YNNA POV
"Cess Toms World tayo after class" si Alice.
"Di ako pwede may pupuntahan kasi ako after class e. Pasensiya guys. Bawi ako next time" nakangiting sabi ni Cess.
Wala namang nagawa si Alice kundi ang omokay nalang. Wala naman siyang palag kay Cess.
Ang weird ni Cess this past few weeks. Nagstart to simula nung may tumawag sa kanya sa phone. Nung hiniram niya yung Motorbike ni Vince. Nakakapagduda lang.
"Wag mo nang isipin yun di ka iniisip nun?" Biro sa kanya ni Matt.
"Wala e. Dakilang torpe kasi tayo" sabi ko. Lychee ka. Trip mo pa ko. Ayun umalis na siya sakin at bumalik na sa upuan niya.
Oo nga pala andito kami sa classroom wala pa ata si Sir. Isang himala.
Time check. Its already 6:30 and im hoping that Sir Dominguez is not around. Haha!! Sama ko ba? Minsan lang naman to e. Pagbigyan na. XD
Pagwala si Sir Domz ngeun e wala rin ang aming next teacher si Mam Mendrez. Wow !! Ambait ni PapaLord. Ayaw niya kaming nahihirapan. Tas sa English namin gagawa lang kami ng research kaya nasa library lang kami. Naks. Hayahay.
"Wag mo nga akong pagpantasyahan dyan" nakangiting sabi ni Raymond.
"Taas mangarap" sabi ko sabay irap.
Wala lang. Okay na e. Masaya na ko. Sisingit pa.
"Okay class may i have your attention" tinginan sa harap. Si Ms. President pala yung nagsasalita. Batid kong may maganda siyang balita. Lapad ng ngiti e.
"Mr. Dominguez is having a faculty meeting right now. So meaning walang class. (Wooohhh !! Hiyawan. Walang klase) No classes this morning but according to Mrs. Gusi we need to go to library to finish our research. Chapter 1 will be pass until 1pm at the faculty room.Understand. Questions guys?" Okay na e. Happy na e. Wala nang klase.
"So pwede na us mag Toms World this morning" masayang sabi ni Alice samin.
"But its already 6:45 am. So meaning wala pang bukas na Mall ng ganito kaaga" panghihinayang ni Jazz."Wait. Para san pang naging sila Vince ang may ari ng Mall" umandar na naman pagka rule breaker ko.
RAYMOND POV
Grabe talaga tong babaeng to. Pasahan kaya ng Chapter 1 ng research tapos ang nasa isip puro gala. Minsan nakakapagtaka talaga kung bakit to pumapasa.
"Pero kailangan nating gawin ang research. Si Mam Gusi pa naman yun" sabi ko. Iisipin na naman nilang KJ ako. Pero ayoko lang gahulin kami sa oras. Wala pa ngang title e. Individual pa naman yun.
"Kj as ever" si Ynna.
"Pero guys my point naman talaga si Ray, biruin niyo wala pa tayong title and to think na individual yun" si Matt
"Nerdy sucks" Alice.
"Andyan si Cess kayang kaya niyang sabihin kay Mam na next week na tayo magpasa yung buo na. Cess can do it. Right Cess?" Si Jazz sabay tingin kay Cess.
Cess wag kang pumayag plss..
"Guys this is our last year, gusto niyo bang magextend ng another year?" Si Vince.
"Pati ikaw? Boys sucks" si Alice.
Magbestfriend yan. Oo magbebestfriends kami pero sila talaga ang close. Sanggang dikit.
"Alice unahin muna natin yung research then after that pwede na tayong mag Mall" si Vince.
"Blah blah blah" si Alice with matching gesture pa yan. Adik talaga to.

BINABASA MO ANG
What if
General FictionSabi nila nakatakda ang lahat. Na si God ang writer ng buhay natin. Edi si God ang may dahilan ng lahat? Si God ang may dahilan kung bakit wala akong magulang ? Ganun ba yun ? Dahil siya ang nagsusulat at tayo lang ang character sa nobela niya? Per...