Nabalitan ni Cess na nasa hospital daw ang kanyang ina. Sinugod ito nung nakaraan at hanggang ngayon hindi pa lumalabas.
"Cess wala ka bang balak dalawin ang Mama mo?" Tanung ni Jake.
"Bakit magigising ba siya kung dadalawin ko siya?" May bahid ng inis ang tono ni Cess.
"She need you. I know that she does" mariing sabi ni Jake. "Magayos ka na. Pupuntahan natin siya ngayon"
"In your dream" sabi ni Cess sabay takbo sa kwarto na ginagamit niya ngayon. Nilock niya ito at nahiga sa kama.
**
Calling Jake...."Iho nasabi mo na ba ?" Alalang tanung ni Manang.
"Opo. Pero hindi siya pumayag" malungkot na pahayag ni Jake sa matanda. "Pero wag po kayong magalala kokumbinsihin ko po siya ulet"
"Salamat"
At pinutol na nito ang linya.
"Manang anu pong balita?" Tanung ni Prince. "Pumayag na po ba siya ? Kelan siya makakapunta?"
"Hindi. Hindi siya pumayag e. Pero sabi naman ni Jake pipilitin niyang mapapunta dito si Cess" sabi ni Manang.
Naiinis na ako kay Ate. Dont worry Mama. Ill do everything just to bring her here. Sabi ni Prince sa sarili. Alam niya kasi ang kanyang Ate lang ang makakatulong sa Mama niya ngayon. 7 days nang nandito sa hospital ang mama niya. 3 days nalang. Sa loob ng 3 days pag hindi pa siya nagising wala na.
Nagpasya si Prince na puntahan ang bahay ni Jake para pakiusapan ang kanyang ate na magpunta ng hospital ngunit na abutan niyang nagtatalo ang magkaibigan.
"Yan ang hirap sayo. Ang tigas mo. Ang tigas tigas mo" inis na sabi ni Jake sa kaibigan.
Kinokontrol ni Cess ang emotion. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng kaibigan pero hindi na niya napigilan. Nanatiling nakatulala si Prince sa may pinto.
"Cess nagsorry na siya. Nagsorry na. Bakit ayaw mo pang tanggapin? Bakit? Cess kailangan ka niya ngayon. Bakit pinagdadamot mo sa kanya yung chance na makabawi siya sayo" Sigaw ni Jake.
"Bakit ? Nung kailangan ko siya asan siya ? Wala diba? Wala siya. Wala siya nung mga panahon na kailangang kailangan ko siya. Wala siya nung ako yung nangangailangan" umiiyak na sabi ni Cess.
"Cess ang manhid mo. Ang manhid manhid mo" mariing sabi ni Jake.
"Naiinis rin ako kung bakit ganito ako. Naiinis ako kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Oo manhid ako. Sa lahat ng nangyari sakin hindi kaduda dudang maging manhid ako. Ikaw kaya mawalan ng magulang bata ka palang. Iwanan ng nagiisang tinuring mong kaibigan. Lumaki ng walang magulang sa tabi mo. Ikaw kaya yung pagtawanan ng mga classmate mo kasi tuwing family day wala kang kasama kundi ang yaya mo. Ikaw kaya yung magtrabaho kahit ambata mo pa. Kala mo madali ?" Patuloy ni Cess. Pinuntahan na siya ni Jake para yakapin pero pinigilan siya ng dalaga.
"Wag. Wag mo kong kaawaan. Kinailangan kong maging manhid sa lahat ng gagawin at sasabihin sayo ng ibang tao. Kinailangan kong maging matigas para kahit anung gawin nila hindi ako matutumba. Kinailangan ko lahat ng iyon. Akala mo ba ikaw lang ang naiinis. Ako rin. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi kung bakit yung sarili kong ina hindi ko mapatawad. Naiinis ako kasi hanggang ngayon pinililit kong kalimutan ang nakaraan. Itapon ang nakalipas pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa. Kasi hanggang ngayon nabubuhay parin ako sa nakaraan. Nabubuhay parin ako sa kahapon na gustong gusto ko nang takasan" umiiyak na sabi ni Cess.
Lumapit si Prince sa ate niya.
"Ate " mahinang sabi ni Prince.
Pagkasabi ni Prince nun. Tumakbo na si Cess. Sumakay siya sa sasakyan niya. Pinabayaan niya lang na mga kamay at paa niya kung saan ito tutungo.
Nang matiyak ni Cess na malayo na siya at walang sumusunod sa kanya. Inihinto muna niya ang sasakyan sa tabi at umiyak ng umiyak.
**
"Its my fault. Its all my fault" sigaw ni Jake."Hindi mo kasalanan yun. Let her be. Maybe she need some space or time to think" sabi ni Matt.
"No ones fault. Sino ba ang may gusto ng nangyari? Wala naman diba ? Wala" si Alice.
"Dont blame your self. Babalik rin siya. Kailangan lang niyang lumayo para makapagisip siya ng maayos" si Ray.
Kasalukuyang andito sa bahay ni Jake ang mga kaibigan. Tinawagan kasi ito ni Prince ng hindi na niya alam ang gagawin dito.
"Knowing choice, she can do it" si Christian aka Dare.
"Tama si Cris, si Cess yun. Alam naman natin ang pinagdaanan niya. Mahirap yun, pero nalagpasan niya. Kaya alam ko malalagpasan niya rin to. Magtiwala tayo sa kanya" si Rence.
"Gangster pala si Ate" sabi ni Prince.
"Hindi lang basta Gangster. Shes the ICE PRINCESS. Isa sa kinatatakutan ng lahat" si Dare.
"Woooh !!! Talaga ??" Amuse na sambit ni Prince.
Tumango lang si Dare at ngumiti bilang tugon sa sinabi ni Prince.
----------------------------------------------------------- Sabaw ! Pagpasensiyahan na hindi madrama si Writter e.
Vote for this chapter if you like and not ;)
~enajerlovesyou so much
BINABASA MO ANG
What if
Narrativa generaleSabi nila nakatakda ang lahat. Na si God ang writer ng buhay natin. Edi si God ang may dahilan ng lahat? Si God ang may dahilan kung bakit wala akong magulang ? Ganun ba yun ? Dahil siya ang nagsusulat at tayo lang ang character sa nobela niya? Per...