Lesson 17: Hypersensitivity

997 20 7
                                    

Lesson 17: Hypersensitivity

Lance's POV

It was almost midnight. But I'm still awake. Nakaupo ako sa kama ko habang nakasandal ang likod sa may head board. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang iniwang 'assignment' kuno ng babaeng iyon.

"Ahh!! Sumasakit na ang ulo ko!!" Napasabunot pa ako sa buhok ko sa kakaisip don.

"Shut up, Lance! Natutulong ako dito. Ang ingay mo masyado." Napunta ang atensyon ko kay Skyler. Nakahiga siya sa kama niya habang nakaharap ang likod sa akin.

I ignored him and rolled my eyes. Bumalik sa isip ko ang pinag-usapan namin ng babaeng iyon.

>> FLASHBACK <<

"May naisip ako!" Nagliwanag ang mukha niya. I raised an eyebrow.

"Bibigyan kita ng assignment." Dagdag pa niya. "Assignment?" Takang tanong ko naman sa kanya.

Tumango siya. "Ang una mong assignment is, you need to show me what you have learned from our first session. Halimbawa, open up a topic. O kaya naman gawin mo ang mga karaniwang ginagawa ng mga lalaki sa babae. Be a gentleman."

>> END OF FLASHBACK <<

I'll open up to her and be a gentleman? Is he serious? Gusto niya ba akong maging mabait kahit isang araw?

Napahinto ako saglit sa pag-iisip. Napangisi na lang ako sa biglang pumasok na ideya sa utak ko. "Mukhang alam ko na ang dapat kong gawin. Siguradong magugulat siya bukas." I grinned.

"Shhh!" Nilingon ko ulit si Skyler. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Humiga na lang rin ako sa kama ko dahil mukhang makakatulog na ako sa wakas. Soon enough, I did sleep.

Jill's POV

Hindi matigil ang pag-iyak ko. Gabing-gabi na pero heto ako, gising na gising pa. Tulong na rin ang kasama ko sa kwartong si LA samantalang ako hindi matulog-tulog.

Bakit ba kasi iniiyakan ko pa rin siya? Bakit hanggang ngayon ang hirap pa rin niyang kalimutan? Parang kulang kapag wala siya. Ngayon ko lang na-realize na hindi pa pala ako nakaka-move on sa kanya. Everytime I think about him, I felt pain inside my chest. It hurts me so much.

I sobbed silently.

Babalik pa kaya siya? Babalikan niya pa kaya ako? Gusto kong marinig ang paliwanag niya kung bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Alam kong may dahilan siya... Umaasa pa rin ako.

Umiyak pa ako ng umiyak hanggang sa hindi ko namamalayang nakatulog na ako.

***

I woke up a little early than usual. Mabilis akong bumangon sa kama ko, naligo at inayos ang sarili ko. Naka-uniform na rin ako nang lumabas ako ng kwarto. Kung maaga man ang gising ko, mas maaga pa rin ang mga kaibigan ko. Tila hindi naman ata sila natutulog eh.

Naabutan kong kumakain na sila pagkalabas ko ng kwarto. I walked towards them to join.

Matama nila akong tiningnan nang makaupo na ako. Napatingin lang ako sa kanilang may pagtataka sa mukha.

"Dapat mo ng tigilan ang pag-iisip sa lalaking iyon. Habang buhay na mamumula yang mata mo kung ipagpapatuloy mo pa ang pag-iisip sa kanya. Mukha ka tuloy adik." Pagbara ni Ivy sa akin. Wala lang man good morning? Haist.

Nakita ko namang siniko siya ni Ann. "What? Nagsasabi lang namana ko ng totoo ah. Anong klaseng boyfriend ba ang iiwan ang girlfriend niya para lang mag-aral abroad?"

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko after kong marinig ang sinabi ni Ivy. May point siya. Siguro dahil tama lahat ng iyon.

"Ano ka ba, Ivy. Sinunod niya lang ang gusto ng mga magulang niya." Nagsalita na rin si LA.

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon