"Iha, wala kang photoshoot ngayon hindi ba ? Bakit mukhang bihis na bihis ka san ka pupunta?" Sunod sunod na tanung ni Manang.
"Birthday po kasi ni Renze Manang at naka Oo na ako sa kanya. Kasama po ang buong barkada wag po kayong magalala sakin" nakangiting sabi ni Cess.
"Pero Anak, hindi ba nilalagnat ka lang kagabi. Baka mabinat ka niyan?" Pagaalalang sabi ni Manang.
"Hindi po iyan Manang, hindi naman po ako masyadong magpapakapagod. Magkukwentuhan lang po kami. Namimiss ko na rin po kasi sila. Please Manang payagan mo na ako?" Pagmamakaawa ni Cess na magkadikit pa ang dalawang palad."Anu pa nga ba ?" Sabi ni Manang at humalik na sa alaga.
"Thank you" sabi ni Cess at yumakap at humalik na sa yaya.
**
"Manang bakit niyo naman ho pinayagan e baka mabinat iyon?" Sermon ng Nanay niya sa Yaya niya."Pagnasabi na ni Cess hindi iyon papayag na hindi niya matupad iyon. Kesa tumakas pa siya sakin e di mas okay nang nagpaalam siya" sabi ni Manang na hindi nawawala ang tingin sa pinapanuod na pelikula.
Nag deep breath nalang ang Nanay ni Cess.
Maya maya may tumatawag sa Telephone. Si Prince ang nakasagot.
"Hello" si Prince.
(Si Manang Yolly andiyan po ba ?) Sabi ng nasa kabilang linya.Tinawag ni Prince si Manang para sabihing may tawag siya.
"Hello" si Manang
(Manang si Cess po nasa hospital nagcollaps po bigla e) sabi ng babae sa telephone. Hindi na natanung ni Manang kung sino iyon. Nagmadali nang umakyat sa taas si Manang upang magbihis ng makasalubong niya ang Mama ni Cess."O Manang bakit mukhang natataranta ka ? Anung nangyari?" Natataranta ring tanung ng Mama ni Cess.
"Si Cess kasi nasa hospital daw nag collaps e" sabi ni Manang.
"Sige sandali lang Manang, magbibihis lang ako at sasamahan kita" nagmadaling nagtungo na rin ang Nanay ni Cess sa kwarto uoang makapagbihis.
"Anung nanyari ?" Tanung ni Mamang Yolly ng makarating sila sa E.R.
"Hindi pa po namin alam e. Hindi pa po lumalabas ang doktor" si Alice.
"May sakit po ba si Cess?" Tanung ni Jazz.
"Hindi ko alam. Parang wala naman" sagot ni Manang Yolly.
"Sino po sila?" Tanung ni Matt sa kasama ni Manang Yolly.
"Si Carol ang Mama ni Cess at si Prince ang kapatid naman niya" pakilala ni Manang. "Sila naman ang mga kaibigan ni Cess nung highschool up to now" sabi pa ni Manang.
Maya maya ay lumabas na ang doktor.
"Sino po ang kamag anak ng pasyente?" Tanung nito.
"Ako ang Nanay" sabi ng Mama ni Cess.
"She's out of danger. Maybe after an hour shes awake" sabi ng doktor.
Nashock ang lahat.
"Po?" Si Renze.
"We have to have some test to identity what kind of sickness is she suffering, but right now the reason why she's collaps because of the stress" dagdag pa nito. "So Please dont stress to much the patience"
Pumunta na sila kay Cess na kasalukuyang natutulog parin.
"What happen?" Tanung ni Manang. "What is exactly happen?" Si Prince.
BINABASA MO ANG
What if
General FictionSabi nila nakatakda ang lahat. Na si God ang writer ng buhay natin. Edi si God ang may dahilan ng lahat? Si God ang may dahilan kung bakit wala akong magulang ? Ganun ba yun ? Dahil siya ang nagsusulat at tayo lang ang character sa nobela niya? Per...