Natagpuan ni Cess ang sarili niya na pumapasok sa simbahan. Ewan niya kung bakit dito siya dinala ng mga paa niya. Pero malaki ang paniniwala niya na may dahilan ang lahat.
Pumasok si Cess sa simbahan at umupo sa silid. Maraming nagsisimba. Maraming nananalangin. Alam niyang pakikinggan siya neto. Pero ang tanung kelan kaya diringin ang mga iyon? Sa TAMANG PANAHON sagot ng isip niya. Pero kelan kaya lagi yun? Nagpunta siya dito ng iwanan siya ng Tatay niya. Tinanung rin niya ito kung bakit siya pa? Anung ginawa niyang masama para maranasan niya ang lahat.
Andito na naman ako sayo. Naghahanap ng sagot sa mga katanungan ko. Alam kong may dahilan ang lahat ng mga nangyayari. Pero sana naman sabihin mo na. Ang hirap na kasi. Ang hirap maging AKO.
Tumayo at lumabas na siya ng simbahan ng harangin siya ng isang batang nagtitinda ng sampaguita.
"Ate para sayo" inabot ng bata ang tindang sampaguita sa kanya.
"Bakit ? Para saan? " naguguluhang tanung niya.
"Para mawala yung lungkot na nararamdaman mo. Sabi kasi ng tatay ko pag nakatanggap daw ang mga babae ng bulaklak gagaan daw yung pakiramdam nila." Masayang sabi ng bata pero sa kalangitan ito nakatingin. "Hindi man kasing ganda ito ng mga natanggap mo na. Pero bulaklak parin naman ito diba?" Nakangiting sabi nito sa kanya.
Natawa siya sa sinabi ng bata. Parang ang dami na nitong alam sa buhay kahit bata pa ito. "Pero tinitinda mo iyan, bibilhin ko nalang, magkano ba?" Sabi ko sa kanya.
"Ayos lang naman ate bawi na kasi ako kanina. Bigay ko lang sayo ito kasi kung bibilhin mo mawawala yung meaning" nakangiting sabi nito.
Natutuwa talaga siya dito sa edad niyang yan parang nakakagulat na ang dami na niyang alam tungkol sa mundo.
"Nakakatuwa ka. Ang swerte ng magulang mo sayo" sabi ko sa bata.
"Ang malas nga nila sakin e" malungkot na pahayag ng bata.
"Bakit naman?" Pagtatalang tanung ko.
"Dahil sakin kaya namatay ang Nanay ko dahil mas pinili nilang ako ang mabuhay. Pero kinalaunan sumunod narin ang tatay ko dahil sa depression" malungkot na pahayag nito.
"Sorry" sabi ni Cess.
"Haha. Bakit ka nagsosorry wala namang may gusto nun" sabi ng bata.
"Pero kung hindi ko yun tinanung hindi ka maiiyak at hindi mo maaalala yun" sabi pa ni Cess.
"Ayos lang yun. Tanggap ko na naman e" sabi nung bata.
"Hindi ka ba nagagalit sa kanila? Kasi kung hindi ka nila iniwan sana hindi ka nagtitinda ng sampaguita ngayon. Sana nagpapakasaya ka sa buhay mo." Tanung ni Cess.
"Nagalit. Nagalit ako nung una. Pero may isang taong nagsabi sakin na kung gusto kong maging masaya sa buhay ko dapat daw marunong akong tumanggapa at magpatawad. Kasi kung hindi daw hindi ako makakaalis sa kahon na pinaglagyan nila sakin." Masayang sabi ng bata. "Sige po, malapit nang matapos ang misa. Pupwesto na po ako ulet sa pintuan ng maubos ko na itong mga paninda ko" masayang sabi ng bata.
"Sandali. Ako nalang ang bibili ng mga iyan" sabi ni Cess at kinuha ang wallet na nasa bulsa niya.
"Wag na ate. Ayokong kaawaan mo ko" sabi ng bata na naging dahilan na lalong matuwa siya dito.
"Hindi kita kinakaawaan. Sadyang gusto ko lang bilhin yang paninda mo?" Sabi ni Cess.
"Sapat na yang binigay ko para sa bahay niyo at sa sasakyan niyo. Wala na kayong paglalagyan nito. Ayokong masayang ang magaganda kong paninda" sabi nito at umalis na.
BINABASA MO ANG
What if
General FictionSabi nila nakatakda ang lahat. Na si God ang writer ng buhay natin. Edi si God ang may dahilan ng lahat? Si God ang may dahilan kung bakit wala akong magulang ? Ganun ba yun ? Dahil siya ang nagsusulat at tayo lang ang character sa nobela niya? Per...