Lesson 12: Threat
Lance's POVIniwan ko na siya sa lugar kung saan kami kumain. Ang kulit kasi ng babaeng iyon. Ayaw magpaawat. Kung sa bagay, masarap naman yung kinain namin. pero kahit na. Paano na lang kung mahuli kami ng mga guard kapag na-late kami? Pasaway.
Narating ko agad ang school gate. Pero parang may sariling isip ang katawan ko dahil ayaw nitong sundin ang gusto kong gawin. Gusto ko ng pumasok sa loob ng school pero heto ako ngayon, nasa labas pa rin at nagtatago sa may gilid. Ano bang nangyayari sa akin?
I checked my wrist watch. Saktong 9:00pm na. Nilingon ko ang gate, nagsasara na ang school gate. Automatic naman nagsasara at nagbubukas iyon kaya hindi na kailangan ng guard para isara iyon. Nag-iikot lang mga guard sa loob para siguraduhin kung lahat ng estudyante ay nasa loob na ng dorm.
Naku naman! Nasarahan pa tuloy ako. Bakit ba kasi ang tagal bumalik ng babaeng iyon? Asar.
Hindi pa rin ako umalis sa pwesto ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko siya muling makita, that girl. Pinanood ko lang siya mula sa kinaroroonan ko. Wala akong makitang bagas ng pag-aalala o pagkataranta sa mukha niya. Bakit siya ganon? Parang wala lang sa kanya kung magsara man ang gate.
But the next thing she did, surprised me. Hinagis niya ang bag niya para mapunta sa loob. Pagkatapos ay sinimulan niyang akyatin ang gate at sobrang bilis niyang nakapasok sa loob. Natulala ako sa mga nakita ko. Ni hindi ko lang man naisip na magagawa niya iyon. Wala kasi sa itsura niya.
Nang makisiguro na akong wala na siya, atsaka lang ako lumabas sa pinagtataguan ako. Bakit nga ba kasi ako nagtago? At dapat kasi hindi ko na hinintay iyong babaeng iyon. Bakit ba kasi sumama pa kong kumain sa kanya kanina?
Napailing na lang ako sa mga nagawa ko. I'm so stupid. Itinigil ko na lang ang pag-iisip ng kung anu-ano at nagsimula nang sampahin ang gate para makarating sa loob. Sabay diretso na rin sa dorm.
Naiinis akong pumasok sa loob ng dorm dahil sa hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Ang tanga ko lang. Hindi ko akalaing hinintay ko siya kanina para lang sa wala. Tch.
Nasuklay ko ang buhok ko because of frustration habang papasok ako ng kwarto. Malakas kong sinara ang pinto matapos akong makapasok ng tuluyan sa loob.
"Ano baaaaaa!!" Napalingon ako bigla sa sumigaw. Nakita kong nakaupo na sa kama niya si Skyler. Nakalimutan kong may kasama nga pala ako sa kwarto na ito.
Pero hindi ko na lang siya pinansin. Dumeretso lang ako sa kama ko at mabilis na humiga dito. I could sense Skyler's eyes followed my direction. "Anong nangyari sa'yo? Late na ah. Saan ka ba nanggaling?" Narinig ko pang tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Wala. Matulog ka na lang diyan." Sagot ko bago ko isara ang mga mata ko.
Hindi ko na siya narinig na nagsalita. Mabuti naman at hindi niya ako kinulit. Maya-maya lang, nakaramdam na rin ako ng antok...
Jill's POVMabilis kong narating ang dorm namin. Dahan-dahan pa ang pagbukas ko sa pinto pati na rin ang unti-unti kong paglakad papasok sa loob. Madilim na sa loob nang makapasok ako. halos wala na nga akong maaninag sa dilim nito. Maingat ang bawat hakbang ko patungo sa kwarto namin ni LA.
Nahawakan ko na ang doorknob at akmang bubuksan ito nang bigla namang bumukas ang ilaw. Halos mapatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko. And then I realized that I'm not alone here. Nakita kong nakatingin sa akin ang tatlo kong kaibigan na para bang inuusisa ako.
"Ano ba naman kayo! Muntik na akong atakihin sa puso. Alam niyo ba iyon?" Nasabi ko sa kanila.
"Hindi mo ba alam na nag-aalala kami sa'yo? Saan ka ba kasi nanggaling?" Tanong ni Ivy habang papalapit sa direksyon ko.
BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Teen Fiction“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”