#pagkikita

29 1 0
                                    

Nauna na si Cess magbreakfast tulog parin kasi yung mga kaibigan niya. Naginom pa kasi. Mga sugapa talaga sa alak.

Nagsisisi na siya kung bakit hindi niya nalang hinintay magising yung mga kaibigan niya. Ang daming tao.

Dahil sa gutom na nga siya. Pumunta na siya may counter. Umorder lang siya ng Tapsilog na may sidedish na kamatis at isang malamig na tubig. Pagkatapos niyang umorder, naghanap na siya ng mauupuan niya.

Maraming tao. Halos wala na siyang makitang bakante. Lahat may nakaupo at kumakain. May nakita siyang bakante. Hindi nga lang niya alam kung okupado na yun. May lalaki kasi sa harap nun. Pangdalawahan yung table na yun.

Pupunta na sana siya dun para tanungin nang biglang lumingon yung lalaki.

Bigla siyang natulala. Parang nakakita siya ng multo.

"Totoo ba tong nakikita ko?" Hindi makapaniwalang tanung niya sa sarili.

Nagmamadali siyang umalis at bumalik sa kwarto na inuokopahan nilang magbabarkada.

Pagdating niya sa kwarto. Napagpasyahan niyang ipahatid nalang yung pagkain niya at sa kwarto nalang siya kakain.

***

"Sakit parin ng ulo ko" daing ni Rence sabay hawak pa sa ulo niya.
"Inom pa" sabi ni Cess na hindi inaalis yung mata sa pinapanuod niya. Nanunuod kasi siya ng BORN TO LOVE YOU ni Coco Martin at Angeline Quinto.

Maaga nga kasi siyang nagising e wala siyang magawa kaya nidownload niya nalang yun at pinanuod.

"Cess breakfast na tayo. Nagugutom ako" sabi ni Rence.
"Tapos na ko. Ikaw nalang." Maikling tugon ni Cess.

Hindi na si Rence nagpumilit kay Cess bagkus nilapitan nalang niya si Matt na at Jayson para gisingin at ayain naring kumain.

"Matt... Jayson... bangon na" sabi ni Rence na may kasama pang yugyog sa dalawa.

"Fucking tape naman oh! Masakit ulo ko. Tigilan mo ko" sigaw ni Matt na may halong inis.

Dahil alam ni Rence na hindi niya maaaya yung dalawa. Napagisipan niyang si Cess na lang ang guluhin. Alam niyang hindi siya matitiis ng dalaga.

"Cess, kain na nga tayo?' Pagmamakaawa ni Rence.
"Hindi mo ba nakikita na nanunuod ako. Kumain ka magisa mo" inis na sabi ni Cess na hindi man lang siya nilingon.

"Sige wag na nga. Wala na rin akong gana. Basta pag namatay ako, gusto ko sa bahay ako ibuburol a. Tapos imbis na kape, softdrinks ang iinumin niyo. Syempre mayaman ako. Tas mga chips ang andun hindi boy bawang or something" malungkot na sabi ni Rence.
"Ayts !! Oo na tara. Sasamahan lang kita. Hindi ako kakain a" sabi ni Cess na kinatuwa naman ni Rence.
"Thank you talaga bestfriend" sabi ni Rence sabay yakap kay Cess.
"Alis. Alis. Hindi kita bestfriend a. Wag kang mangarap" mataray na sabi ni Cess at tumayo na sa kama.
"Okay. Basta alam kong mahal mo ko. Sapat na yun" nakanguting sabi nu Rence.
"Hindi kita mahal. ASA BOY" sabi ni Cess sabay tungo sa pintuan. Hahaba pa kasi ang usapan. " Anu tatayo ka lang dyan. Bilisan mo nanunuod ako. Istorbo ka" inis na sabi pa ni Cess.

"If i know gustong gusto mo rin akong kasabay kumain" pangiinis ni Rence.
"Kapal talaga. Sige ayaw mo ba hindi na kita sasamahan at manunuod nalang ako. Mas masaya yung gawin" pabalik na sana si Cess sa loob ng unit ng biglang hawakan ni Rence yung braso niya.
"Oo na. Hindi na. Tara na gutom na ko" sabay hatak sa kanya ni Rence papuntang cafe.

------------
Sino kaya yung nakita ni Cess ??

Guess who ??
VOTE | COMMENT na guys !!
LIBRE LANG TO XD

By the way high way (tawa guys! Commedian ako XD)

Para sa HS Friend ko. Haha !! Hindi na yun ang mangyayari. Friction nga e. Bakit gagawin ko yung talagang nangyari. E di kinilig ka na naman ulet !! XD magprivate message ka sakin o kaya sa FB nalang. Wag mong iexpose yung inspiration ko :) (baka kasi meron)

Peace !! Basa lang guys.
Libre
~Enajerlovesyou

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon