#decision

29 1 0
                                    

Napagdesisyunan na ni Cess na bumalik sa bahay niya at ipagpatuloy ang buhay.

Tapos na siyang magayos ng sarili at pababa na siya ng kwarto para magalmusal.

"Cess anak pwede bang umuwi muna ako ng Leyte. Nagkasakit kasi ang kapatid ko at walang magaalaga sa mga pamangkin at apo ko" paghingi ng permiso ni Manang Yolly kay Cess.

" Opo naman Nang, gusto niyo po ihatid ko kayo?" Sagot ni Cess sabay inom ng milk na gawa ni Manang Yolly.

"Salamat anak. Naku wag mo akong ihatid alam kong busy ka ngayon" sabi ni Manang Yolly sabay yakap kay Cess.

"Nang naman e, alam mong hindi ako matatahimik hanggang hindi ko naaassure na safe ka. Besides wala si Jake para ihatid ka. He's out of the town for his passion unless you want me to call him just to be your driver" nakangiting nakakaloko ni Cess.
"Hay naku kahit kelan hindi na ko nanalo sayo. Pero after nalang ng lunch meeting mo at baka galit na galit na si Celine sayo" sabi ni Manang Yolly at nagpaalam para ayusin na ang mga gamit niya.

Tumango nalang si Cess at ipinagpatuloy at pagkain.

Nang matapos nang kumain si Cess niligpit na niya ito at nilagay sa kitchen sink at umakyat na ulit sa kwarto niya.
Pagtingin niya sa cellphone niya ay 10 palang ng umaga. Masyado pang maaga para umalis siya para sa lunch meeting niya. Malapit lang kasi ang City Cakes sa place niya. Doon kasi gaganapin ang meeting nila ng manager niya with the editor in chief of the J style magazine. One of the famous magazine in the international.

*insert music for ringtone*

"Yes?" Sabi ni Cess sa kabilang linya.

(Totoo bang nandyan ka na sa bahay mo?) Tanung ni Rence.
Oo si Rence ang tumawag sa kanya.

"E anu naman ngayon?" Mataray na sabi ni Cess

(Yiiiiiiiiiiizzzzzz ikaw na nga yan Cess. MABUHAY. Buti naman natauhan ka na at bumalik. Andami kayang nagaalala sayo)

"Ang sakit sa tenga ng sigaw mo bakla" inis na sabi ni Cess.

(Sows. Bakla? Edi tomboy ka naman) pangaasar ni Rence.

"Ewan. Sige na nakuha mo na naman yung sagot. May aasikasuhin pa ko. Talk to you later" sabi ni Cess at binaba na ang cellphone.

*Knock *knock

"Tuloy" sigaw ni Cess. Tamad tumayo yan kaya sumigaw nalang.

Lumitaw sa pinto ang mukha ni Prince.

"Ate nasa baba po si Kuya Clark" pagkasabi ni Prince sinara na niya ulet ang pinto.

Kuya Clark ? Kuya mo Kuya mo. Sabi ni Cess sa isip at tumawa sa sarili niyang kababawan.

Anu kayang ginagawa ng mokong na yon dito. Nagpalit na si Cess ng damit dahil mag 11 na rin naman.

"For you" sabi ni Clark sabay abot sa kanya ng dalang bulaklak.

"Kelan pa ko naging patay?" Mataray na sabi ni Cess.

"Cess naman e? Wag mo nga akong basagin" pakamot kamot sa ulong sabi ni Clark.

Tuwang tuwa naman si Cess sa reaksyon ni Clark. Hindi niya kasi maisip na si Clark ang sisiga siga at astig niyang kababata e natatameme sa kanya.

"Anu bang ginagawa mo dito?" Mataray na tanung ni Cess.

"Nabalitaan ko kasi na andito ka na kaya nagpunta ako agad" sabi ni Clark na hindi man lang tinitignan siya sa mata.

"Grabe. Late receiver ka ata. Mag isang linggo na ko dito ngayon mo palang nabalitaan" sabi ni Cess.

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon