Lesson 22: Trouble

687 22 2
                                    

Lesson 22: Trouble

Third Person's POV

"Ate Jill!"

Rinig ang bulong-bulongan sa buong corridor dahil sa pagtawag na iyon ni JP. Karamihan ay napasinghap sa gulat. Ang iba nama'y napatigil sa kani-kanilang ginagawa. Ito ang una, unang beses na may tawaging 'ate' si JP sa school nila.

On the other hand, Lance stared at his friend with wide eyes. He was completely shocked by JP's sudden behavior. Nakangising tiningnan lang siya ni Skyler. Bahagya siyang napalunot sa reaction nito sa kanya. *Damn you, Skyler Kim!*

"Ate Jill! Ate Jill!" Sa pangalawang pagkakataon, tumawag muli si JP. Sandaling napapikit si Jill bago tuluyang harapin si JP at ang lahat ng myembro ng ExO.

Jill's friends were just staring at her, not knowing what to do. They're worried and badly wants to help but they just don't know how.

Naglakad na si JP papunta kay Jill. Sumunod na rin si Skyler kaya ganon na rin ang ginawa ng iba. Naiwan lang si Lance na nakatayo sa di kalayuan. Pinanood niya lang ang mga kaibigan na lapitan si Jill.

"OMG! Sino ba yang tinatawag na ate ni JP?"

"Si Yanira Jill Mendoza yan di ba?"

"Wait! Si Mendoza? You mean the top scholar Yanira Jill Mendoza?"

"Mukhang siya nga. Look, they're approaching her."

Lahat yan, maririnig na usap-usap sa corridor.

Jill bit her bottom lip when ExO was already in front of her. "Good morning, Lance's bestfriend." It was Skyler. He said it loud enough to make all the students hear it.

Muling napuno ng bulong-bulongan ang buong paligid. Lahat sila'y napalingon sa direksyon ni Lance.

Jill stared at Skyler in disbelief while Lance remains on his spot. Napasimangot si Jill sa inasal ng binata. *Bwiset na halimaw ito! Wala ba siyang balak tulungan ako? Kainis!*

Ilang segundo pa ang pinalipas ni Lance bago siya nagpasyang lapitan ang dalaga. "Class will start soon. Kailangan na niyang pumunta sa klase niya. Come on, we also have our own classes, remember?"

Jill nodded in agreement. *Tama!*

Skyler also nodded. "Okay. Let's see each other again on lunch break, Lance's bestfriend." He smiled sweetly, emphasizing the last word.

Jill just stared at him. *Ano bang problema ng lalaking ito? Hindi pa rin ba siya convince sa ginawa naming palusot ni Lance? Seryoso?*

"Bye, ate Jill! Sana makapagkwentuhan na tayo next time." JP waved at her before ExO completely leave the scene. Bahagyang nakahinga ng maliwag si Jill nang makaalis ang ExO sa harapan niya. Pero bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa paligid hanggang sa napansin niyang lahat ng estudyanteng naiwan ay nakatingin sa kanya.

Nanlaki ang mata niya dahil sa titig ng mga ito. Malibis niyang nilingon ang taylong kaibigan. "LA, Ivy, Ann, tara na! Dali!" She shouted as she run to her first class. Her friends took a few seconds before they followed her.

Si Ann lang ang naiwan na kasama niya dahil magkaklase sila sa unang klase. Saktong pagkadating nila ay siya namang pasok rin ng teacher nila.

Mabilis ang paglipas ng oras na halos hindi na namalayan ni Jill. 3rd class na pala ang susunod. Oras na para magkita muli sila ni Lance.

She took a deep breath before entering the classroom for Mathematics class. Surprisingly, nauna si Lance sa pagdating sa kanya. Kadalasan kasi laging siya ang nauuna dito.

Magkahalong kaba at inis man ang nararamdaman, pinilit niyang maglakad papunta sa upuan niya katabi ng upuan ni Lance.

Pagka-upong pagka-upo pa lang ni Jill, tumuon na ang atensyon ng mga kaklase niya sa kanilang dalawa ni Lance. Maririnig ang medyo may kalakasang bulong-bulongan sa loob ng classroom. Usap dito, usap diyan. Lahat ng estudyante, sila ang topic.

Natahimik lang ang lahat nang biglaang tumayo si Lance sa kinauupuan niya. Hindi niya na natiis ang ingay sa loob ng silid. Masyado na siyang natutulili sa ingay ng mga kaklase.

Maging si Jill, natigilan din sa ginawa ni Lance. Halos mapatalon pa siya sa kinauupuan nang biglang hawakan nito ang kanyang braso at hatakin palabas ng classroom.

Lahat ng naiwan na estudyante ay pare-parehong nagulat sa nangyari. Wala silang ibang nagawa kundi ang sundan lang ng tingin ang paglabas nina Jill at Lance.

Jill's POV

"Ano ba! Saan mo ba ko dadalhin?" Nakakainis itong halimaw na ito! Bigla-bigla na lang nanghahatak. Wala lang man pasabi. Ang seryoso pa ng mukha nito. Nakakatakot tuloy bigla.

Agad kong napansin ang mga estudyanteng nadadaanan namin. Lahat sila halatang gulat na makitang magkasama kami ni Lance. Hello, hindi ko naman kaya ginusto ito! Kung pwede lang makipagpalit ng kalagayan, ginawa ko na. Pero no choice e.

"Lance.." Mahina lang ang pagkakatawag ko sa kanya dahil maraming atensyon ang nakatuon sa amin. Pero snob ang lolo niyo. Ayaw pansinin ang beauty ko. Kaloka! Lalo daw bang higpitan ang pagkakahawak sa braso ko? Ang sakit kaya!

"Lance, masakit na." I told him. Mabuti ng alam niya. Pero dedma na naman ako. Hindi niya ako pinansin pero naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa akin. Tiningnan ko siya pero diretso lang ang tingin niya habang patuloy pa rin ang paghatak sa akin.

Namalayan ko na lang nasa rooftop na pala kami. Binitawan na rin niya ko sa wakas. Medyo namula pa nga yung braso ko e.

Nakasimangot kong hinimas ang braso ko. Nakakainis! May bakat tuloy na pula.

"I'm sorry. I didn't mean to hurt you." Agad akong napatingin sa kanya. Totoo ba yung narinig ko? Nag-sorry talaga siya sa akin?

"Are you for real? Si Lance Roscoe Choi ba talaga ang kaharap ko ngayon? You're apologizing? Seryoso? Walang halong biro?"

He rolled his eyes. Umupo siya sa bench sa may malapit sa amin. Medyo natatawa-tawa pa ko nang sumunod ako sa kanya.

Muli kong hinimas-himas ang braso ko nang makaupo ako sa tabi niya. Medyo makirot pa kasi.

"Is it hurting that much?" He asked.

I shook my head. "Hindi naman na masyado. Keri ko na ito." I smiled.

Napansin kong parang natahimik siya. Parang natulala ata sa beauty ko. Chos! Binalikan ko siya ng tingin kaya bigla siyang nag-iwas ng tingin.

"Bakit pala bigla-bigla mo na lang ako hinila papunta dito?"

"Nakakainis na kasi doon sa loob ng classroom. Alam ko namang tayo ang pinag-uusapan ng mga kaklase natin e. They're pissing me off."

"Yon naman pala e. Ikaw yung naiinis, pero bakit pati ako isinama mo dito? Pwede ka naman umalis na mag-isa. Lalo lang lalaki ang problema sa ginawa mo e."

Natigilan siya sa sinabi ko. Natameme ang halimaw! Ano ka ngayon? Ha!

"Kitams? Hindi ka makasagot. Tama kasi ang sinabi ko. Naku!" Iiling-iling kong sabi sa kanya. Aasarin ko pa sana siya pero biglang nahagip ng mata ko ang relong nakakabit sa braso ko.

Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung anong oras na. "OMG! Almost 15 minutes na tayong late! Alis na ko!" Tumayo na ko at aalis na sana nang maramdaman kong may malambot na bagay na kumapit sa kamay ko.

I looked back and I realized it was Lance's hand that held my hand. Yes, my hand and not my wrist.

I looked at him as I raised an eyebrow. My expression was questioning him why he did that. Just when I was about to finally ask him, he spoke first.

"Stay.."

____________________

I need more feedbacks para naman ma-motivate akong mag-update =)

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon