Lesson 19: Caught
Skyler's POV
Maagang nagising si Lance ngayon so there's no need to bother myself waking him up. Pabor sa akin iyon dahil hindi ko na siya kailangan gisingin pa para lang makatikim ng morning kicks niya. Ang lakas pa namang sisipa ng isang iyon!
Kumunot ang noo ko nang mapansin kong hindi na naman gumamit ng pabango si Lance. Bahagyang tumaas ang kilay ko doon, "No perfume again?" Nakakapanibago lang kasi. Hindi naman siya ganon dati.
Napalingon siya sa akin habang inaayos ang uniform niya. "Ano?"
Ngumuso ako sa kanya. "Yang uniform mo, hindi mo nilagyan ng pabango? Parang bago yon ah. Akala ko ba ayaw mong walang pabangong nakakapit sa'yo kapag umaalis o kahit kapag papasok ka?" Totoo yun, ang sinabi niya yun sa lahat ng miyembro ng ExO nang minsang kinulit siya ni JP.
"Ayoko lang maglagay ng kahit anong pabango ngayon."
Matama ko siyang tinitigan. "Talaga lang ha? Eh bakit hindi ka rin gumamit ng pabango kahapon?"
Napahinto siya sa sandali sa sinabi ko. "Just quit asking. Pumasok na tayo." Mabilis siyang naglakad palabas ng kwarto namin. Sinundan ko lang siya ng tingin sa una pero sumunod a rin ako palabas.
"Kuya Lance, bakit hindi ka na gumagit ng pabango ngayon? Nakakapanibago." Narinig kong tinanong na rin ni JP si Lance habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa corridor ng school building. Natuon lahat ng pansin namin kay Lance.
Tiningnan ko siya ng makahulugan. Ipinagkibit-balikat niya lang ito. "Ayoko lang gumamit ngayon ng pabango." Kagaya ng sagot niya sa akin kanina, iyon pa rin ang ibinigay niya kay JP.
I rolled my eyes. "Wag mo nang tanungin yan. Wala rin sense." Nauna na ako sa klase at iniwan sila.
"Teka lang, Kuya Skyler!" Narinig ko pang habol na sigaw ni Dwain sa akin. Hanggang sa napansin kong kasabay ko na siyang maglakad. Hinayaan ko na lang siya.
Medyo naiinis na ako kay Lance. Alam kong may tinatago siya kaya aalamin ko kung anuman iyon. Kung ang sekreto niya nga dati, nalaman ko. Yung ngayon pa kaya? Ha!
Lance's POV
Mabilis ang paglipas ng oras. Third period na agad. At ito ang pinaka ayaw kong subject, Mathematics. Tapos wala pa akong kasamang member ng ExO dito sa klase kaya lalong ang boring.
Pagkapasok pa lang ng teacher namin, ako agad ang tinawag niya. "Mr. Choi, come here in front. I have something important to say to you."
Ayaw ko man, tumayo na ako at lumapit sa kanya. Baka makarating na naman ito sa magulang ko kapag nagkataon.
"Your parents called me just now." She started. I frowned, "What did they say?" I asked in annoyance. Gusto na naman atang makialam ng mga magulang ko. Aish!
"They wanted to trasnfer you to another Mathematics class. They told me to transfer you to the high class."
"What?" Hindi ko inexpect na ganito ang maiisip nila. Nakakainis.
"Don't worry. Sa math subject mo lang naman kailangan umattend ng high class. Your parents are worried about your grades in this subject. Alam nilang mahina ka sa subject na ito. So, get ready. I'll send you to your new class."
Gusto ko sanang umangal pero nauna nang lumabas ang teacher ko. Lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa akin. I glared at them before I followed the teacher outside.
Huminto kami sa may dulo na classroom. Dito kasi lahat ng high classes, nasa mga dulo. Mas makakapag-concentrate daw kasi kapag walang masyadong katabing ibang klase.

BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Teen Fiction“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”