Lesson 16: Him
Lance's POV
Sobra akong nagulat sa biglaang pagsulpot ng kaibigan ni Jill. Pero mas lalo kong ikinagulat ang mga sinabi niya. Pinaiyak ko daw ang kaibigan niyang si Jill? I have no idea what she's talking about, really.
"Itigil mo yan, Ivy!" Napalingon ako sa pinto. There she is, Jill. Halata ko ang paghahabol-hininga nila. May kasunod pa siyang dalawang babae sa likuran niya. Okay? What exactly going on?
Naglakad siya papunta sa kaibigan niyang sinisigawan ako kanina pa. "Sinabi ko na sa'yo, WALA siyang ginawa sa akin. Please, bumalik na kayo sa dorm." Seryoso siya. Nakikita ko iyon sa mukha niya.
"Pero Jill.." Nagsalita ulit ang kaibigan niya pero inunahan na niya ito. "Please, hayaan niyo muna ako. Mamaya na lang tayo mag-usap sa dorm." Yumuko ang kaibigan niya at saka umalis. Sumunod na rin ang dalawa pang nasa pinto kanina.
Jill closed the door and locked it. Naglakad siya pabalik habang diretso ang tingin sa akin. Ganon din ang ginawa ko kaya napansin ko agad ang mga mata niyang tinatakpan ng salamin. Nagmumugto ito. Halatang galing sa pag-iyak.
Umiwas siya ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Bigla tuloy sumagi sa isip ko kung anong dahilan ng pag-iyak niya. Dahil kaya sa lalaki sa kwento niya kahapon?
"Umm.. Ano, Lance. Sorry sa kaibigan ko kanina. She misunterstood everything. At saka about doon sa deal natin, pasensya na. Hindi ko naman sinasadyang sabihin sa kanila iyon eh. Pero promise, sisiguraduhin kong hindi nila sasabihin sa iba ang tungkol dito. Sorry talaga sa ginawa ni Ivy kanina. Napagkamalan ka lang niyang-" Halata ang pagkataranta sa kanya kaya nagsalita na ako.
"Quit explaining. Just start our session today."
Halatang nagulat siya sa ni-react ko. I know, she didn't expected this. Pero ayoko na siyang mag-explain. Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili kong... Aish! Nevermind.
Jill's POV
I stared at Lance in surprise. Hindi ako makapaniwala. Tila ibang tao ang nasa harapan ko ngayon.
Nagtaas siya ng isang kilay. "What? Magsisimula na ba tayo o wag na lang?" Inis niyang tanong.
"Umm.. Hindi ka ba galit sa akin?" I asked. Kumunot lang ang noo niya.
"You know, alam na ng friends ko yung about sa deal natin. Hindi ka ba galit dahil sinabi ko sa kanila?"
Nagkibit-balikat siya. "Nangyari na yan. Wala na akong magagawa. And yes, galit ako..." Kinabahan ako bigla pero itinuloy niya pa ang pagsasalita. "Pero ayoko nang makipagtalo pa. Just start our session for today so we could finish it fast."
Nag-pout ako pero tumango na rin. "Okay, monster-jerk.." Mahinang bigkas ko.
"Ano yon?" Taas kilay niyang tanong.
Napataas ako ng ulo sa kanya at sabay umiling. "Wala." I cleared my throat. "So, let's start. Hmm.. Paano ka naging part ng ExO?"
Nagsalubong ang mga kilay niya sa tanong ko. "Bakit ko naman sasagutin yang tanong mo?"
I rolled my eyes. "I'm your love tutor, remember? Kaya kailangan mong sagutin ang sagot ko."
Nagkibit-balikat siya. "Ask me another question except that one. ExO will remain secret to everyone."
I sighed. Bahagya kong itinaas ang salamin ko dahil medyo bumababa ito. "Sure. Sabi mo eh."
Naramdaman ko ang mga titig niya sa akin. "Bakit kaya napagkamalan ako ng kaibigan mo na ako ang nagpaiyak sa'yo?"
I looked at him in surprise. Pero agad din akong nakabawi at nag-ikot ng mata sa kanya. "Kasi wala kang puso."
He gave me a death glare na halos magpatalon sa akin sa kaba. Mabilis kong tinakpan ang bibig kong nasobrahan sa daldal.
"May question ako and I'm curious about it. Ang sabi mo sa akin kahapon, kapag na-in-love ka, para kang nasa heaven and it feels like you're flying." He started. Tumango-tango lang ako.
He continued, "Eh bakit ka umiyak? Does falling in love will also give you pain?"
Natigilan ako sa tanong niya. But I remained calm. "Yes. Love has two different meanings. First is happiness. It happens when the person you love, loves you back. The other one is pain. Pwedeng hindi ka niya kayang mahalin pabalik or may iba siyang mahal."
"So you mean, hindi ka niya minahal?"
"Ano?" Nagtatakang tanong ko.
"Umiyak ka kasi hindi ka mahal ng lalaking iyon, tama?"
I lowered my head sabay umiling. "Kahit ako sa sarili ko, hindi ko alam ang sagot sa tanong mo."
The atmosphere turns in silence. But I broke the ice. "Pero mahal ko siya... sobra."
Hindi nagsalita si Lance. What would I expect? Wala siyang alam sa love kaya natural lang na wala siyang sabihin.
I faked a laugh. Pinahidan ko ang isang butil na luhang tumulo sa kaliwang mata ko. "Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko dahil kahit dalawang taon na ang lumipas, hinihintay ko pa rin siya. Ni isang 'goodbye' wala akong narinig sa kanya. Bigla na lang siyang nawala." Naramdaman kong may tumulo ulit na luha sa mata ko kaya agad ko itong pinunasan.
I sighed. "Hay naku! Heto na naman ako. Bakit ko ba ito sinasabi sa'yo? Hindi mo naman ako maiintindihan. Never."
"Paano mo nasabi?"
"Dahil hindi ka pa naiinlove."
"Alin sa dalawa? The love with happiness or pain?" He asked me.
"Pareho."
"Then teach me."
"Ay, oo nga pala! Muntik ko ng makalimutang ang deal natin. Pero yung totoo," I paused. Tumingin ako sa kanya, "Falling in live is not a subject for you to learn it. Yung feelings mo dapat. Hindi ka naman kasi pwedeng mamili ng taong mamahalin mo. Kailangan mo lang ma-appreciate ang mga nasa paligid mo. Awareness it is, Lance. Awareness."
"Anong sinasabi mo ngayon? Ititigil na natin ito?" Umiling ako. "Hindi."
He frowned. "Ano? Hindi kita magets." He looks frustrated when he said that.
"Syempre nandito pa rin ako para tulungan ka. Ipapakita ko sa'yo ang mga bagay na hindi mo makita. Tutulungan kitang ma-appreaciate ang mga tao sa paligid mo. Kung ibang tao ka siguro, hindi mo na kakailanganin ang tulong ko. But you're different because they have a heart and you don't."
Matalim niya akong tiningnan. "Anong sabi mo?"
Napalunok ako. "Ang i-ibig kong sabihin, yung ibang tao ay nakikipag-usap sa mga babae unlike you. Ako pa lang ang nakakausap mo."
"Eh ano naman ngayon?" Iritadong sabi niya.
I clapped my hands once. "May naisip ako!" Excited kong wika. Napataas ang isa niyang kilay sa akin.
"Bibigyan kita ng assignment."
"Assignment?" Takang tanong niya. Tumango ako, "Ang una mong assignment is, you need to show me what you have learned from our first session. Halimbawa, open up a topic. O kaya naman gawin mo ang mga karaniwang ginagawa ng mga lalaki sa babae. Be a gentleman."
He gave me a are-you-serious look. "Seryoso ako kaya mag-ready ka na sa next session natin at bukas na iyon. Ipakita mo sa akin kung ano ang natutunan mo. So pano, mauna na ako."
Aalis na sana ako nang bigla niya akong pigilan sa paghawak sa braso ko. "Bakit?" I asked.
"Ako ang mauunang umalis." With that, binitawan niya ako at nilagpasan ako palabas ng classroom.
"Ano ba yan! Nagpabango ka na naman. Wag ka na ulit magpapabango simula bukas ah!" Habol kong sigaw sa kanya habang nakatakip ang kamay sa ilong ko. He ignored me dahil patuloy lang siya sa paglakad.
I removed my hand from my nose at saka huminga ng maluwag. "Hay, mamamatay ako kapag laging nakakapit ang matapang niyang pabango sa katawan niya." I whispered to myself before I stepped out the classroom and headed back to our dorm.
***
Nang makapasok ako sa loob ng dorm, nadatnan kong nakaupo sa sala ang mga kaibigan ko habang hinihintay ang pagdating ko. Nahalata ko naman agad ang pag-aalala sa mga mukha nila.
The moment they saw me, agad nila akong nilapitan. "Ayos ka lang?" Alalang tanong ni Ivy sa akin. Bakas din ang pag-aalala sa mukha nila Ann at LA.
Tumango ako. "Maayos na maayos ako. You see.."
"Wala ba siyang ginawa sa'yo? Sobrang natakot ko ba siya kanina?" Sarkastikong tanong pa ni Ivy.
Natawa ako sandali. "Sinabi ko na nga kasi sa'yo, wala naman siyang ginawang kung ano sa akin. Hindi naman siya ang rason ng pag-iyak ko."
"Eh sino pala?" This time, si LA na ang nagtanong.
Natahimik ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila. Baka lalo lang silang mag-alala.
"Dahil ba ito kay D-" alam ko na ang sasabihin ni Ann kaya inunahan ko na. "Wag mo na siyang banggitin. Ayoko ng pag-usapan siya. Pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga."
"Pero hindi ka pa nga kumakain eh." Habol ni Ann sa akin. "Hindi naman ako gutom." Kasabay non ay ang paglakad ko papunta sa kwarto namin ni LA.
Pero bago pa ako makapasok sa loob ng kwarto ay narinig ko pa silang nag-uusap. Mahina man pero sapat na para marinig ko. "So, it's him again..." Boses ni Ivy ang narinig kong nagsabi non. Narinig ko pa ang buntong hininga nila bago ako tuluyang pumasok sa kwarto.
I sighed as I closed the door behind me. Yes, it's been always him.
![](https://img.wattpad.com/cover/2511916-288-k705672.jpg)
BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Teen Fiction“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”