Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko na binabaliwala ni Ate Princess si Mama. Pero kung ako man ang nasa position ni Ate baka ganto rin ang gawin ko.
Lumaki ako na laging ikinukwento ni Mama si Ate. Na may kapatid ako sa Pilipinas. Lagi rin si Mama updated sa buhay ni Ate. Naghired siya ng isang private investigator para masubaybay si Ate. Mula ng hindi na si Ate nakikipagusap kay Mama sa telephone.
"Pasensiya ka na sa anak mo. Hindi naman siya ganyan e. Hindi yan sumasagot o nagtataas ng boses sa mga nakakatanda" paghingi ng paumanhin ni Manang Yolly kay Mama.
"Ayos lang yun Manang, kasalanan ko naman e. Iniwan ko siya" mangiyak ngiyak na sabi ni Mama.
Lumapit ako sa kinaroroonan nila.
"O iho, pasensiya ka na kung minsan nasusungitan ka ng Ate mo" sabi ni Manang sa sakin.
"Ayos lang po iyon, Manang, naiintindihan ko po siya" nakangiting sabi ni Prince. Kapatid ni Princess.
"Manang magkwento ka naman sakin tungkol sa kanya" sabi ng Mama nila.
"Mabait si Princess, marami rin siyang mga kaibigan pero madalang pumunta ang mga ito dito. Ayaw kasi ni Cess na may ibang tao sa bahay na ito bukod samin" panimula ni Manang.
"E panu po siya naging model?" Curious na tanung ni Prince.
"High school palang si Cess ng maging freelance model siya. Mula ng hindi na siya nakipagkonunikasyon sa inyo dun yun nagsimula. May mga kumuha sa kanya. Nung una hindi ko pa alam hanggang sa napapansin ko na late na siyang umuwi. Ayun sinabi nga niya na nagmomodel na siya" pagkukwento ni Manang. "Nung una ayokong pumayag kasi bata pa siya. At natatakot ako na baga kung san yun humantong. Pero nangako naman siya sakin na maayos yun" masayang kwengo ni Manang.
"Ang galing pala ni Ate. Nakakabilid" pagkokomento ni Prince.
"Sinabi mo pa iho. Natutuwa ako sa kanya dahil laging positibo lang ang tingin niya sa buhay. Pero minsan, nagaalala ako" bakas sa tinig ni Manang ang pagkalungkot.
"Bakit naman Manang?" Tanung ni Prince. Samantalang ang Mama nila ay nananatiling nakikinig lang sa usapan.
"Malihim kasi yang si Cess. Pretender din" sagot ni Manang.
"Paano? Manang naguguluhan na po ako?" Sabi ni Prince.
"Ayaw na ayaw ni Cess ang maging pabigat sa ibang tao. Ayaw ni Cess inaasa ang mga bagay bagay. Masado niyang sinasarili ang lahat" malungkot na sabi ni Manang. "Alam mo ba iho, sumasahod parin ako kahit ayokong tanggapin. Wala naman kasi akong pagkakagastusan dahil maayos na ang mga lagay ng mga kapatid ko. Si Cess ang tumulong sakin para napagamot ang isa kong pamangkin na nadengue. Ang daming problema na ang nalampasan ng Ate mo. Kaya nga nagaalala ako sa kanya. Oo Matapang siya, palaban. Pero lahat tayo may kahinaan. Lahat tayo may pangangailangan" kwento ni Manang.
Naawa. Naging proud si Prince kay Cess. Alam niya kasi ang swerte ng Ate niya dahil kahit itinataboy nito ang Mama niya mahal parin siya ng Mama niya. Naiingit siya dati kay Cess dahil ito ang laging bukang bibig ng Mama niya. Lagi itong pinagmamalaki ng Mama niya sa kanya at maging sa iba.
Lumabas saglit si Prince dahil sinagot nito ang tawag sa cellphone.
"Manang salamat. Salamat kasi hindi mo iniwan si Cess ng kailangan niya ng makakasama" umiiyak na sabi ng Mama nila.
"Sa mga naitulong ni Cess wala yun" nakangiting sabi ni Manang.
"Yes. I've meet her" sabi ni Prince sa kausap niya sa kabilang linya.
"No. My Ate still mad at Mama that's why we need to stay longer here" sabi pa nito.
"Yeah. I miss you. Thanks for understanding my situation" sabi ni Prince at binaba na ang cellphone.
*Ding Dong Ding Dong
"Ako na po Manang" sabi ko at dimiretso na sa may gate.
"Yes?" Magalang na sabi ni Prince.
"Where's Cess ?" Tanung ng nagdorbell
"Who are you?" Mariing sabi ni Prince sa lalaking kausap.
"Call Cess and say that im here. His boyfriend" mariing sabi ng lalaking kausap niya.
Tinignan muna ito ni Prince mula ulo hanggang paa. Waring sinusukat ang kaharap. "Why would I?" Nakakunot noong tanung ni Prince.
"Wait. Who are you ? And why are you here at Cess pad?" Nakataas na noong tanung ng lalaking kaharap.
Hindi namalayan ni Prince na nasa likod na niya si Manang.
"Manang. There you are" nakangiting sabi ng kausap ni Prince na pumasok na ng tuluyan at yumakap kay Manang.
"Jake, iho, ikaw pala yan. Kamusta ka na?" Nakangiting bati ni Manang.
"Eto gwapo parin. Si Cess nga po pala Manang?" Kangiting tanung ni Jake.
"May shoot sila ngayon. Halika pumasok ka muna at ng makapagmeryenda ka" aya ni Manang kay Jake.
Hindi parin maalis sa mukha ni Prince ang pagkairita. Naiirita siya sa lalaking kausap ngayon ni Manang.
"Hindi na po Manang. Pakisabi nalang po kay Cess na dumaan ako" sabi ni Jake at nagpaalam na.
Nilock ni Prince ang gate ng makaalis na ang lalaki lulan ng motorsiklo nito.
"Manang yun ba ang boyfriend ni Ate?" Tanung ni Prince ng makapasok na sila ng bahay.
Tumawa ang matanda ng marinig ang tanung ni Prince.
"Anu ? May boyfriend na si Cess Manang? Kelan pa ho?" Di makapaniwalang tanung ng Mama ni Cess.
"Iyon ba ang pakilala sayo ni Jake, Iho?" Bakas parin sa mukha ni Manang na pinipigilan ang tawa.
Tumango nalang ang binata bilang sagot.
"Hindi siya boyfriend ni Cess" sabi ni Manang ng matapos na ito sa kakatawa. Nawala na rin ang pagkabigla sa mukha ng Ina ni Cess.
"Pero bakit po niya sinabi na Boyfriend siya ni Ate?" Curious na tanung ni Prince.
"Malamang napagkamalan ka ni Jake na manliligaw ni Cess. Over peotective kasi iyong bata iyon kay Cess. Frat mate siya ni Cesa at sobrang close sila. Kung hindi mo kilala ang dalawang iyon aakalain mo talagang may relation pero wala talaga. Sabi nga si Cesa were friends. Nothing More" ginaya pa ni Manang ang facial expression ni Cess ng tanungin ni Manang ang bagay na iyon sa dalaga.

BINABASA MO ANG
What if
Ficción GeneralSabi nila nakatakda ang lahat. Na si God ang writer ng buhay natin. Edi si God ang may dahilan ng lahat? Si God ang may dahilan kung bakit wala akong magulang ? Ganun ba yun ? Dahil siya ang nagsusulat at tayo lang ang character sa nobela niya? Per...