Lesson 7: 3rd Letter

1.7K 18 0
                                    

Author's Note:

Sooooooooooooorry po! Pagpasensyahan niyo na po ang matagal kong pagkawala. Sobrang busy ko lang po talaga. Kung busy po ako dati, MAS busy po ako ngayon. Mas marami po kasi akong major ngayong sem kaya pagpasensyahan niyo na ang super bagal kong update. I'll try my best to update as soon as possible kapag nagka-time po ako. I hope my readers will understand my situation. AND sobra po akong nagpapasalamat sa inyo dahil kahit papano may naghihintay pa rin saken para mag-update ako ng bagong chapter. Masaya rin sa pakiramdam dahil nadadagdagan pa ang mga taong nagbabasa ng story na 'to. MARAMING SALAMAT po talaga. Enjoy niyo na lang po ang chapter na 'to, pambawi lang. XD

-k26
__________________________________________________________________

Lesson 7: 3rd Letter

Lance's POV

to: Lance

Confuse ka, tama ba? I can see it based on your expression when you received my first letter. At ngayon, gumawa pa ulit ako ng isa pang sulat. So, anong iniisip mo ngayon Lance? Let me guess. Iniisip mo kong sino ako diba? Well.. hindi mo naman na kailangan alamin pa yun eh. Hindi naman ako importanteng tao. I just want to help you.

Tip #1: Always show your smile to others or at least smile once in a day. Remember, makakabuti yan sayo! ^____^V

from: Love Tutor

Napakunot ako ng noo after I've read this another mysterious letter. Hindi ko alam and I don't have any idea kung kanino nanggagaling ang mga sulat na natatanggap ko.

I was back on reality just when I heard someone approached me. It was JP. "Ano yan?" pinilit niya pang silipin ang hawak kong papel. Mabuti na lang at mabilis kong naipasok sa bulsa kaya sigurado akong wala siyang nakitang kahit anong nakasulat doon.

"It's nothing important." mabilis kong sagot sa kanya.

Napansin kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Sigurado ka? Ganyan din yung nakuha mong papel yesterday at sa locker mo din yun galing. Ano ba talaga yan? Love letter?"

Medyo napalakas pa ata ang boses ni JP kaya naman pati ang iba napatingin na rin sa direksyon ko.

"Nakatanggap ka ng love letter? Wow! Napaka-tapang naman ng babae na yan para bigyan ng love letter ang dakilang cold-hearted na si Lance Roscoe Choi." pang-aasar ni Kurt. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Chill, bro! Nagbibiro lang ako." agad naman niyang sabi.

"This is NOT a love letter, okay? Umalis na tayo, pwede?" sabi kong naiinis.

"Eh ano ba kasi talaga yan?" Carl asked.

"Nothing important." yan lang ang isinagot ko bago ako tuluyang magsimulang maglakad papuntang canteen.

Alam kong naku-curious sila sa sulat na hawak ko kanina. Pero kahit naman ako, ganon rin. Ni wala akong idea kung saan nanggagaling ang mga sulat na yon pati kung paano napupunta yun sa loob ng locker ko.

Alam kong gusto magtanong ng mga ka-members ko pero dahil siguro kilala na nila ako na hindi ko sasagutin ang tanong nila, pinili na lang nilang wag na magtanong. Instead, sumunod na lang sila saken sa paglalakad.


Jill's POV

Nandito na kami ngayon ng mga kaibigan ko sa canteen, naka-order na rin kami pero ni isang member ng ExO wala akong makita. Yung totoo? Wala pa silang balak kumain?

Napabuntong-hininga na lang ako sabay umpisa sa pagkain ko. Napansin ko naman na may mga matang nakatingin saken. Ang mga loka, takang-taka na nakatingin saken. Anyare sa mga 'to?

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon