Lesson 5: Letter

1.3K 29 3
                                        

Author's Note:

Readers, sooooooorry po sa sobrang tagal na update. Sobrang busy ko po talaga ngayon. Lalo na po next week and the week after next week. Midterms ko na po yun kaya di pa rin po ako makakapag-update. Pero wag kayong mag-alala dahil after ng midterms, I'll be back on updating again. Pero sa ngayon, isang update lang ang maibigay ko sa inyo. Pasensya na po, konting time lang ang kaya kong ibigay sa pagsusulat sa ngayon.

Yun lang po. Salamat po sa mga nakaunawa at uunawa ^______^

-k26

_______________________________________________

Lesson 5: Letter

Lance's POV

to: Lance

Naexperience mo na bang mainlove sa isang babae? Let me guess your answer... it's a 'NO', tama ba ako? Well, I'm willing to teach you...

from: Love tutor

Ito ang saktong mga salita na nakasulat sa papel na hawak ko ngayon. Napataas ako ng isang kilay dahil sa nilalaman ng sulat. Seriously? Love tutor? Ano ito, lokohan??

Minsan lang ako makatanggap ng sulat pero hindi ko expected na ganito ang laman.

"Kuya Lance, ano yan?" bigla kong narinig si JP na nagsalita. Agad ko ring napansin na pilit niyang sinisilip ang papel na hawak ko. Mabuti na lang at mabilis akong naging alerto at nailayo ko agad iyon sa kanya. Tiniklop ko iyon at mabilis na isinilid sa bulsa ko.

I shrugged, "Di naman importante." casual na sagot ko sa kanya.

"Sigurado ka?" tanong niya pa.

Tumango ako, "Tara na, kumain na lang tayo." at nauna na kong maglakad sa kanila.

Sumunod na rin naman sila saken na siya namang ikinaluwag ng dibdib ko. Mabuti na lang at di ako kinulit ni JP...

Kaya lang habang naglalakad ako papunta sa direksyon ng canteen, naalala ko ulit ang laman ng sulat. Bigla akong napaisip kung saan galing iyon. Sino naman kayang tao ang naglakas loob na padalhan ako ng ganitong sulat?

I have no idea kung sino siya? Bakit parang gusto ko siyang makilala?

Urgg! bakit ko ba iniisip iyon? Sasakit lang ang ulo ko sa kaiisip sa taong di ko pa kilala. Aish!

"Ayos ka lang?" may narinig akong nagsalita. Paglingon ko, si Skyler lang pala.

I just answered him a shrug at nilagpasan siya sa paglalakad. Magulo ang isip ko ngayon at ayoko munang sagutin ang kahit na anong tanong... sa ngayon.

Inilabas ko ulit ang sulat at tahimik na tinitigan ito habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad.

Jill's POV

Oras na para sa lunch. Saktong pagkalabas ko ng classroom, nadatnan ko agad ang 3 bestfriends ko na naghihintay saken. Napangiti naman daw ako dun.

"Jill!" masiglang sambit ni LA sa pangalan ko. Nginitian ko lang siya.

"Bakit ang tagal mo?" medyo nakakunot-noo na tanong ni Ann saken.

"Oh.. ano kasi.. ang tagal magpalabas ng teacher namin kaya ayun.." tugon ko.

Tumango-tango naman sila. Buti at naintindihan nila.

"Tara, kain na tayo. Gutom na koooo~" pagyayaya ni Ivy.

Sumang-ayon naman kami sa kanya dahil aaminin ko, kahit ako gutom na ngayon. Kasi naman yung teacher namin ang tagal magpalabas. Asar lang!

Sabay-sabay kaming naglakad papuntang canteen at agad ding naupo nang marating namin ito. Sakto namang pagkarating namin dun, siya namang dating ng ExO members. At as usual, itong mga gaga kong kaibigan kung makatili.. hay naku! makipagsabayan daw ba sa mga girl students na nandito sa canteen. Pero except kay Ann, di naman siya fan ng mga yan eh. Parang wala nga lang sa kanya ee. Tingnan mo naman, nagsisimula ng kumain. Akala mo, walang dumating ee.

Nang mapatingin naman ako sa direksyon nila Ivy at LA, hay naku lang! Ang mga mata, nagniningning. Grabe talaga kiligin itong dalawang ito.

I rolled my eyes dahil sa mga reaction ng dalawa kong kaibigan. Balak ko na sanang saluhan sa pagkain si Ann nang biglang mahagip ng mga mata ko ang isang papel na hawak ni Lance. Iyon yung letter na iniwan ko sa locker niya!

Nakuha na niya? Buti at di niya tinapon o kung ano..

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa nalaman kong hindi niya iyon tinapon. Feeling ko magtatagumpay ako sa dare na naka-assign saken. Alam kong nag-uumpisa pa lang ako but I can feel na matatapos ang semester na ito na ibang Lance na ang makikilala ng lahat. Isang Lance Roscoe Choi na malambot ang puso.

"Hoy, babae! Wala ka bang balak kumain?" natauhan ako bigla ng marinig kong magsalita si Ivy. Napansin ko rin na nasimulan na nila ang pagkain nila, silang dalawa ni LA.

"Eh? O-oo! eto na nga oh.." at nagsimula na rin akong kumain. Pero after kung makasubo ng isa, I glanced at Lance's direction once again. Nakatongin pa rin siya sa papel na galing saken at para bang sinusuri ito.

"Wag mong titigan, baka matunaw yan."

Muli namang nakuha ni Ivy ang atensyon ko nang marinig kong nagsalita siya. "Ha?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Pa-ha-ha ka pa dyan! Teka nga, nasimulan mo na ba ang dare mo?" tanong ni Ivy.

"Oo." matipid kong sagot habang nakangiti sa kanya.

Nakita ko kung paano nagsilakihan ang mga mata ng mga gaga kong kaibigan. Gusto kong matawa sa mga reaction nila pero nanatili akong nakangiti lang sa kanila.

"Naumpisahan mo na? Kailan at paano?" mabilis na tanong ni LA.

Tumango-tango lang ako.

"So, you mean.. nakipag-usap ka na sa kanya?" tanong pa ni Ann habang titig na titig saken sina Ivy at LA, mga naghihintay rin sa isasagot ko.

Sumubo pa akong muli ng pagkain ko before I finally answered them. "Sino bang nagsabing kailangan ko siyang kausapin para simulan ang dare ko?" and then I took another bite on my food.

"Ano? Hindi mo ba siya nakakausap pero naumpisahan mo na ang dare mo? Teka nga, nakainom ka ba? Ginuggulo mo kami eh." reklamo ni Ivy.

"Sabihin na lang natin na ako lang ang nakakaalam at pwedeng makaalam ng plano ko. And I'm proud to say that my plan is perfect!"

"Kung ano man yang plano mo, sana lang hindi ka mahuli dyan." -Ivy

Saglit akong napahinto pero sinagot ko rin naman siya agad. "Kilala mo ko, Ivy. I can handle whatever it is."

"Okay.. sabi mo eh."

Lance's POV

Nanatili lang ang mga mata ko sa pagtitig sa papel na hawak ko kanina pa. Muli ko itong binasa at di ko mapigilang mapakunot-noo.

Hanggang ngayon, naglalaro pa rin sa isip ko kung sinoa ng taong nag-iwan nito sa locker ko. Bakit alam niyang di pa rin ako naiinlove? hindi nga ba...

Sino ka bang talaga? sino ka ba para guluhin ang isip ko ng ganito?

Ang daming sari-saring bagay na pumapasok sa isip ko dahil lang sa isang piraso na papel na ito. Bakit ba kasi hindi ka na lang nagpakilala saken?

"Hoy, Lance! Wala ka bang balak kumain? Kanina ka pa nakatitig dyan sa papel na yan simula pa ng makarating tayo dito ah." narinig ko na lang na nagsalita si Skyler.

"Kung ayaw mong kumain, pwede mo namang ibigay na lang yan saken." biglang singit ni Male kaya naman nakatikim siya ng batok kay Skyler.

"Ouch!" reaklamo niya sabay pout.

Skyler rolled his eyes on Male bago niya muling itinuon ang atensyon niya saken. "Ano ba kasi yang papel na hawak mo?" tanong niya.

Mabilis ko namang tiniklop ang papel at pinasok sa bulsa ko. "Wala." matipid kong sagot.

Alam kong napatingin saken si JP na nagtanong din tungkol dun sa papel kanina. Alam kong nagtataka siya sa kinikilos ko pero kahit ako naman, nagtataka sa papel na iyon. Di ko lam kung paano ko sasagutin ang mga tanong nila at mas mabuti siguro kung di ko muna sila sagutin.

Umiling lang ako kay JP at ngumiti ng bahagya para naman mabawasan ang pagtataka niya. Tumango naman siya bilang tugon saken at saka ipinagpatuloy ang pagkain niya.

I took one last glance on my pocket kung saan nakalagay ang papel bago ko tuluyang simulan ang pagkain ko.

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon