Sorry kung hindi na ko naglalagay ng POINT OF VIEW. Naakatamad kasing ulitin yung mga sinasabi nila e. Kaya mas okay nang wala. Naintindihan naman yung story diba ??Just tell if naguguluhan. Fell free to ask me !!
~Enajerlovesyou
------------------------------------------------------
Gustuhin man ni Cess hindi siya makatulog. Lahat na ng paraang alam niya ginawa niya. Ngunit bigo siyang isantabi ang iniisip.
Hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni James kanina tungkol sa dati niyang kaibigan na uniwan siya at paulet ulet iyon nagpeplay sa isip niya.
"Mr. Clark Alfonso. The owner of the click media. Unfortunately hes having some important things to do. Thats why Im here"
"Mr. Clark Alfonso. The owner of the click media. Unfortunately hes having some important things to do. Thats why Im here"
"Mr. Clark Alfonso. The owner of the click media. Unfortunately hes having some important things to do. Thats why Im here"
Iba ibang emosyon ang naramdaman niya ng malaman niyang ito pala ang may ari ng studio. Natuwa siya at Nasaktan sa nalaman. Natuwa dahil kahit papanu naramdaman niyang hindi siya kinalimutan o nalimutan ng kaibigan niya dahil sa pagpapangalan sa studio nito which is the click media. Nasaktan, dahil may mas importante pa pala kesa sa kanya. Sabagay iniwan na nga siya nito ng hindi nagpapaalam anu pa bang iniispek niya. Na bumalik ito para sa kanya, para magpaliwanag ito na kung bakit siya umalis noon.
**FLASHBACK
"Anung gusto mo paglaki mo?" Tanung niya sa kaibigan.
"Ha ha. Mahalaga pa ba yun?" Balik na tanung sa kanya nito. Sa pahayag palang ng kaibigan niya nakaramdam agad siya na may dinadala itong problema.
"Oo naman" Inis na sabi niya. Tipikal lang naman ang tanung niya para sa kagaya nilang 8 years old.
"Hindi na naman kasi mahalaga yun. Sa mundong ginagalawan ko. Walang puwang para sa sarili kong kagustuhan." Malungkot na sabi ni Clark. Maraming gumugulo sa isip ni Cess ng sabihin iyon ni Clark. Pero mas pinili niyang manahimik nalang at makinig sa sasabihin ng kaibigan.
"Alam kong maraming naiingit sakin. Dahil anak mayaman ako. May butler. Malaki ang bahay na tinitirhan. Maraming kaibigang mayayaman din. Mamahaling damit at gamit. May magulang na mayaman. Pero sa totoo lang mas gusto ko pang maging katulad nalang nila." Sabay turo nito sa isang pamilya na sabay sabay kumain sa gilid ng kalsada.
"Maswerte ka nga. Kasi may pamilya kang matatawag. Hindi ka ba masaya na buo ang pamilya mo hindi tulad ko?" Inis na sabi ko sakanya.
"Masaya bang matatawag na ang trato sayo ng magulang mo ROBOT. Robot lang ako sa paningin ng magulang ko. Robot na pag hindi nila kailangan iiwan lang nila sa isang tabi at babalikan nalanv ulet nila pagkailangan na nila. Naiingit nga ako sayo kasi tahimik kang nakakapagpahinga sa tinatawag mong bahay. Pero ako hindi." Dahil ayaw ni Cess sa drama at naguguilty siya niyaya niya nalang ang kaibigan sa paborito niyang ICE CREAM parlor.Pagpasok na pagpasok niya nakita niya agad si Ashley. Ang may ari. Ng scoopers.
"Kelan ka pa sinipag?" Nakangiting sabi sa kanya ni Ash.
Inirapan nalang niya ang lalaki at naglakad na papunta sa table.
"Mukhang lagi ka dito." Nakangiting saad ni Clark.
Nginitian nalang niya ito. At dumating na rina ng inorder nila na si Ash mismo ang naghatid.
"Enjoy your eating" nakangiting sabi ni Ash at umalis na."Anu yan bagoong?" Hindi makapaniwalang tanung ni Clark.
Tumango nalang ito bilang sagot at ipinaglatuloy ang pagkain. Mango with bagoong kasi ang flavor ng inorder ni Cess na Ice cream at Black Forest naman para kay Clark.
"Ikaw anung gusto mo paglaki mo?" Tanung ni Clark kay Cess.
Nagisip saglit ito at tumingin sa kausap. "Gusto kong maging photographer, para pwede kong mabalikan lahat ng masasayang memories sa buhay ko." Nakangiting sabi ni Cess sabay kain ng ice cream niya.
"Kung babalik ba ang mga magulang mo tatanggapin mo ba?" Tanung ulet nito.Napatigil sandali si Cess sa pagkain at lumingon sa kausap na mababakas sa mukha na seryoso siya at gusto niyang malaman ang sagot.
"Sige wag mo nalang pansini yung sinabi mo." Sabi nito at sinimulan nang kainin ang ice cream niya.
"Kung gusto mo pang malaman ang sagot ko sa tanung mo kanina. Photographer din at gusto kong magtayo ng sariling studio" sabi nito na halatang tinatanggal ang awkwardness na dumating.
"Talaga ? dahil bestfriend kita at partner tayo sa lahat. Ikaw narin ang partner ko sa bussiness na itatayo ko at papangalanan natin itong the click media" masayang sabi ni Cess. Nawala ang pagkainis niya nung malaman niyang parehas pala sila ng gusto ni Clark. Partners talaga sila.**back to reality
Bakit pa ba siya bumalik? At bakit niya pinangalanan ng the click media ang studio niya?
**
Flight na niya pabalik ng Manila. Tapos na ang 1 week pictorial niya para sa isang sikat na clothing line na ilalaunch sa bansa this year.
"Are you okay?" Tanung sa kanya ng ni Cei.
Tango nalang ang naging sagot nito at patuloy na lumakad sa starex na maghahatid sa kanila sa Manila.
"May problema ba?" Alalang tanung ni Cei. "Mula ng magsimula ang pictorial mo parang may mali" sabi ng Manager niya.
Hindi nalang siya umimik. Hindi naman kasi kasalanan ng Manager niya kung bakit siya naiinis e. Hindi naman kasalanan nito na the click media pala ang maghahandle nh pictorial niya. Hindi naman niya kasi ugaling tanungin kung anung studio ang maghahadle ng mga project niya.
Natulog nalang siya sa byahe para makaiwas narin sa tanung ng Manager niya.
"Cess wake up" gising sa kanya ng Manager niya.
Imunulat niya ang mata niya at tumambad sa mata niya ang Carlos Pizza. Ang paborito niyang Pizza dito sa Tagaytay.
"Wag kang tumingin lang dyan baka magbago pa ang isip ko" nakangiting sabi ni Cei. Kaya imbis na magtanung pa siya inayos niya nalang yung sarili niya at bumaba na siya ng sasakyan.
"Can I take your order Mam?" Nakangiting tanung nung waiter sa kanila.
"Hmp.. chicken wings and spagetti for me" sabi ni Cess.
"Wait a second Mam" sabi ng crew at umalis na.------------------------------------------------------
enajerlovesyou : lame !! Pasensiya !! Daming kong iniisip right now ..Paki intindi nalang po ..
Dont forget to leave some MESSAGE ^__^

BINABASA MO ANG
What if
Ficción GeneralSabi nila nakatakda ang lahat. Na si God ang writer ng buhay natin. Edi si God ang may dahilan ng lahat? Si God ang may dahilan kung bakit wala akong magulang ? Ganun ba yun ? Dahil siya ang nagsusulat at tayo lang ang character sa nobela niya? Per...