Lesson 10: Monster-Jerk
Jill's POV
Lunch time. Sinundo ako nila Ivy sa classroom namin gaya ng dati. Ganito naman lagi ang ginagawa nila kapag lunch time na para sabay-sabay kaming pumunta ng canteen.
"Umm.. Sorry guys, hindi ako makakasabay sa inyo ngayon." Totoo naman eh. Gustuhin ko man, hindi pwede. Pinasok ko itong gulong ito, kaya dapat kong harapin.
"Bakit?" I heard LA asked me.
"Umm.. Ano kasi.. H-hindi ko pa masasabi sa inyo sa ngayon PERO promise, sasabay na ko bukas mag-lunch sa inyo."
Nakita kong kumunot ang noo ni Ann habang nakatingin sa akin. Oh no...
"Sabihin mo nga, may nakahuli ba sa iyo kaninamg umaga? O baka naman si Lance pa ang nakahuli sa'yo?"
There! Her question got me. Ano ba naman itong babaeng ito? Bakit ang galing niyang bumasa ng isip? Pero ano bang gagawin ko? Ano bang dapat kong isagot sa tanong niya? Ang sabi sa akin ni Lance, dapat walang makaalam ng tungkol sa napag-usapan namin. Naku naman...
"Late ka sa klase natin kanina at tinanong kita kung bakit. Ang sabi mo long story at ngayon mo ikukwento. So, ano na? Ano ba talaga nangyari sa'yo kaninang umaga? About ito sa dare mo, tama ba?"
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Pagbukas ko ng message, na-BV ako.
From: Monster-Jerk
Nasaan ka? Bakit hindi kita makita dito sa canteen?
I looked at my friends. "Ano na, Jill?" Ann asked again.
Okay, I gave up! Iba talaga mag-isip ang isang ito. Wala akong takas eh. Huling-huli niya ako.
I let out a sigh at naupo muna sa isang upuan sa loob ng classroom. "Yes, nahuli niya ko kanina." I whispered so no one can hear it.
"Seryoso? Nahuli ka talaga niya?" Ivy asked. I nodded my head as an answer to her question.
"Ano ba naman! Sabi naman sa'yo na mag-ingat ka eh. Tsk. So, anong sabi niya?" Medyo iritang tanong ni Ann. Pinangaralan pa ko. Nadedepressed na nga ako't di ko alam ang gagawin eh.
"He asked me for a help." I replied shortly.
Tinabihan ako ni LA. "Ano kamo? Help? Para saan daw?" Wow ah! Excited ba itong babaeng ito? Yung totoo? Namomroblema na nga ako tapos ganyan pa siya. Psh!
"Gusto niyang tulungan ko siyang ma-fall in love." Medyo malungkot kong sagot.
Umupo naman si Ivy sa upuan na nasa harapan ko. "Eh bakit naman ang lungkot mo, girl? Hindi ba dapat maging masaya ka at willing ang target mong gawin ang plano mo?"
Tinabihan naman ni Ann si Ivy. "Pero hindi ba kayo nagtataka sa pagiging willing niya? Hindi ba parang ang weird non?"
"Tama! Iyon mismo ang nasa isip ko. Nakakapagtaka talaga." I agreed to Ann.
"Who knows? Malay niyo naman gusto lang talaga niyang maexperience na ma-in love? Hindi naman malabo iyon." dagdag ni Ivy.
"Tama siya." And LA agreed to her statement.
"Teka, sinabi mo ba sa kanya na dare lang ito?" Ivy asked me.
Umiling ako. "Hindi."
"Good." Sabi niya sabay napahinga ng maluwag. "Eh ano nang plano mo ngayon?"
I shook my head once again. "Hindi ko alam." I sighed. "Hindi ko kayang gawin iyon ng face to face. No, scratch that. AYOKONG gawin iyon ng face to face."
"Bakit naman?"
"Kasi monster-jerk siya!" Biglang napataas ang mga kilay nila sa akin. Okay, confused lang ang mga gaga?
"Kapag sinusubukan kong kausapin siya, yung mga titig niya, akala mo gusto kang patayin. Isa pa, akala niya ginagawa ko ito dahil sa pera. He's totally a jerk!"
"Wow! Ang cool niya!" Ngiting-ngiting sabi ni Ivy habang tatango-tango naman si LA. Mga babaeng ito talaga!
Tiningnan ko lang ng masam yung dalawa. Napailing lang si Ann. "Nga pala, kalahati na lang ng lunch time ang natitira sa inyo. Wala ba kayong mga balak kumain?"
"Oo nga pala. Tara na, nagugutom na ko kanina pa eh." Yaya ni Ann. "Hindi ako makakasama. Ayoko munang makita yung mukha ng monster-jerk na iyon!"
"Pero kailangan mong lamanan yang tiyan mo." LA reminds me. "Wag na kayong mag-alala sa akin. Kaya kong tiisin ang sikmura ko kaysa naman makita ko yung Lance na iyon sa buong oras ng lunch time. Baka hindi lang lalo ako makakain pag nagkataon. Bilisan niyo na bago pa matapos ang lunch."
"Sigurado ka?" Ivy asked me again. I nodded and smiled as an assurance. "Super sure!"
Mukhang nakasiguro na naman na sila sa sinabi ko. At ayon, umalis na sila sa classroom at pumunta na ng canteen. At ako? Eto, nganga lang sa loob ng classroom.
Lance's POV
Tapos na ang klase. Lunch time na, sa wakas. As my usual routine, binalik ko na ang mga libro ko sa locker ko. Ganoon rin ang ginawa ng mga groupmates ko. Pagkabukas ko ng locker ko, wala kahit anong papel na nandoon. Hindi na ako nagtataka. Nakilala ko na ang taong pinanggagalingan ng sulat kaya alam kong di ba siya maglalagay pa ng kahit na anong sulat dito. At ngayon, kailangan ko siyang makita.
I stepped inside the canteen with the other members of ExO. My eyes searched around the canteen. Asan na ba iyon? Bakit hindi ko makita? Muling inikot ng mga mata ko ang paligid pero wala. Hindi ko talaga siya makita.
Nauna na ang mga ka-members ko sa usual table namin. Sumunod na lang ako.
Pagkaupong-pagkaupo ko, nilabas ko agad ang cellphone at nagstart magtext. Kailangan ko siyang makita ngayon so I texted her.
To: Love tutor Jill
Nasaan ka? Bakit hindi kita makita dito sa canteen?
I've been waiting for her reply for about 10 minutes already. Pero wala akong natanggap na kahit anong reply galing sa kanya. Naiinis na ako.
"Kuya, may hinihintay ka bang text? Haling kanino? Kilala ko ba?" bigla kong narinig na tanong ni JP.
I shook my head. "No. Wala akong hinihintay na text. At sinabi ko nang wag mo na kong tawaging kuya. Ang kulit mo."
"Eh bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo?"
Napatitig lang ako saglit sa kanya sabay lingon sa pagkaing nasa harap ko. "Ayokong kumain." Matipid kong sagot. Mukhang naintindihan naman niya at ipinagpatuloy na ang pagkain niya.
I checked my phone once again. Pero wala pa ring text galing sa kanya. Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko. Talaga bang sinusubukan ako ng babaeng ito? Tingnan natin. Magsaya ka muna ngayon pero kailangan mong maghanda sa susunod na pagkikita natin, Yanira Jill Mendoza...
_____________________
Author's Note:
Magiging active na po ulit ako sa pag-update. Pero hindi naman po sobrang active na halos araw-araw mag-uupdate. Medyo lang po. I'll update po once a week, every sunday po. Estudyante lang po ako kaya kailangan ko rin mag-aral kapag week days. Sana po maintindihan niyo. And another thing, I have new story po entitled Wrong Confession. Sana po suportahan niyo rin iyon. Marami pong salamat =)))
Comment and vote po kayo.
-k26
BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Ficção Adolescente“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”
