Author's Note:
Yun oh! Ang daming reads ng story na 'to ah! I can't believe this story had reached almost 400 reads for prologue only. Grabe lang XD This is a very good start, I think? Well, I hope so..
So ayun nga, sana marami ring sumuporta ng tagalog version just like the english !version. Masaya ako dahil maraming nagustuhan ang story na 'to at nag-request pang gawan ko ng tagalog version kaya naman I dedicated this to you ^________^. I'm so happy na na-appreciate niyo ang story ko. May magbasa lang, happy na ko.
All I need is support from all of you, my lovely readers :D
And now, sabay-sabay nating umpisahang muli ang storyang nagpakilig sa karamihan hindi lang dito sa pinas kundi pati na rin sa ibang bansa na nagbasa ng english version na 'to. Sa mga baguhan naman sa story na 'to, sana magustuhan niyo.
Iyon lang po and please do enjoy :D
_____________________________________________________________________________
Lesson 1: The Dare!
Jill's POV
"Argghh!!! Ang boriiiiiiiiiiiiing!!!!!!" I groaned sabay higa sa kama ko.
"Tama, nakakabagot dito sa loob ng dorm!" dagdag naman ni LA na kasalukuyang nakahiga rin sa kama which is across my bed.
Lianna Anne Jimenez aka 'LA' as in letter L and letter A is my roommate. Isa siya sa mga ka-dormmate ko since apat kaming puro babae dito sa dorm. All of them are my bestfriends including LA. Si LA ang pinakabata sa amin pero months lang naman since pare-parehas lang kaming 4th year College na. Itong babaeng 'to ay may pagka-slow minsan pero minsan naman ang matured mag-isip. Magulo ba? Sabihin na nating she's a bit weird but she's a good friend so wala na kong reklamo sa kanya.
Narinig ko namang nagbuntong-hininga sa pagka-bagot rin si Ann na siya namang nakaupo sa gilid ng kama ko right at this moment.
Marie Ann Gonzales or simply called 'Ann' is also one of my dormmate and at the same time, bestfriend. Sa tatlo kong bestfriends, siya ang pinaka-maganda. Well, simple lang siya pero makikita mo ang kagandahan niya sa napakasimpleng ayos lang. Masipag din siya mag-aral pero pagdating sa math, mahina siya. Well sa totoo lang, mahina silang tatlo sa math. Ako lang ata ang ubra sa math sa aming apat. NBSB din 'tong si Ann. Ewan ko ba, di ata naniniwala sa love 'tong babaeng 'to eh.
"Hmmmm... bakit di tayo maglaro? Pampalipas oras?" narinig ko namang nagsalita si Ivy na siya namang nakaupo sa kam ni LA.
Ivy Andres is the last girl to complete my group of friends. Siya ang pinaka-palaban sa aming apat. May makasakit lang na ni isa aming tatlo, di siya magdadalawang-isip na sugurin kung sino man yun. Straight-forward din yan makipag-usap at iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Mahilig din yan sa mga gwapong lalaki. Well, maganda naman siya at siya rin ang maraming experience when it comes to boys. Marami na siyang naka-date and take note, lahat yon gwapo. O di ba? Siya na! Honestly, I don't like that attitude of him pero mas tiningnan ko na lang ang mga nagustuhan ko sa kanya kaysa sa ayaw ko. Mabait naman siya at malasakit pa kaya ko nga siya napiling maging kaibigan eh.
Napabangon naman ako sa suggestion niya, "Laro? Ano namang klaseng laro?" tanong ko.
"Ewan. Ano bang gusto niyo, girls?" -Ivy
"Truth or dare." nakangiting sabi ni LA nang mapaupo siya sa kama niya.
Napatingin naman kaming tatlo sa kanya. Napangiti naman siya, "Let's play truth or dare."
"Truth or dare? Hindi ba parang ang common naman na nun? Bakit hindi na lang 'dare game only'?" -Ann
"What do you mean by 'dare game only'?" I asked.
BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Fiksi Remaja“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”