Author's Note:
I dedicated this to you. I hope you will continue to support this story of mine :)
_____________________________________________________________
Lesson 2: ExO for Extra Ordinary
Jill's POV
"Kyaaaaaaaaaaaa!!!!" rinig na rinig ko ang malalakas na mga tili galing sa mga babaeng studyante dito sa canteen. Take note, kasama po ang tatlo kong friends don. Grabe, nakakarindi lang sa tenga. Ang lakas eh!
"OMG! Papalapit na sila! Ang gagwapo talaga ng mga members ng ExO!!"
"Grabe, ang hot ng dating nila!"
"At the same time, ang cool din nila!! Kyaa!"
Lahat yan, galing sa mga girl students na nandito.
ExO? Seriously? Ano ba yun? tao? Baka nga.. gwapo daw eh!
Napakunot-noo ako ng matanaw ko ang mga papalapit na lalaki. Well, they do have a look. Actually, they're good-looking. Hindi ko maitatanggi yun dahil totoo.
Habang busy ang mga mata ko sa mga gwapong lalaking yun, naramdaman kong may kumakalabit saken. I turned my head to the side at nalaman kung sino yung kumakalabit saken, si Ivy.
Napataas ako ng isang kilay, naghihintay ng sasabihin niya.
"Tingnan mo, nandito ang ExO!" bulong niya saken na halatang excited.
"Alam ko. May mga mata kaya ako." I sarcastically replied.
Umikot naman ang mata ng gaga. "Alam kong may mga mata ka. What I mean is, di ba hindi ka pa familiar sa kanila?" tanong niya.
I looked over ExO's direction. Then I shook my head, "Hindi."
"Exactly! Ipapakilala ko sila isa-isa sa'yo."
"Okay but before that, bakit ba sila tinawag na ExO?" I asked dahil wala talaga akong idea kung bakit at paano naging ExO ang tawag sa kanila. Ano ba sila? Candy? Yung X.O?
"ExO is for Extra Ordinary.."
"Extra Ordinary? bakit naman? Ano bang special sa kanila para matawag na ganon?" I asked.
"Wag ka muna kasi sumabat. Baka gusto mong patapusin muna ako di ba?" sarkastikang sabi niya.
"Sorry naman. Sige, tuloy mo na."
"Okay, let's go back to them. Bakit Extra Ordinary? dahil those two words tells what they are. Hindi lang sila basta-basta performers. Kakaiba sila, Extra Ordinary nga kasi. Basta, ang hirap iexplain pero para silang taga-ibang planeta magperform. Talagang maeenjoy mo ang kahit anong performance nila. Walang babaeng hindi nag-enjoy dun, promise!" grabe, excited pa siya magkwento niyan. psh.
"Performer sila? Saan?" tanong ko.
Nagtaas-kilay siya. Bakit? May mali ba sa tanong ko?
"Hindi mo sila kilala? Grabe ka, Jill. Parang hindi ka studyante dito ah." -Ivy
"What do you mean?"
"Gaga ka talaga. Performers sila dito sa school. Madalas silang magperform tuwing may malaking event ditio sa University. Sikat sila na para bang mga artista. Well, mga artistahin naman talaga sila eh." paliwanag ni Ivy habang yung dalawa nakikinig lang sa usapan namin.
"Ganon? bakit hindi ko alam?" mahinang tanong ko.
"Duh! Malamang di mo alam dahil lagi kang busy makipag-usap diyan sa mga libro mo." pang-aasar na sagot ni Ivy.
![](https://img.wattpad.com/cover/2511916-288-k705672.jpg)
BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Novela Juvenil“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”