#ReminisceOfThePast

29 1 0
                                    

Hindi man aminin ni Cess apektado parin talaga siya sa presence ni Clark.

Sino nga ba si Clark sa buhay niya at bakit siya naaapektuhan ng ganito?

Si Clark lang naman ang bestfriend niya DATI. Si Clark ang dahilan kung bakit siya gumigising sa umaga NOON. Pero nagbago lahat ng isang pangyayari.

Isang pangyayari na pinagdadasal niyang sana hindi na nangyari.

Magclassmate si Cess at Clark simula Gradeschool. Sila ang PAKNERS IN CRIME. Si Clark lang ang bukod tanging nakipagkaibigan sa kanya kahit na sobrang sama ng ugali niya. Si Clark ang dahilan kung bakit siya sumali sa mga FRAT. Ibinaling niya lahat ng galit at sama ng loob niya sa ibang tao. Sa mga kaaway nila sa FRAT. Gustuhin man niyang saktan si Clark hindi niya kaya. Mahal niya parin ito. Hindi niya matatakpan ang katotohanang naging parte ito ng buhay niya.

Pero pinangako niya sa sarili niya na hinding hindi na siya magtitiwala sa ibang tao. Wala siyang kakampi kundi ang sarili lang niya at wala nang iba.

Marami siyang dahilan para saktan ito. At gawing miserable ang buhay nito kaya lang lagi niyang iniisip yung mga panahon kailangan niya ng makakausap at si Clark ang andun sa tabi niya.

Kung may gusto man siyang tanggalin sa nakaraan niya iyon ay walang iba kundi yunga araw na nagkita sila ni Clark sa Park. At nung tinanggap niya ang pagiging magkaibigan nila.

*FlashBack

Sa Park.

"Wag kang umiyak dito." Nakaupo siya nun sa swing. Umiiyak. Nagtatanung kung bakit sa kanya ito nangyari. Bakit sila iniwan ng Tatay niya at sumama sa ibang babae? Bakit siya nagawang iwan ng Nanay niya para sa ibang lalaki?

Wala siyang balak tarayan ang lalaking katabi niya sa swing. Tumayo siya at aalis na sana sa kinaroroonan niya ng bigla siyang hawakan ng lalaki.

"May dahilan lahat ng bagay" pagkasabi ng lalaki. Bigla siya nitong niyakap. Pinipilit niyang makawala sa pagkakayakap sa kanya ng lalaki.

"Bitiwan mo ako ngayon. Hindi kita kilala at lalong hindi kita kailangan. Wala akong kailangan." Mariing sabi niya pero hindi parin siya binitiwan ng lalaki.

Hindi na nagsalita ang lalaki bagkus mas lalo nitong hinigpitan ang yakap sa kanya.

Simula nang mangyari yun. Hindi na siya tinantanan ng lalaki.

***
"Kelan mo ba ko titigilan?" Inis na tanung niya sa lalaki.
"Pagnamatay ako?" Patanung na sabi ng lalaki na may kasama pang ngiti.

***

Napalapit na rin si Cess kay Clark. Nasasakyan ni Clark ang mga trip niya. At napagpasyahan na niyang tanggapin ito sa bilang Kaibigan niya.

"Clark diba tinanunung mo kung gusto kitang maging kaibigan?" Sabi niya na nakangiti at hindi rin maiwasan na mapangiti ang lalaki.
"Oo. Alam mo na ba ang sagot mo? Tinatanggap mo na ba ako?' Tanung ng lalaki na hindi parin nawawala ang paasa sa mukha nito.
"HINDI. AYOKONG MAGING KAIBIGAN KA" mariing sabi ni Cess. Oo sinabi niya talaga yan. At bakas sa mukha ng lalaki ang disappointment.
"Wahahahahahahaha" tawang tawa si Cess sa reaksyon ni Clark. Mukha siyang nalugi. Tas parang pitbul na yung mukha niya. Haha. Mean ko na. "At nakukuha mo pa talagang tumawa ng ganyan" inis na sabi nito at humakbang palayo. Gustuhin man ni Cess na tawanan lang ng tawanan si Clark pero baka hindi na ito magpakita pa. At totoo yung sinabi niya. Kasi ang gusto niya maging magBESTFRIEND sila.
"AYOKONG MAGING KAKILALA O KAIBIGAN KA LANG. GUSTO KO KASING MAGING BESTFRIEND KA" Sigaw ni Cess dahil medyo malayo na sa kanya si Clark.
"Anung sabi mo?' Tanung nito na parang hindi makapaniwala sa narinig.
"Bingi naman ng BESTFRIEND ko" nakangiting sabi ni Cess. Pagkasabi niya nun biglang tumakbo si Clark sa kinatatayuan ni Cess. At bigla siya nitong niyakap.
"Hinding hindi kita iiwan. Pangako yan" bulong ni Clark sa kanya habang magkayakap sila.
"Ako rin. Bestfriend" nakangiting tugon niya sa bestfriend niya.

Naging magkaibigan sila. Bestfriend pa nga. Alam na rin nito kung bakit siya umiiyak sa park nung makita ito nung lalaki. At nangako sa isat isang hindi magiiwanan. Okay na ang lahat. Mula ng maging magkaibigan sila laging masaya na si Cess. Laging may ngiti sa mga labi nito.

Ngunit isang araw nagulat siya ng malaman na wala na pala si Clark sa bansa. Umalis na ito at pumuntang France para dun mag aral ng Highschool. Iyon ang sabi ng magpunta siya sa bahay nito para sabihing sabay na sila magenroll for highschool.

Maraming tanung ang gumugulo sa isip niya. Kung bakit lagi nalang siyang iniiwan? Wala na ba siyang karapatang maging masaya? Bakit kata nangyayari sa kanya ito?

Wala siyang makuhang matinong sagot sa lahat ng mga katanungan niya.

Magmula ng iwan siya nito sa ere. Hindi na siya nagtiwala sa ibang tao. Walang permanente sa mundo. Iyan ang lagi niyang sinasabi sa sarili niya.

Galit na galit siya nun sa kaibigan niyang si Clark. Kaya sumali siya sa FRAT upang mailabas lahat ng galit niya. At dun niya nakilala si Jake. A.k.a EVO at naging kasapi siya ng Frat ni EVO.

Lahat ng galit, sama ng loob. Tinutuon niya sa kung sino ang target niya sa araw na yun.

Pero sa maniwala kayo sa hindi. Hindi pa siya pumatay ng TAO. Oo gangster siya. Basag ulo. Kababaeng tao ganyan siya pero kaya niya lang yun ginagawa para mailabas ang nasasaloob niya.

------------------------------------------------------

Alam na guys.
Wag nating gusgahan si Cess wala e.

At hindi lahat ng GANGSTER. Pumapatay ng TAO.

~Enajerlovesyou

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon