Hindi na ko pumasok. Syempre wala rin naman akong gagawin dun. Asa naman silang makikinig ako sa kanila. E minsan nga mas alam ko pa yung lesson ng teacher ko kesa sakin e.
Hindi ako matalino a. Sadyang alam ko lang ang lesson. Minsan kasii advance ako ng ilang topics sa lesson namin. Syempre para pag sinipag akong magcutting hindi ako mahuhuli db?. Alam na guys kung bakit hindi ako bumabagsak.
Ang saya talagang maging broken ni Jazz. Ang tahimik ng buhay ko. Walang kibo. Laging tulala. Choice naman niya yan e bahala siya sa buhay niya. Haha !! Ang sama kong kaibigan nu? Yamu siya. Malalaman niya ring walang magagawa yan paemote emote niya. Hindi naman babalik si Mike sa kanya e.
Pero tangna nun. Wag talaga yun magpapakita sakin. Naku ??
"Jazz kain tau. Nagugutom ako" yaya ko sa kanya. Pero hindi talaga ako nagugutom. Ang hirap lang magsaya pag may nalulungkot.
Wala naman siyang nagawa kundi sumunod nalang. Hatakin ko ba naman e. :))
Greenwich.
Bakit dito? Dito kasi lagi ang tambayan nila ni Mike. Mahilig kasi tong baliw kong kaibigan sa lasagna.
Umorder na ko. Syempre anung mapapala ko dito sa babaeng to. Pero ayos narin sagot na daw niya e. Swerte ko talaga sa kaibigan. Pamilya ko lang hindi. Pero dahil sila na ang karamay ko ngayon. Sila na at si Manang nalang ang pamilya ko.
Habang enjoy na enjoy akong kumakain ng lasagna siya naman ayun tulala lang.
Nakakainis na aa. Hindi na ko natutuwa sa ginagawa ng babaeng ito. "Jazz anu ba hindi mo ba kakainin yang inorder ko?"Tanung ko sa kanya.Pero imbis na nagsalita pinunasan nalang niya yung tumulong luha sa pisngi niya at parang hindi niya ko naririnig.
Pagtingin ko dun sa tinitignan niya. Nakita ko si Mike na may kasamang ibang babae. Hindi ko man alam kung bakit sila naghiwalay. Isa lang ang alam ko. Si Mike ang may kasalanan.
Dahil sa bwiset na ko sa inaasal ng kaibigan ko. Tatayo sana ako kaya lang pinigilan ako ni Jazz. "Wag" sabi niyang tinignan ako sabay tumingin ulit sa kinaroroonan ni Mike at nang babae niya. Mukhang masaya sila. Tignan ko lang kung magiging masaya ka pa sa mga susunod mong araw sa GSSMHS
A/N: GSSMHS ang pangalan ng school na pinapasukan nila. Gonzales Santos Sanchez Memorial High School. Panget nu? Paki mo wala akong maisip e. Peace yow.
"Kainin mo na yan para makaalis na tayo."
Sabi ko pero mukha talaga siyang walang naririnig. Nakakapika na aa.
"Sige Jazz mag bingi bingihan ka. Pag hindi mo inubos yan. Masasaktan yang ex mo". I really mean that. At kilala ako ni Jazz kaya naman kinain na niya. Takte tong babaeng to. Gusto pang tinatakot.
YNNA POV
"Hindi ba kayo natatakot sa gagawin ni Cess kay Jazz"nagaalalang tanung ni Matt.
"Kilala niyo naman si Cess diba?" Nakangiting sabi ko.
"Yun na nga e"
Sigaw ng lahat
"Grabe naman kayo kay Cess" nakangiti paring sabi ko.
"Alam niyo namang badtrip yun sa mga nagpapakatangga sa isang tao e." Si Vince.
"Tulad nalang nung nagbreak si Jayson at yung ex gf niyang si Dennise, anung ginawa ni Cess kay Jayson nun, nung nagpupumilit siyang sundan si nise." Kwento ni Kramil.
"Sinuntok ni Cess para maipasok sa kwarto" si Alice.
"E nung nalaman ni Cess na pilit kang nagmamakaawa kay Kyle para lang balikan ka niya" Tanung ni Matt kay Ynna.
BINABASA MO ANG
What if
General FictionSabi nila nakatakda ang lahat. Na si God ang writer ng buhay natin. Edi si God ang may dahilan ng lahat? Si God ang may dahilan kung bakit wala akong magulang ? Ganun ba yun ? Dahil siya ang nagsusulat at tayo lang ang character sa nobela niya? Per...