Lesson 18: Worried
Jill's POV
Kinabukasan. Balik sa dati. Parang wala lang nangyari. Kapag tina-try nilang open ang topic na yun, umiiwas ako. Ayoko na lang ulit pag-usapan ang nangyari kahapon. Naaalala ko lang ang ex ko. Every time na may nangyayari sa akin nang dahil sa kahit anong amoy ng pabango, siya lang ang naiisip ko. Lagi kasi siyang nasa tabi ko kapag nangyayari sa akin iyon. Now that he's gone, nakakapanibago, nakakalungkot.
Umayos ka nga Yanira Jill Mendoza! Hindi mo na dapat siya iniisip. Erase erase erase! Mali ang isipin ko pa siya. For sure, nakalimutan na ako non. I sighed.
Nag-apologize na rin si Ivy dahil sa ginawa niya kahapon. Na-carried away na naman kasi siya. Ang sabi ko naman sa kanya, okay lang. Sanay na naman ako sa kanya eh.
Pagkatapos namin mag-usap ni Ivy, nagsabay na kaming pumasok. Ganon din sila Ann at LA.
Lance's POV
Inaayos ko na ang uniform ko nang biglang sumulpot sa gilid ko si Skyler. "Hindi ka magpapabango ngayon?" Parang gulat pa niyang tanong sa akin.
Umiling lang ako at matipid siyang sinagot. "Hindi."
Tumaas ang isang kilay niya. "Bago yun ah."
Tiningnan ko lang siya saglit bago inikutan ng mata. Nagkibit-balikat ako. "Magsisimula na ang klase. Tara na." Nauna na kong lumabas sa kanya. Baka kung ano pang mga itanong niya.
Nakasabay ko rin si Skyler sa paglalakad dahil hinihintay pala kami ng iba. So no choice, I need to walk to class with them. Baka magtaka pa sila kapag humindi ako. Mahirap na.
"OMG! Magkakasabay silang lahat pumasok. Ang gwapo talaga lahat ng members ng ExO!!"
"I know right?! Pero teka, narinig niyo ba yung kumakalat na rumor ngayon tungkol kay Lance?"
"Hindi pero nakita mismo ngmga mata ko ang nangyari."
"Talaga?"
"Oo. Nakita ko siyang may buhat na girl kahapon. Ang kaso, hindi ko nakita yung mukha ng girl."
"Wow! First time in history yon ah. Ngayon lang nakitang may kasama na babae si Lance. Ang swerte naman nung girl!"
Tsk! Ang iingay ng mga babaeng ito. Pagkukwentuhan na nga lang ako, sa harap ko pa. Sakit sa ulo!
"May kasama kang babae kahapon, kuya?" Ayan, nagtanong na tuloy si JP. Yung iba, nakatingin rin sa akin. Naghihintay din ng sagot itong mga ito.
Nagkibit-balikat ako. "Rumor is always be a rumor. Don't believe them." Iniwan ko na sila at nauna nang maglakad.
"Kung sa bagay, imposible naman ata na mangyari yong rumor na iyon." Narinig ko pang sinabi ni Kent. Oo, tama yan. Wag kayong maniwala sa mga sinasabi ng madadaldal na babae na ito.
Jill's POV
Maaga akong nakarating sa classroom. Hindi ko kasabay si Ann dahil nag-cr pa siya. Habang hinihintay ko ang bell, bigla nang dumating si Ann. Sinulyapan ko ang orasan ko. May ten minutes pa bago ang start ng class.
Saktong pag-upo ni Ann sa tabi ko nang may marinig kaming nagsalita sa likod. "May chismis ako! Well, narinig ko lang naman. May nakakita daw kay Lance na may kasamang babae. Totoo kaya yon?"
Bigla akong natigilan sa sinabi ng classmate kong nakaupo lang sa di kalayuan sa amin.
"Feeling ko hindi yan totoo. Imposible naman ata yon. Ni wala ngang kinakausap na babae si Lance eh."

BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Teen Fiction“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”