Lesson 27: A Day with ExO Part 1

745 27 6
                                    

Lesson 27: A Day with ExO Part 1

Third Person's POV

Jill ignored Lance's text message. Naisip niyang baka si Lance ang kumuha ng picture ni Dylan na nasa wallet niya. At naiinis siya sa ideyang iyon. Pero sadyang makulit lang ata si Lance ngayon dahil nagsend ulit siya ng message na kapareho lang ng una.

From: Monster-Jerk

Do you have plans for today?

Sa kabilang banda, naghihintay lang ng reply si Lance na kasalukuyang nasa practice room kasama ang ExO. "Kuya, anong reply ni ate Jill?" JP asked him.

"Hindi siya nagreply. Baka busy siya ngayon. Wag na muna natin siyang istorbuhin."

"Then try to call her." Skyler suggested.

"What if she's busy?"

"Kaya nga tawagan mo na para makasiguro ka kung busy siya o hindi." Sumang-ayon naman ang iba sa sinabing iyon ni Skyler.

Wala nang nagawa si Lance. He dialed Jill's number to make a phone call.

On the other hand, Jill's phone keeps on vibrating on the dining table. The screen says, Monster-Jerk is calling...

She rolled her eyes on the sight of her phone. She still ignores it until her phone finally stopped vibrating.

But after a few seconds, her phone vibrated again. But Jill stayed still, not answering the phone call from Lance. Her friends went curious. "Sino ba yang tumatawag?" Ivy was about to look on her phone screen but Jill hide it too fast. "Wala lang ito." And the phone stopped vibrating.

"E bakit hindi mo sinasagot?" Ann asked.

"Tumigil na kasi sa pag-vibrate kaya hindi ko na kailangan sagut-" and the phone vibrates for the third time. Automatic na napahinto siya sa pagsasalita nang tingnan niya ang screen ng cellphone niya. He's calling again.

LA looks at her. "Ayan na, tumatawag ulit. Sagutin mo na." Tinitigan lang ni Jill ang phone niya.

"Ako na ang sasagot kung ayaw mong sagutin." Ivy told her.

Agad siyang napailing sa sinabi nito. "H-hindi. Ako na lang. Excuse me.." Tumayo na siya at naglakad palayo sa mga kaibigan bago sagutin ang tawag ni Lance.

"Ano ba! Bakit ka tumatawag?" Medyo hininaan niya ang pagsasalita bilang pag-iingat na baka marinig siya ng mga kaibigan niya.

Tahimik lang nung una sa kabilang linya hanggang sa nagsimula ng mag-ingay. Maraming boses pero ni isa sa mga iyon, walang boses ni Lance.

"Come on, tell her now."

"Just ask her."

"Bilis na!"

"Tanungin mo kasi."

Yan lahat ang naririnig ni Jill mula sa kabilang linya.

"Anong nangyayari diyan?" Jill asked the other line. Narinig pa niyang bahagyang nagbuntong-hininga si Lance bago ito sumagot. "Gusto ka nilang makilala. They wanted to hang out with you today."

Natahimik ang dalaga. Para bang ayaw magsink-in sa utak niya ang mga sinabi ni Lance mula sa kabilang linya. "Jill, nandiyan ka pa ba?" Tanong pang muli ni Lance.

Pinilit ni Jill na magsalita. "Paano kung mabuking tayo kapag pumayag ako sa gusto nila?"

Tiningnan saglit ni Lance ang mga kaibigan bago sagutin ang tanong ng dalaga. "Don't worry, I won't let that happen. Akong bahala."

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon