"Sabi na nga ba dito ka pupunta?" Sabi ng pamilyar na boses sa likod ni Cess.
Kasalukuyang pinagmamasdan niya ang ganda ng metro manila. Nasa cloud 9 siya. Eto ang madalas niyang puntahan kapag ayaw na niya sa magulong manila.
Eto ang puntahan niya sa tuwing gusto niyang takasan ang mga problema niya.
Nilingon niya ang pinanggagalingan ng boses at tama nga siya ng hinala. "Anung ginagawa mo dito?" Mataray na tanung niya.
"Hinihintay ka" walang gatol na sabi ni Clark.
Hindi nalang pinansin ni Cess ang sinabi nito at ibinalik ang tingin sa mga malawak na metro. Kung titignan mo ito dito ang gandang pagmasdan. Yung mga kulay pulang ilaw ang ganda. Parang ang sarap magpunta dun pero kapag andun ka na. Dun mo masasabing ang panget nito. Hays. Buhay nga naman ng Pinoy.
"Hanggang kelan ka magtatago?" Sabi ni Clark na katabi na pala niya ngayon tinatanaw ang metro.
"Pwede ba wag mo kong pakielaman" inis na sabi ni Cess pero hindi parin inaalis ang tingin sa magandang tanawing nakikita niya.
"Kala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Kala mo ba ikaw lang ang nahihirapan?" Sabi ni Clark na nakatingin na kay Cess. Hindi si Cess lumilingon dahil ayaw niyang magtama ang mga mata nila.
"Cess, marami nang nadadamay. Tigilan mo na ito" sabi ni Clark.
Hindi na nakatiis si Cess at hinarap si Clark. "Ginusto nilang madamay kaya magdusa sila" inis na sabi ni Cess.
Kinuha ni Clark yung cellphone niya at may pinakinig kay Cess.
Ermats - Hambog Ng Sagpro
Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pagasa
Sating mundo may gagabay sayo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal
Aakay sayo
Aking inay ikaw ang
Nagbigay ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ka na
Ako ay anin na taon nung ako'y iniwanan mo
Kaya nung bata pa ako ikaw ay iniwasan ko
Kase ako'y may katanungan at ako'y nagtatampo
"Wala na nga akong ama iniwan pa ng nanay ko?"
Sa ekswela pag magulang pinapupunta nila
Ako'y walang kasama dahil ako'y walang ama't ina
Bakit po? Ba't iniwan nyo akong nagiisa?
Ba't ganon? Ba't sila? Andon ang ina nila?
Nung ikaw ay umalis bakit di mo ko dinala
Alam mo ang pangalan ko pero di mo kilala
Dahil ang aking paglaki hindi mo nasubaybayan
Iniwal mo akong anghel ngayon at may sungay na yan
Ilang kaarawan ko na ang nagdaan laging wala ka
Kung kaya't habang umeedad mas lalong lumala la
Pero wag magalala di masama aking loob
Baket? Ma pakinggan mo ang susunod
Iingatan ka
BINABASA MO ANG
What if
General FictionSabi nila nakatakda ang lahat. Na si God ang writer ng buhay natin. Edi si God ang may dahilan ng lahat? Si God ang may dahilan kung bakit wala akong magulang ? Ganun ba yun ? Dahil siya ang nagsusulat at tayo lang ang character sa nobela niya? Per...