Lesson 8: Caught!
Jill's POV
"Nasaan na ba si Ann? Bakit ang tagal naman niya?" tanong ni Ivy habang kasalukuyan kaming naghihintay sa labas ng classroom ni Ann.
"Ewan." matipid na sagot ni LA, sabay iling.
Sabay biglang vibrate ng phone ko. Baka si Ann na 'to, sana. Pagkalabas ko ng phone, bumungad agad ang pangalan ni Ann sa screen. "Oh! Nagtext na si Ann."
to: Jill
Uy, sori. Nag-OT pa kse prof ko. Una nlng kayo. Su2nod nlng ako after ng class ko. Pkisabi nlng kla Ivy at LA. Tnx!
from: Ann
After I read Ann's message, I faced them. "Una na daw tayo. OT pa daw sila eh." Tumango lang sila at pumunta na kaming tatlo sa canteen.
Pagkadating namin sa canteen, siya naman ding dating ng ExO. Halos magkasunuran lang kami. Mas nauna lang kami ng konti. Hinanap agad ng mga mata ko si Lance. Wala siyang hawak na kahit anong papel.
Napabuntong-hininga na lang ako at napayuko dahil sa disappointment.
"Ano na naman ang ibig sabihin ng buntong-hininga mo, te?" narinig kong tanong ni Ivy.
Umiling ako, "Wala. Gutom lang 'to. Kaya lang kelangan pa natin maghintay kay Ann." I lied.
"Sinungaling!" sabat ni Ivy. Napaangat ang ulo ko at tumingin sa kanya. "Ano kamo?"
"Tungkol yan sa target mo, tama?" nakangising tanong niya.
Tila lalo tuloy akong nanghina. I let out a sigh, "Parang matatalo na ata ako sa dare natin." mahinang bigkas ko.
"Eh di mag-ready ka nang magsuot ng bikini and run around the campus." sabat ni LA.
Mabilis akong umiling, "No way! Hindi ako susuko. Mahaba pa naman ang panahon. Kaya ko 'to, kakayanin ko 'to!"
"Good luck sa'yo!"
Lance's POV
to: Lance
This is another letter for you again, Mr. Choi! Nakita kitang nag-smile for the first time kahapon. I'm glad to see that my tip #1 is working on you. So, there is another tip for you...
Tip #2: Talk to others calmly, without frowning. Tandaan, bawal ang nakasimangot. Sabi nga ni Ryzza, bawal ang sad dapat laging happy! :D
from: Love tutor
Ito na naman. I received another letter from I don't know who. Pangatlo na 'to pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakilala saken.
Mabilis ko itong ipinasok sa bulsa ko. Baka mamaya mapansin na na naman ni JP and also my other members. Mukhang wala namang nakapansin and that's a relief.
"Kuya, tara na!" tawag saken ni JP sabay lapit saken.
"I already told you not to call me by that anymore." ang kulit, sinabi nang ayokong tinatawag na 'kuya' eh. Nakakairita.
"Pero mas matanda ka saken eh."
"I don't care." I said to him. Nauna na ko sa kanila maglakad. Kalahati pa lang ng araw, binabadtrip na ko. Masyado na nga kong ginugulo ng sulat na natatanggap ko, nakisabay pa tong si JP.
***
"Hindi pa ba tayo oorder?" I asked impatiently. Kanina pa kami nakaupo dito pero wala pang nagkukusang unorder ng pagkain namin.
"Since you mentioned it already, bakit hindi na ikaw ang umorder?" Skyler answered.
Napataas ako ng kilay and was about to shout at Skyler nang bigla akong mapatigil. Ewan ko ba pero parang bigla ko na lang naisip na magpigil.
BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Roman pour Adolescents“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”
