Lesson 15: Misunderstanding

1K 19 0
                                    

Sorry sa matagal na pag-update. Nabaliw lang ako at nakaligtaan ko itong story na ito. Hahaha. Forgive me~

____________________________________________________

Lesson 15: Misunderstanding


Jill's POV

I cried and cried until there's no more tears flowing anymore. Halos mag-iisang oras na rin pala ang lumipas. Ngayon ko lang napansin.

Inaayos ko na ang sarili ko bago ko tuluyang nilisan ang abandonadong lugar at naglakad papunta sa dorm.

Marahan at banayad kong binuksan ang pinto ng dorm namin para maiwasang gumawa ng ingay. Hanggat maaari ayokong makita ako ng kahit isa sa mga kaibigan ko.

"Sa wakas, dumating ka na rin!" Halos mapatalon ako sa gulat ng salubungin ako ng boses ni Ann. But still, I didn't let myself to react on that. Nanatili akong kalmado at nagkunwaring hindi siya narinig habang ipinapagpatuloy ang paglakad.

"HOY, BABAE!" This time, si Ivy na ang nagsalita. Well, she actually shouted at me. Sa pagkakataon ito, talagang literal na napatalon ako sa sobrang gulat.

Nilingon ko siya. Nasa magkabilang side niya si Ann at LA. "Oh?"

Nagsimulang maglakad palapit sa akin si Ivy. Tumitig siya sa mukha ko kaya mabilis akong napaiwas ng tingin sa kanya. Ayokong makita niya ang namumugto kong mata.

"Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?" Agarang tanong niya pero agad din ang pagsagot ko. "Hindi."

Naramdaman ko na lang bigla ang paghawaka niya sa baba ko sabay angat niya niyo para makita ng mabuti ang mukha ko. "See? Ang pula ng mata mo, Jill."

Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa baba ko at saka ako yumuko. "Wala ito. Wag mo na lang pansinin. Pagod na ako. Gusto ko nang matulog."

"Wag mong sabihing si Lance ang may kagagawan ng pag-iyak mo?" Ayaw pa ring tapusin ni Ivy ang usapan na ito habang ang dalawa ko pang kaibigan ay tahimik lang at nakikinig sa usapan namin.

This is why I don't want her to see my face. At least not right now, not in this kind of situation. She's starting to overreact.

"Hindi. Wala siyang ginawa sa akin." I replied to her question.

"Wag mo siyang ipagtanggol. Siya lang naman ang huli mong nakasama kaya siya lang ang pwedeng magpaiyak sa'yo. Dito lang kayo, I'll go and talk to him." Aktong aalis na siya, mabuti na lang at napigilan ko agad siya gawa ng paghawak ko sa braso niya.

Matama niyang tiningnan ang kamay kong nakahawak sa braso niya bago niya muling ibinalik ang tingin niya sa akin. But I spoke up first, "Sinabi ko na sa'yo, WALA siyang ginawa sa akin so don't bother him."

"Stop. Sundin mo na lang ang sinabi niya, Ivy." Mabuti at sumali na rin sa usapan si LA. "Tama si LA, Ivy. And Jill, kumain ka muna bago ka magpahinga." Ann also joined.

Binitawan ko na ang pagkakahawak kay Ivy. Umiling ako. "Ayokong kumain. Gusto ko na magpahinga't matulog. Goodnight." Yun lang at naglakad na ako hanggang sa marating ko ang kwarto namin ni LA.

"Ako rin matutulog na. Goodnight, Ivy and Ann." Narinig ko pang sinabi ni LA at sumunod na sa akin.

***

Mabilis ang pagsikat ng araw. Medyo mapula pa rin ang mga mata ko dahil tumuloy pa ulit ang luha ko kagabi habang nakahiga sa kama. Minabuti kong wag gunawa ng ingay para hindi marinig ni LA. I'm hoping that she didn't hear anything last night.

Gumamit ako ng eyeglasses maitago lang ang namumugto kong mata. Pero baliwala rin pala dahil napansin pa rin ng mga kaibigan ko iyon.

"Pagkatapos mong umiyak, magsusuot ka ng salamin para itago yang mugto mong mata ha?" Sarkastikong bungad sa akin ni Ivy pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto namin ni LA.

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon