EVO POV
"Hindi ka ba titigil dyan sa pagiging trouble maker mo" sigaw sa kanya ng daddy niya."bakit hindi mo nalang gayahin ang kapatid mo"
Ayan na naman si Daddy. Wala naman siyang nakikita sakin kundi lahat ng kamalian ko. Wala naman akong halaga sa kanya. Lagi nalang si Andrei. Si Andrei dito. Andrei dyan.
Kakarating ko lang pero aalis na naman ako. Hindi naman kasi naging tahimik ang buhay ko dito sa bahay. "San ka na naman ba pupunta. Kakarating mo lang aalis ka na naman" si Dad. Hindi ko nalang siya pinansin. Tuloy lang ako.
"Mula nang nabarkada ka ganyan ka na. Ayan ba ang tinuturo sayo nang barkada mo?" Mariin sabi niya.
Hindi na ko makapagtimpi kaya nasagot ko na siya. "Ako na naman ang nakita mo. Pupunta akong heaven sama ka?" Inis na sabi ko.
"Walang wala ka talaga sa kapatid mo. Wala ka nang dinala sa pamilya na to kundi sakit sa ulo. Bakit ka ba naging ganyan" sabi niya.
"Ayan. Si Kuya Andrei na naman. Sige nasan ang paborito mong anak? Asan ? Siya ba ang nagaalaga sayo? Asan ang pinagmamalaki mo. Iniwan ka rin niya. Ako na nga tong nagmamagandang loob sayo kahit wala naman akong matanggap mula sayo. Sige para maging masaya ka. Aalis nalang ako. Nang sa ganun maipagmalaki mo narin ako. Gusto mong maging parehas kami ni kuya diba? Edi lalayas nalang din ako. Okay na. Masaya ka na?" Inis na sabi ko.
Wala akong paki kung san ako matutulog. Napupuno na talaga ako sa kanya. Lagi nalang ako. Tangina. Walang araw na hindi niya ko sinesermunan.
Nakasakay na ko kay Red. (Pangalan ng Auto ko. Kulay black siya pero dahil fav ko ang color red. Red ang pinangalan ko sa kanya). Nang tumunog ang cp ko.
Yvan Calling ..
"Brod may drag race. Sali ka ba?" Si Yvan. Coordinator sa mga drag race na nagaganap dito sa bansa.
"Sasali ako" sabi ko. Kahit alam kong magagalit sakin si Choice. Si Choice ang dahilan kung bakit hindi pa ko sumusuko sa buhay. Si Choice na laging andyan para sakin. Iba siya sa ibang babae. Siya yung tipong kahit ang dami nang dahilan para magalit o mainis siya, maghahanap siya ng isang dahilan para hindi mangyari yun
**Drug race
Ilang minutes nalang mag start na ang race. "Choice pasensya na." Bulong niya sa sarili.
Nagstart na ang race. 20 silang lahat. Alam niyang mas magaganda ang mga motor ng ilan, pero alam niyang may laban siya.
"Nice Red" naunahan na niya yung isa sa may magandang Motor.
"Anung sinabe ng motor mo sa motor ko" sabi ko sa sarili. Oo na mayabang na kung mayabang. Wala e. Maganda lang yung motor niya. Tanga nga lang yung driver.Socks. Malapit na. Konti nalang.
CESS POV.
pagkatapos kong malaman ang nangyari kay Evo. Umalis na ko ng School. Oo di pwedeng lumabas ng campus pero syempre ako yata si Princess Cassandra Hernandez. May nakakapagbawal ba sakin.
"Putcha naman oh" sabi niya sa sarili. Panu pa naman ayaw pang magbigayan ng mga driver na to. sige titigan tayo dito.
Bumaba ako ng motor at nagpunta dun sa unahan kung saan may dalawang driver na feeling pogi.
"Kuya wala ka bang balak umatras ng makadaan yung kotse" sabay turo ko sa kotseng kulay itim.
"At bakit ako ang aatras. Siya tong paatrasin mo" bulyaw sakin ng driver ng hilux na kulay red.
Putriss ka kuya. Nakakainis ka na.
"Anak ka naman ng Ina mo kuya e. Nakita mo ba na wala siyang maaatrasan samantalang ikaw meron. Tapos ang arte mo pa. Mamamatay ka ba kung aatras ka lang" hiyaw ko sa kanya. Alam kong yung iba nakatingin na samin puro tangna hindi ako tatayo lang dito para hintayin na matunaw yung pride nila.
Partida motorbike lang dala ko hindi ako magkasya. Sige isipin niyo yung traffic na ginawa ng mga gaging driver na yan. #Selfish1001
Mukhang ayaw niya pang umatras kaya no choice. Kailangan na ng physical. Akmang hahampasin ko na yung hilux niya e bigla naman siyang nagsalita.
"No need to do that" sabi niya.
"Yan lang pala kailangan mo sana sinabi mo na agad kanina pa. Tumagal pa tayo" sabi ko sabay balik sa motor ni Vince.
Ngayon ko lang naisip na kung nanakaw yung motor ni Vince may problema ako ngayon. Socks. Utak Cess.
At umatras na nga yung hilux kaya nakadaan na yung civic at syempre pati ako.
Maya maya tumunog ang aking mahiwagang Cellphone
¿¿ spongebob team song ¿¿
Dare Calling...
(San ka na?)
"Wow ha wala man lang hello dyan"
(Choice wag mo kong andaran)
"Kelan ka pa naging sasakyan?"
(CHOICE) lumakas at maawtoridad n sabi ni Dare. For sure inis na yan. Haha XD
"Nakasakay sa motorbike" wala trip ko lang. Stress kasi kanina kilangan bumawi.
At binaba na ni Dare ang phone. Haha !! Badtrip nga yun.
************************************
Nageenjoy po ba kayo??? Maganda ba ??
Please spread this with your friends..
And pls Do support my 1st story..
Open for comments and suggestions ..
--Enajerlovesyou
BINABASA MO ANG
What if
General FictionSabi nila nakatakda ang lahat. Na si God ang writer ng buhay natin. Edi si God ang may dahilan ng lahat? Si God ang may dahilan kung bakit wala akong magulang ? Ganun ba yun ? Dahil siya ang nagsusulat at tayo lang ang character sa nobela niya? Per...