Lesson 24: Lunch Together

607 18 4
                                    

Lesson 24: Lunch Together

Jill's POV

I blinked a couple of times when I saw Lance. I just stared at him with my mouth a little hang open.

He sat on the space next to plastic bag he was holding earlier. Kinuha niya iyon at inabot sa akin. He raised an eyebrow.

"Lance.." Finally, I can managed to speak. Nakakagulat naman kasi.

He frowned. "Wala ka bang balak kunin itong inaabot ko?"

My gaze went down to the one he was holding. "Uh.. Sorry." I took it from him. "Bakit dinalhan mo pa ako ng pagkain?"

Nagkibit-balikat siya. "Because you're hungry?" He replied with questioning tone. Sumimangot ako as I looked at his face again.

He looked away and cleared his throat. "Ayokong sisihin mo ako kapag nagkasakit ka dahil sa nalipasan ka ng gutom. Dahil pag nagkataon, your friends will blame me for sure."

"Hala! Oo nga pala. Muntik ko na silang makalimutan. Baka hinahanap na nila ako ngayon." I pulled out my phone and was about to call them when Lance stopped me.

"You don't have to worry about that. I already told them about this." He told me. I raised an eyebrow. "Seryoso? Ang bilis mo naman nakabalik dito?"

He simply shrugged.

"E paano yung mga kaibigan mo?"

"I also told them."

"Weh? Di nga? Hinayaan ka lang nila? Ang bilis naman nilang pumayag."

Again, he answered me a simple shrug.

"Anong eksaktong sinabi mo sa kanila?" Nakakapagtaka naman kasi talaga. Parang sobrang bilis niyang nakabalik. Parang kani-kanina lang siya umalis tapos nandito na ulit siya? Ano siya? Alien na marunong mag-teleport? Matteo Do ang peg?

"I told them that I want to spend my time with you alone. Ano? Okay na ba? Pwede na ba tayong kumain?"

Parang kusang umurong ang dila ko dahil sa sinabi niya. Ano ba kasing pinagsasabi nito? Nakakaloka!

"Iniisip din naman nilang mag-bestfriend tayo kaya hindi ko na kailangan mag-explain pa sa kanila." He added.

I don't know why. But I felt disappointed by what he said. Hay naku! Ano ba itong nararamdaman ko? Naaabnormal na ata ako.

"Tama ka.." I whispered as I open the box of food. "Alam mo," I trailed off as I get the spoon and fork from the plastic bag. "Pwede ka namang sumabay kumain sa mga kaibigan mo kaysa sa akin."

He open his box of food just like I did. "I like to eat here anyway. Mas tahimik dito kaysa doon."

I nodded in agreement. "True." I said as I munch up the food.

"Now, quit talking. Just eat."

I glanced at him. Kumakain na rin siya. Tahimik lang. Kaya tumahimik na rin ako at nag-focus na lang sa pagkain ko. Nanatili lang kaming ganon sa loob ng ilang minuto, tahimik habang kumakain.

"Haaaay, busog na ko. Salamat sa pagkain." I smiled.

Tinanguan niya lang ako. Walang kahit anong salitang lumabas sa bibig niya.

I looked at him and smiled again. He frowned as he stared at me. Napasimangot na rin ako. "Bakit?"

"May dumi ka sa mukha." Sabay turo sa may mukha ko. Napayuko ako bigla dahil sa hiya. Nakuha ko pang makipagtitigan sa kanya. Nakakahiya!

"Asan ba yung tissue?" Medyo gahol kong hinanap ang tissue sa plastic. Pero dahil medyo natataranta ako, parang nabulag pa ata ako. Wala akong makitang kahit anong tissue. Ano ba naman! Ang fail ko talaga.

"Ito oh." I saw him holding a tissue.

Itinaas ko na ang kamay ko para sana abutin ang tissue'ng hawak niya. Pero halos manigas ako sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya. Siya na mismo ang nagpunas ng dumi sa mukha ko. Ang masaklap pa, sa may bandang gilid pa ng labi ko yung dumi. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig lang sa kanya. Napakalapit ng mukha niya. Ngayon ko lang siya natitigan ng maayos. Napakaamo ng mukha niya habang patuloy pa rin sa ginagawa niyang pagpunas ng dumi sa gilid ng labi ko.

"Ayan. Malinis na." Inilapag na niya ang tissue. Pero ako? Heto, hindi pa rin makagalaw. Hindi ko na maalis ang mga titig ko sa kanya. Para na akong tanga.

Kriiiiiing! Kriiiiiiing!

Kung hindi pa tumunog ang bell, baka nasiraan na ako ng bait. Baka natunaw na itong kasama ko dahil sa mga titig ko. Salamat sa bell at nakabalik na ako sa realidad.

He looked up. "It's time to go back."

I nodded. "O-oo nga."

"Mauna ka na. I'll follow afterwards. Hindi pwedeng may makakita sa ating magkasama." He told me. Tumango lang ako bilang sagot bago tuluyang iwan siya doon.

I placed my palm on my chest to observed my heartbeat. Parang sasabog ang puso ko anytime dahil sa sobrang bilis ng tibok. Unti-unti kong pinakalma ang sarili ko habang naglalakad pabalik ng klase.

Maya-maya, bumalik na rin sa normal ang pagtibok ng puso ko. Haaaay, bakit ba nagkakaganito ang tibok nito? Mamamatay na ba ako? OMG! Hindi pa ko handa.

I went back to my Mathematics class. Kinuha ko muna ang naiwan kong bag bago pumunta sa susunod na klase.

As I was in the middle of the way to my next class, I accidentally bumped to someone. I'm still preoccupied that I couldn't focus on walking. I have two books in my hand and it both dropped on the floor because of the impact.

Umupo ako para sana kuhain ang mga librong nalaglag ko pero naunahan na ako ng taong nabangga ko. "Ito na. Next time, watch your way." He handed the books to me.

Dahil hindi pa rin gumagana ang utak ko ng maayos, nakayuko ko iyong kinuha sa kanya. "Salamat."

"See you later." I heard him whispered to me before he passed by me. See you later daw?

Mabilis kong nilingon ang lalaking nakabangga ko. It was Lance. I just watched him walked away, dumbfounded. Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

I felt my phone vibrated. I was surprised to see that Lance texted me. Alam niyo na, parang kani-kanina lang nagkabanggaan kami tapos nagtext naman siya ngayon?

From: Monster-Jerk

See you later in our session.

I smiled upon reading his text message. Binalik ko na yung phone ko sa bulsa at nagpatuloy sa paglalakad.

I can't wait for the class to end.

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon