Lesson 14: Heaven

1K 19 2
                                    

Lesson 14: Heaven










Jill's POV





"Nothing.." Ay lintek na sagot yan! Iniinsulto ba ako ng lalaking ito? Bwiset ah. Napaka-walang puso.





I jumped off the table at tumayo ng maayos. "Nothing? As in wala? Sigurado ka?"





"Oo. Why? Do I need to feel something?" Ang bilis ng sagot niya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba talaga ito o sadyang ganito lang siya.





I nodded my head. "Dapat meron kang maramdaman kahit papaano. Ganyan ka ba ka-cold-hearted?"





"So what if I am?" He snapped.





"Mr. Choi, hindi ako naniniwala sa sagot mo." I stared at him for a moment before I continued, "Una, pumayag kang tulungan kita. Pangalawa, nakikipag-usap ka sa akin as if we're that close already. And lastly, mabilis mong nasasagot lahat ng mga tanong ko. I think you're already comfortable around me."





Mabilis tumaas ang isa niyang kilay. "What?" Nagkibit-balikat siya. "I don't think so.."





I rolled my eyes. "Ewan ko sa'yo! Ako ang love tutor mo at estudyante lang kita kaya alam kong tama ang observation ko. Believe it or not, you are now comfortable with you're with me. You're not heartless after all and that's better."





This time, siya naman ang nag-ikot ng mata. "Whatever! Tapos na ba ang session natin?"





Umiling ako. "Hindi pa."





"Eh ano pa bang gagawin natin?" Inis niyang tanong.





"Talk." I replied shortly.





"Ano?" He gaped.





"Kausapin mo ako. Mas mabilis itong makakatulong sa'yo. Hindi ba sabi mo hindi ka nakikipag-usap sa mga babae? Well, except your mom. Ito na ang chance mo. You can practice with me."





"Seryoso ka ba? Eh hindi ka naman babae eh." Akala mo wala lang yung sinabi niya.





"Gusto mo ba talagang tulungan kita o wag na lang kaya?" Inis kong tanong.





Huminto siya saglit. "Bago ko sagutin yan, may itatanong muna ako. Bakit mo ba ako tinutulungan without an exchange?" He looks serious when he asked that. Bigla tuloy akong nagtaka sa expression niya.





"Nung sasabihin ko na dapat sa'yo last time, ang sabi mo wala kang pakialam at nirespeto ko iyon. Kaya sana respetuhin mo rin na ayoko nang sabihin sa'yo ang rason ko. So pwede mo na bang sagutin ang tanong ko? Gusto mo ba talaga ang tulong ko o hindi?"





"Yung totoo, ayoko." Napataas ang kilay ko sa sagot niya. "Eh bakit mo hiningi ang tulong ko?"





"Just wanna try." Cool niyang sagot. "Try to fall in love?" I asked.





Umiling siya. "Try you." My eyes widen in shock. "What?"





"Gusto ko lang i-try kong i-epekto ang pagtulong mo sa akin. Well.. siguro tama ka. Gusto ko rin sigurong i-try ma-in love."





Napailing ako. "Kawawa ka naman."





"Ano iyon?!" Binigyan niya ako ng isang matalim na titig. Napalunok ako sa kaba. Nagiging halimaw na naman po siya.





"Opinyon lang naman iyon."





He rolled his eyes. "Bakit ikaw?"





"Ako?" I asked in confusion. Ano bang pinagsasasabi nito?





"Na-in love ka na ba?" Ang seryoso na naman niya. Hindi ako sanay. Ang hirap pang basahin ng nasa isip niya. Grabe lang.





Natigilan ako sandali bago ko siya sagutin. "Yes, I do."





"How does it feel?" He looks innocent when he asked me that question. Grabe, paiba-iba ang expression niya. Nakakaloko.





Natigilan na naman ako. Sinariwa ko muna yung mga panahong in love pa ako sa kanya. "Heaven."





"Heaven?" He asked in confusion. Halata sa mukha niya eh.





I smiled. "Falling in love with someone feels like you're in heaven. Laging nagsisimula sa sinasabi nilang 'crush' hanggang sa mamalayan mong 'love' pala iyon. Kapag nakikita mo siya, feeling mo nakakita ka ng anghel. An angel that you always wanted to be around you. An angel that will protect you all the time. Araw-araw, siya ang gusto mong unang makita. Habang lumilipas ang araw, mas lalong nagiging strong ang feelings mo sa kanya. At ang pinakamasarap sa feeling kapag yung taong mahal mo," Huminto ako at humarap kay Lance.





And then I continued, "..loves you back. Kapag kasama ko siya, akala mo naglalakad ka papunta sa moon. The moment he held my hand, it feels like there was an angel guiding you towards the right place. The moment he hugs me, feeling ko nasa ulap ako. The moment he gave me a kiss, I felt butterflies inside my stomach as if I'm about to fly. That was... The feeling of falling in love."





Halata ang pagka-speechless niya sa sinabi ko. Medyo natawa pa ako sa expression ng mukha niya after ng mga sinabi ko. "So, ano nangyari sa lalaking tinutukoy mo?" Natigilan ako sa tanong niya.





"A-ano?" I gasped.





"You were referring to someone, tama ba?"





I laughed nervously. H-hindi noh! Wala akong tinutukoy don sa mga sinabi ko. Imbento ko lang iyon. Ine-explain ko lang yung feeling na ma-in love. Yun lang. No more, no less."





"Oh talaga?" Tumaas ang isang kilay niya.





"Oo nga sabi. O siya, tapos na ang session natin today. Magkita na lang ulit tayo sa next session natin. I have to go now. Bye!" And I hurriedly went out the classroom.





Napahawak ako sa dibdib ko nang sa wakas, nakalabas na ako sa classroom na iyon. Bakit ko ba kasi nasabi iyon?





I sighed sabay tumingala. I can't believe I still haven't forgotten him...





Bumaba na ako hanggang sa marating ko ang first floor. I'm on my way to the girls dorm when my eyes suddenly caught a familiar place. Kusang huminto ang mga paa ko sa paglakad.





Ayoko man pero wala akong nagawa. Para akong hinahatak papunta sa lugar na iyon. I walked towards its direction. It was an empty room. Pero kahit walang laman iyon, napaka-special ng lugar na iyon sa puso ko. That empty room that completes my heart... before. The place that we used to stay at.





I entered the room and went straight to the corner. There was a guitar there, the guitar that he used to play with. Kinuha ko ito bago maupo sa isang upuan na malapit.





Medyo madumi ang gitara. Dahil na rin siguro sa matagal nang walang gumagalaw nito. Marahan ko itong pinunasan gamit ang kamay ko. I don't care if my hand gets dirty. I touched the strings and started strumming it.





I smiled. I can still remember the time I spent here with him.





Nagsimula akong tumugtog. Isa sa mga tinuro niya sa akin dati. Hearing the guitar's harmony makes my eyes teary. At hindi ko na nga napigilan. Nag-unahan nang tumulo ang mga luha ko habang patuloy pa rin ako sa pagtugtog.





Hanggang sa kusa nang tumigil ang kamay ko sa pagtugtog. Nanginginig na ang buong katawan ko sa pag-iyak. Hindi ko na kayang magpatuloy pa.





"Bakit mo ko iniwan?" I sobbed. Halos ibulong ko lang ang mga salitang iyon. Kung sana naririnig niya lang ako. Kaso hindi.





"Hindi mo ba alam kung gaano mo ako nasaktan nung umalis ka? Sana bumalik ka na. I miss you so much..." Ayaw tumigil ng mga luha ko at parang sasabog na ang puso ko sa tuwing maiisip ko siya.





Ang sakit-sakit lang...

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon