Lesson 6: Another Letter

1.3K 31 6
                                    

Authors's Note:

Readers, sorry for super duper late update. Naging sobrang busy lang kasi eh. Sana po intindihin niyo na hindi lang pagsusulat ang ginagawa ko so please understand my situation. Tao rin po ako, gusto ko rin maenjoy ang buhay ko outside watty. Alam kong ganon din kayo, tama? :)

Tatapusin ko naman tong story na to eh, mabagal nga lang. Pagpasensyahan niyo na, may pagkatamad ang author eh XD

Well anyways, eto na ang update! Enjoy po~^^

_________________________________________________

Lesson 6: Another Letter

Jill's POV

Nang mag-gabi na, naisipan ko ulit gumawa ng isa pang sulat para kay Lance. Kuha ng papel, kuha ng ballpen sabay upo sa kama ko. Sinilip ko si LA kung anong ginagawa niya. Mukhang busy siya sa pag-aaral ng math. Napangiti ako, ngayon sigurado na kong walang gagambala sa gagawin ko.

Agad ko namang sinimulan ang pagsusulat ng letter for Lance. Kaya lang, di pa man ako nangangalahati sa ginagawa ko, narinig ko na ang boses ni LA malapit saken.

"Jill, patulong naman dito oh.." yan ang sabi niya saken kasabay ng pag-upo sa kama ko.

Sa gulat ko, agad kong isinubsob ang papel na hawak ko sa dibdib ko at tinignan si LA. "Ano ka ba naman LA. Muntik na kong atakihin sa puso sayo eh. Wag ka nga nanggugulat!"

Napansin ko naman ang pagtataka sa mukha niya. "Sorry naman. Di ko naman sinasadya eh."

Nagbuntong-hininga ako, "So, ano ba kailangan mo?" tanong ko kasabay ng pagpapatuloy sa ginagawa ko.

"Umm.. ano kasi eh. Itong math problem na 'to napakahirap. Baka lang sana pwede mo kong tulungan.."

"Sorry pero busy ako ngayon." sagot kong hindi tumitingin sa kanya. I'm still busy doing the letter.

"Ano ba yan?" naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa ginagawa ko kaya agad kong tinago ang papel sa likod ko. "Yah, sinabi ko nang busy ako at hindi kita matutulungan. Kaya please lang LA, wag mo kong guluhin sa ginagawa ko."

"Aish! oo na. oo na!" at sa wakas, bumalik na rin siya sa study table niya.

Nakahinga ako ng maluwag at naipagpatuloy ko na rin ang ginagawa ko. at ang maganda pa, mabilis ko na rin itong natapos.

Kaya lang, ilang inuto pa lang ang lumilipas, narinig ko nanaman siyang nagsalita malapit saken. "Jill, busy ka pa rin ba?"

At dahil nga seryoso na ko sa pagsusulat at saktong katatapos ko lang sa pagsusulat, aksidenteng nabitawan ko ang papel na hawak ko dahil sa sobrang gulat ko kay LA. Nalaglag yun sa may pagitan namin ni LA. Kukunin na sana yun ni LA pero bago pa man niya tuluyang makuha ang papel, mabilis ko siyang inunahang kunin yun.

Nakita ko nanaman ang pagtataka sa mukha ni LA habang nakatingin saken. "Hala! Anyare sayo te?"

"H-ha? W-wala wala! Ano nga ulit kailangan mo?"

"Tinatanong kita kung busy ka pa ba?"

"Bakit? Kailangan mo pa rin ba ang tulong ko?"

Umiling siya, "Hindi. Tatanungin lang sana kita kung papatayin ko na ang ilaw?"

"Ohh.. Osige patayin mo na ang ilaw. Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko eh."

"Alright!" sagot niya at saka niya pinatay ang ilaw. "Goodnight, Jill." narinig ko pang sabi niya kasabay ng pagdilim ng paligid.

"Goodnight" I replied as I placed the letter inside my bag. humiga na rin ako sa kama ko at natulog ng mahimbing.

Lance's POV

Kanina pa ko nakahiga dito sa kama ko pero kahit anong pilit ko, di ako makatulog. Nakatitig lang ako sa isang piraso na papel na nakita ko kanina sa locker. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung kanino galing ito. Masyado akong confuse sa mga nangyayari ngayon.

Love tutor? Sino ka ba talaga? Bakit mo ginugulo ng ganito ang isip ko? Paano mo nasabing hindi ko pa naeexperience na ma-inlove?

I sighed.

At bakit gusto mo kong tulungan? Paano mo ko tutulungan kung hindi ko lang man alam kung sino ka?

"Ahhhh! I'm confused!!!!" napasigaw na ko dahil sa daming gumugulo sa isip ko.

"Yah, ano ba?! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman. Paki-hina-hinaan mo naman ang boses mo!" si Skyler yan. Siya lang naman roommate ko eh.

I looked at him and rolled my eyes. "Whatever!"

He make a face sabay tumalikod saken at talukbong ng kumot sa mukha.

Hindi ko lang siya inintindi. Tinitigan ko pang muli ang papel na hawak ko bago ko ito ibalik sa drawer ko. Pinilit ko na ring makatulog para sa ikabubuti ko at sa taong kasama ko dito sa kwarto.

Jill's POV

Nagising ako nang maramadaman kong tumama na ang sikat ng araw sa mukha ko. Nag-inat-inat ako kasabay ng paghikab. Dahan-dahan akong bumangon.

Nagprepare na rin ako para sa pagpasok sa mga klase ko. Mahirap na, baka ma-late pa ko neto.

Kasabay ko pa rin sa pagpasok ang mga friends ko na ka-roommates ko. At sa pangalawang pagkakataon, I excused myself to Ann. Wala akong choice eh, kailangan ko yun gawin. Wala dapat makaalam ng mga plano ko. Mabuti na lang at understandable si Ann, hindi na niya ko hiningan ng dahilan kung bakit. Hinayaan na lang niya ako at nauna na sa klase.

Nang makatiyak na kong wala na sa paligid si Ann o kahit sino pa man, agad kong inilusot ang pangalawa kong sulat sa locker ni Lance Roscoe Choi.

Again, sinigurado ko ulit kung walang tao sa paligid. Good thing, there's no student around. And with that, I headed to my first class.

Lance's POV

Napakabilis ng oras. Lunch na agad. Well, mabuti na rin yun. Nakakatamad na kasi sa loob ng classroom na ito eh!

As always, sabay-sabay nanaman kami ng mga ka-members ko. We all headed to our lockers para ibalik ang mga libro namin. And pagkabukas ko pa lang ng locker ko, another letter greeted me.

Letter nanaman?

Napakunot-noo ako dahil sa nakita ko. Dahan-dahan kong kinuha ang isang nakatuping papel mula sa loob ng locker ko. I slowly open it as I read the letter inside that paper.

to: Lance

Confuse ka, tama ba? I can see it based on your expression when you received my first letter. At ngayon, gumawa pa ulit ako ng isa pang sulat. So, anong iniisip mo ngayon Lance? Let me guess. Iniisip mo kong sino ako diba? Well.. hindi mo naman na kailangan alamin pa yun eh. Hindi naman ako importanteng tao. I just want to help you.

Tip #1: Always show your smile to others or at least smile once in a day. Remember, makakabuti yan sayo! ^____^V

from: Love Tutor

________________________________________________

Dont forget to VOTE and COMMENT!

Salamat sa patuloy na pagbabasa ng story na ito :)

-k26

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon