I dedicated this to you :)
______________________________________________________
Lesson 3: Love
Jill's POV
Nang gabi na...
Nakaupo ako sa kama ko while hugging my legs across my chest. Nakatulala lang ako sa bed sheet ko habang malalim na nag-iisip. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang gagawin ko para sa 'dare'. Paano ko ba naman kasi sisimulan ang 'dare' kung di ko alam kung paano ako lalapit sa Lance na yun? haist!
"Uy, naririnig mo ba ko?" bigla ko narinig ang boses ni LA with matching sundot pa sa braso ko. Nakaupo na pala siya sa kama ko. Dahil dun, I snapped out the thoughts in my head and back to reality.
I looked at her, "Oh.. LA. Bakit?" I asked.
Umikot ang mga mata niya saken, "Ano ba kasi nangyayari sa'yo? Tila ka tangang nakatulala syan sa bed sheet mo. Bakit parang ang lalim naman ata ng iniisip mo?"
Nagbuntong-hininga ako at napasandal sa my head board ng kama ko. "Anong gagawin ko?"
"Bakit? May nangyari bang masama?" halatang may pag-aalala sa boses niya.
Umiling ako, "Sa ngayon, wala pa. Pero paniguradong magkakaroon in the future."
Nakita kong tumaas ang isang kilay niya, "Anong ibig mong sabihin?"
"Yung tungkol sa 'dare' ko."
"Tama! Kailangan ko na pala mag-aral. Buti pinaalala mo." at dali-dali siyang pumunta sa study table niya, katabi ng kama niya.
Bumaba na rin ako ng kama ko at sinundan siya. "LA, pwede mo ba kong tulungan sa 'dare' ko?"
"Sorry but I can't, Jill. Kita mo naman, busy ako mag-aral ngayon." sagot niya without looking at me. Busy siya sa librong nasa tabale niya habang nagsosolve ng problem sa papel.
Napanghinaan ako ng loob sa sagot niya. Pero bigla ulit akong nabuhayan ng malala kong may iba pa kong kaibigan. Tinungo ko agad ang kwarto nila para humingi ng tulong sa kanila. Agad rin akong kumatok sa pinto ng kwarto nila nang marating ko ito.
"Pasok." sagot sa loob ng kwarto. Boses ni Ivy yun.
I carefully twisted the door knob at dahan-dahang pumasok sa loob.
"Ohh.. Jill, bakit ka napunta dito? Late na ah." bungad ni Ann saken.
"Umm.." I sat beside her at sabay hinawakan ang dalawang kamay niya. "Pwede mo ba kong tulungan?"
"Anong klaseng tulong naman?"
"Tulong para sa 'dare' ko.. Please.. help me, Ann."
Pagkasabi ko pa lang nun, agad inalis ni Ann ang mga kamay ko na nakahawak sa kanya. "Sorry, Jill. Pero hindi kita matutulungan."
Napayuko na lang ako sa sagot niya. Pero agad ko rin naman inangat ulit na naging dahilan ng pagtama ng mga mata namin ni Ivy. I blinked at her a couple of times at ngumiti ng malapad.
Pero agad nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko siyang umiling lang at sabay higa sa kama niya. Humikab pa siya, "Inaantok na ko. May pasok pa tayo bukas. And Jill, walang makakatulong sa'yo dito." at ipinikit na niya ang mga mata niya.
Napabuntong-hininga na lang ako at napayuko. Nakita ko namang nakatingin si Ann saken. "Sorry.." she mouthed to me.
I shook my head at ngumiti ng matipid. "Matutulog na rin ako. Goodnight." and with that, nilisan ko na ang kwarto nila.
Naisapan kong maglakad-lakad muna sa labas ng dorm para makapag-isip ng magandang plano. Habang naglalakad ako around the University, bigla akong may narinig na mga boses sa di kalayuan. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang mga boses hanggang sa marating ko ang isang malaking room with 12 guys inside of it.
Napatago ako ng wala sa oras dahil ayokong makita nila ko. Aalis na sana ako nang bigla akong nakarinig ng word na 'love'.
"Kuya Lance, naexperience mo na bang mainlove?" boses yun ng isa sa kanila at syempre hindi si Lance yun dahil siya ang tinatanong.
"Seryoso ka ba sa tanong mo, JP? No, scratch that. Ang ibig kong sabihin, si Lance ba talaga ang tinatanong mo about sa love?" rinig ko pang muli sa isa sa kanila.
"Bakit? May mali ba sa tanong ko?" tanong ulit nung JP.
"Hindi mali ang tanong mo. Mali lang ang taong tinanong mo." hmmm why naman? Napaisip tuloy ako dun.
"At isa pa, ni wala siyang idea sa love na yan tapos tatanungin mo kung may experience siya? Nagbibiro ka ata, JP." sabi pa ulit ng isa sa kanila.
"Who knows? Malay niyo naman may experience na siya."
"Stop talking about me while I'm here with you guys. Hindi ako bingi para hindi marinig ang mga sinasabi niyo. At isa pa, tama si Skyler. Hindi ko kailangan ng love-love na yan na gusto maramdaman ng lahat. Ibahin niyo ko sa inyo dahil wala akong time para sa love na yan. Isa pa, walang magandang dulot ang love na yan." well.. I think that's Lance. Obvious naman sa pagsagot eh.
Hayy.. paano ko naman kaya matuturuan mainlove ang isang Cold-Hearted na kagaya niya? tsk.
"Aww.. kuya Lance, you should at least try to experience it. Pag in love ka kasi, para kang nasa heaven." narinig ko ulit ang boses nung JP.
"I'm looks like an angel kaya sa tingin ko I'm already in heaven.." woah! basag kayo don! Laki din ng tiwala nitong Lance na 'to sa sarili niya ah.
I rolled my eyes because of his statement. Stupid Jerk!
"Okay, sabi mo eh. Pero suggestion lang pare, dapat i-try mo pa rin iexperience na mainlove sa isang babae." sabi ng isa sa kanila. I agreed to him! :D
"Pwede ba. Ayokong pag-usapan ang mga ganyang bagay. At pagod na rin ako sa pagpapractice dito. Gusto ko na matulog. Pwede bang bumalik na lang tayo sa dorm at magpahinga?" okay, inis na po si Cold-Hearted Guy. tsk.
"He's right. Pagod na rin ako eh." rinig kong sabi ng isa.
Kasabay non ang mga tunog ng paglakad ng mga paa nila. Bigla naman akong nagpanic don. Palabas na sila. Waaaaaaaaaaa. Anong gagawin ko? Baka mahuli ako ng di oras dito. Naku po!
Dahil sa panic ko, sa isang likod ng pader lang ako nakapagtago at malapit pa rin yun sa malaking room na kinaroroonan nila. Pinilit kong wag gumawa ng ingay para hindi ako mahuli sa pinagtataguan ko.
Napahinga ako ng maluwag dahil nakapagtago agad ako. Mahinang paghinga lang ang ginawa ko dahil nga hindi ako pwede gumawa ng ingay or I'll get caught in no time.
Grabe, akala ko katapusan ko na yon! Wooh!
Pero ilang sandali lang, bigla akong may narinig na nagsalita. "Anong ginagawa mo dito?"
Para akong napahinto sa paghinga nang marinig ko yun...
_______________________________________________________
Author's Note:
Waaaaaahhhh! Ang saya ko dahil dumadamia ng mga votes na natatanggap ko sa story na 'to. Sana ganon din sa comment. Gusto ko po makarinig ng mga opinion niyo so please be with my story. Sana po naeenjoy niyo ang pagbabasa nito. SALAMAT po! :D
Comment to share your thoughts about this chapter.
Vote if you like this chapter.
-k26

BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Teen Fiction“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”