#savior

40 6 0
                                    

CESS POV

Ayoko mang pumasok pero hindi pwede kasi pasahan ngayon ng Research namin. Hindi na nga ako nagpasa ng by chapter e. Kaya kailangan ko pang dumaan comp shop para ipa book binned to. Yun kasi ang sabi ni Mam Gusi. Consequence daw namim yun kasi hindi kami nagpasa ng by chapter. Pero okay na rin to hindi lang naman ako e. Buong barkada.

First subj. MATH done

Second subj. FILIPINO done

Third subj. ENGLISH done

Pero syempre mamayang 5 pa namin ipapasa yung Research.

Yehey !! Its Lunch Break.

"Cess hindi kami makakasama ni Matt kasi magpapa book binned kami" si Jazz.

"Okay" si Alice nalang.

"Cess hindi kami maglulunch kasi tatapusin namin yung research namin ngayon" si Alice

"Okay" may isa pa kong chance si Ynna.

"Cess hindi muna kami makakasabay maglunch di pa kasi si Ynna nakakapagpaprint kaya magpapaprint muna kami diretso ng pabook binned. Sensiya Cess" si Raymond.

Yung totoo. May kaibigan pa ba ako? Yan hirap pag tamad e. Hindi kasi tinapos. Sana pala hindi ko nalang din tinapos yung akin para kahit isa man lang sa kanila may kasama ako.

"Cess tara" si Rence. Haha !! Oo nga pala andito pa pala si Rence at Jayson.

"Tara" nakangiting sabi ko.

"Ay guys hindi ako makakasama. Magsskype kasi kami ng mahal ko" sabi ni Jayson sabay wink.

SA CAFETERIA

Ayun pagdating namin naghanap agad kami ng pwesto at nakahanap naman kami kaagad. Walang masyadong tao sa cafe. Malamang yung mga research yung pinagkakabusihan ng lahat. Mga tamad kasing magaaral. Haha !! Sipag ko kasi kaya tapos ko na agad.

Umorder na si Rence ng pagkain namin.

Maya maya dumating na siya hawak ang tray. As usual Lasagna at Pizza ang inorder ni Rence para sakin. Alam na alam niya talaga yung gusto ko. At siya burger at fries lang. Anu yun diet.

"Bakit yan lang inorder mo? Dont tell me wala ka nang pera kasi nilibre mo ko." Tanung ko. Dapat kasi hindi ka na nagpalibre Cess e. Pero diba siya ang naginsist.

"Hindi a. Actually busog pa kasi ako. Ang dami ko kasing nakain kaninanf Breakfast. Wala ka lang kasamang maglunch kaya sinamahan kita" naks. Sweet talaga nitong si Rence. Nagsmile nalang ako at kumain na. Syempre gutom ako. Haha ! Kelan ba ko hindi nagutom XD.

SA ROOM

Nakakainis talaga tong science. Kailangan pang sukatin kung ilang voltage at kung ilang current ang nakukuha sa isang appliances. Susukatin pa kasi. Wala namang mangyayari. Pag nalaman mo ba na mataas yun sa kuryente hindi mo na ba gagamitin. Syempre hindi naman. Dagdag lang to sa problema ko e.

Nagpaalam akong lumabas. Kasi hindi ko na talaga kauang bigilin yung ihe ko.

SA CR.

Socks. Bakit ko nakalimutan. Kaya pala masakit yung tyan ko kanina. Akala ko gutom lang ako. May extra undies ako sa locker pero wala akong napkin.

Kinuha ko yung phone ko para tawagin si Ynna. Ipapakuha ko nalang sa kanya yung undies ko sa locker at papabili na rin ako ng Napkin.

Calling Ynna....

"The subscriber cannot be reach please try your call later"

Socks bakit ngayon pa. Si Alice.

Calling Alice ...

"The subscriber cannot be reach please try your call later"

Socks. Anu bang meron?? Bakit ganyan sila. Si Jazz nagpapatay ng phone yun during class discussion e.

Nakakainis naman. Paano ako lalabas nito. Hindi pwedeng isuot ko ito uli para bumili. For sure magkakatagos na yung palda ko. Waaaa ang sakit na talaga ng puson ko. Naiiyak na ko ng biglang tumunog yung cellphone ko.

¿¿ spongebob ringtone ¿¿

Rence Calling ...

"Nasan ka ba? Anung nangyari sayo bakit ang tagal mo naman ata?' Pag karinig ko ng boses niya napaiyak na nalang ako.

"Cess anung nangyari sayo? Magsalita ka?' Matuloy parin yung pagiyak ko. Bukod sa sobrang sakit na ng puson ko nahihihiya akong sabihin sa kanya yun. Syempre baka hindi niya naman gawin kasi syempre lalaki siya. Kung ako ngang babae nahihiyang bumili ng napkin sa tindahan siya pa kayang lalaki.

"Cess magsalita ka. Para alam ko kung nasan ka?"
"Sa CR" yun nalang yung nasabi ko at binaba na niya yung cellphone.

Maya maya narinig ko na naman yung boses ni Rence na tinatawag yung pangalan ko.

"Cess. Andito ka ba?" Sabi niya.
"Cess may ibang tao ba dyan? Papasok ako okay lang ba?" Pagpapatuloy niya.
"Wala. Dito ako sa gitna"
"Anu bang problema Cess bakit ka umiiyak?"

"Rence favor naman oh!"
"Anu yun?"
"Pwede mo bang kunin yung undies ko sa locker at ibili ako ng napkin. Eto yung susi. Please..." hindi ko iniispek na susundin niya ko. Pero pag abot ko ng susi ko umalis na siya. Wala akong reklamong narinig mula sa kanya. Hays !! Thanks Rence

RENCE POV

So ginawa ko yung sinabi niya. Pumunta ako sa locker niya at kinuha yung undies niya. Syempre nakalagay naman yun sa isang pounch kaya hindi nakakahiyang dalhin. Ayokong bumili sa stationary ng school. Ayoko lang ng issue. Pumunta ako sa parking lot para kunin yung auto ko at pumunta sa malapit na convenient store. Kumuha ako ng isa isang brand ng napkin. Hindi ko kasi alam kung anung brand niya. Kaya para sure kumuha nalang ako ng lahat ng brand.

Pinagtitinginan na ko ng mga tao pero wala akong pake sa kanila. Pagkatapos kong bayaran bumalik na ko ulet kay Cess.

Knock ! Knock !

"Thank you" yan yung sinabi ni Cess pagkatapos kong ibigay sa kanya yung Paper bag na may lamang napkins.

Syempre lumabas na ko kung may makakita pa samin at kung anung isipin mahirap na.

"Thank you talaga" sabi ni Cess paglabas niya sabay yakap sakin.

Niyakap ko nalang siya pabalik.

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon