#cantbelieved

24 5 0
                                    

CESS POV

"May I have your attention pls?" Yung MC.
"I will announce whose gonna be our new Mr. And Ms. JS 20**" pagpapatuloy pa nito.

Hays sana si Ynna. Alam kong gusto niya to. Aii oo nga pala laging sumasali ng mga beacon yan. Well maganda naman kasi talaga. At saka Model din yan. Kaya nga siya ang model ni Jazz sa Jazzme. Ang botique na pagaari ni Jazz. Siya ang nagdedesign ng lahat. Pero minsan hinihingi niya rin ang tulong namin. Pero madalang lang yun. Galing kaya sa Fassion niyan.

"Wag ka nang ngumiti dyan pumunta ka na sa stage" si Alice.

Bakit naman ako pupunta dun. Adik tong si Alice.

"Cess tara hatid na kita" nakangiting lahad ng kamay ni Rence.

Wait. Anung nangyayari.

"Lets give Ms. Hernandez around of applause" yung MC.

Wait anung meron ?? Tumingin ako kay Jake na parang tinatanung ko kung anung nangyayari.
"Your the Ms JS this year. Arent you happy?" Si Jake.

"Wait. Why me?" Tutol na sabi ko pero naglalakad naman ako papuntang stage.

"Congrats Ms. Hernandez. And your Prince Charming will be ...... none other than Mr. Jerence Antonio" announce ng

RENCE POV

"Congrats Ms. Hernandez. And your Prince Charming will be ...... none other than Mr. Jerence Antonio" announce ng MC.

Ngayon lang ako naging masaya ng ganito. Last year ako rin ang naging Mr. JS pero hindi ako ganto kasaya. Oo masaya rin naman ako nun kasi si Alice ang naging Ms. JS. Pero ngayon iba e. Sobrang saya ko. Malamang kasi si Cess ang Ms. JS ngayon. At saya ang kapartner ko. Sana hindi lang dito. SANA.

Nagstart nang tumugtog ang music

Ill be by Edwin McCain

Grabe yung puso ko parang gustong nang lumabas. Ang ganda niya talaga. Sinong magaakala na sa likod ng maamo niyang mukha e gangster pala siya. Hindi ko lang maisip kung bakit siya iniwan ng parents niya. Sa ganda at talino niya sinong parents ang gagawa nun. Siya na nga ang dream daughter. Siya na. Siya na ang dream girl ko. Sana hindi lang hanggang dream ko.

"Mawawasak na yang pisngi mo sa kakangiti" sabi niya. Halata sa tono niya na ayaw niya ng nangyayari.

"Ang ganda mo kasi" sabi ko nalang.

"Ewan ko sayo. Nakakainis bakit kasi ako pa" bulong niya pero rinig ko naman syempre.

"Ayaw mo ba akong maging partner?" Malungkot na sabi ko

"Syempre hindi. Sinong babae ang aayaw makaparner ang isang Mr. Jerence Antonio" nakangiti na siya nyan. Grabe parang matutunaw ako sa mga tingin niya at pati na rin sa killer smile niya.

"Baka naman sinasabi mo lang yan kasi kaibigan mo ko"
"Ang drama mo. Hindi bagay. At saka wala akong kaibigang panget. Kaya gwapo ka okay. Hindi ka pogi kasi gwapo ka"
"So crush mo na ko nyan?"
"Bakit naman ako magkakacrush sayo?"
"Kasi sabi mo gwapo ako. Kaya baka crush mo ko"
"Haha. Gwapo ka oo pero hindi kita crush."
"Kahit konti"
"Hindi nga. Adik to"
"Adik sayo" syempre sabi ko lang sa isip ko yun.

Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan. Baka maunahan pa ko nung Jake na yun.

JAYSON POV

Lumabas sandali si Jake nung nagstart nang sumayaw si Rence at Cess. Baka nagselos. Haha ! Ganda talaga nitong kaibigan ko. Dalawang lalaki ang nagkakagusto. Takenote yan lang ang alam ko panu pa yung hindi ko kakilala db??

"Guys wala ba kayong napapansin?" Tanung ko sa kanila. Baka naman nakakahalata na sila na may gusto si Rence kay Cess. Syempre kung ako papapiliin between Jake and Rence for Cess. Syempre kay Rence ako. Bukod sa kaibigang matalik ko si Rence alam ko na hindi niya lolokohin si Cess.

"Anu na naman ba yang mga napapansin mo ?" Si Alice.

"About naman kanino?" Curious na tanung ni Matt.

"About Rence"

"And what about Rence?" Si Vince

"So dama mo rin Jayson?" Nagulat ako sa sinabi ni Ynna. So hindi lang pala ako. Tama pati si Ynna. Pero tama nga kaya?

"Na anu?" Tanung ng iba.

"Na may gusto si Rence kay Cess" sabay na sabi namin ni Ynna.

Syempre socks sila. Kahit naman ako e. Knowing Rence. Na dakilang play boy.

"Bakit ngayon niyo lang to sinabi?" Inis na sabi ni Alice

"So whats the plan?"

"Ako nang bahala. Basta promise me na in kayong lahat" Si Ynna. Kung anuman yun. In talaga ako.

"In" sabay sabay na sabi naming lahat.

At bumalik na nga si Jake. Kasabay ng pagbalik sa upuan nila Rence at Cess.

"Congrats guys" sabay na sabi ni Alice at Jazz.

Nagkatinginan pa yung dalawa sabay tawa. Adik talaga.

"Ynna. Sorry" sabi ni Cess. Teka anung problema ?

"Why?" Si Ynna.

"Kasi alam ko namang gusto mo yung title. Dapat talaga hindi na ko pumunta e." Pagsisisi ni Cess sa sarili niya. Adik talaga yan.

"Baliw ka Cess. Okay lang nuh. Hindi ako galit sayo at saka walang duda naman na ikaw talaga ang manalo. Look at you, you looks like an angel" nakangiting sabi ni Ynna at nagyakap ang dalawa.

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon