lang ako ng biglang tumulo yung luha niya at pinunasan niya bigla

"Alam mo katerina, Siguro nga pag nakikita ka ng ibang tao ang iniisip nila negative agad. Pero diba sabi nga nila magtiwala ka sa kaya mong gawin! Honestly, Maganda ka naman eh! Nakatago nga lang." Pag tatry kong icomfort si kat.

"Nakatago? Ha-ha (tawa na peke). Nakatago nga siguro, kaya hindi ko mahanap eh. Hahahaha! Diego, Nagmahal kana ba? Anong feeling? Masakit ba talaga? Sorry huh! Curious lang ako di ko pa kasi nararamdaman mahalin eh "

"Oo masakit , Sobrang sakit siempre di naman mawawala yun eh. Pero minsan kailangan mong tiisin kasi mahal mo at nagmamahal ka! Ano ka ba di mo pa ba naramdaman mahalin? Eh parents mo? Si donna? Kahit konti lang sila at least alam mong di ka masasaktan diba?"

"Parents ko? Yung totoo di ko pa naman naramdaman na mahalin nila eh dahil wala naman sila sa tabi ko, Mahal lang nila yung trabaho nila. Kaya nga thankful din ako kay donna dahil alam kong di niya ko sasaktan"

"Alam mo tara na gabi na din oh, Tska malamig na eh baka hikain ka pa bigla dyan! Tama na yan. Andito tayo para mag enjoy diba." Sabi ko sabay abot ng kamay ko para tulungan makatayo si kat.

"Thanks diego".

Naguguilty ako sa totoo lang kasi ganun pala nararamdaman niya tuwing sinasabihan siya ng panget at kung ano anong negative. Hayy, Sorry katerina! Promise I'll make it up to you.

(Dahil nagkahiwahiwalay kami, di na natuloy yung bonfire na plano! Tsss. Pagkabalik ko sa kwarto namin ni ken nagulat ako kasi andun na din siya)

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon