Lesson 11: Detention

1K 23 0
                                    

Lesson 11: Detention










Jill's POV





Class dismissal na sa wakas. Pero hindi pa rin ako makakapagpahinga. Nasa rules kasi ng school na kapag na-late ka, may detention ka. At dahil nga sa kamalas-malasan ko kaninang umaga, na-late ako. Bwiset na Lance kasi iyon eh. Minamalas ako ng dahil sa kanya.





Buti pa sila Ann, nakabalik na sa dorm namin. Samantalang ako, naiwan dito mag-isa. Wala naman akong balat sa puwet pero ang malas ko ngayon.





I headed to the office. Ano kayang detention ngayon? Sana madali lang at nang matapos ko agad.





I politely bowed as I entered the office. The head in the office was there. Mukhang inaasahan niyang may darating pero parang nagulat siyang ako ang pumasok sa loob ng office.





"Oh! Ms. Mendoza, what brings you here?" She asked me. Okay, kilala niya ako. Top scholar kasi ako kaya kilala na ako ng mga teachers and staffs dito sa school.





"I'm here for my detention po, Ma'am."





"Why? Did you came late this morning in your class?"





I nodded. "Yes, Ma'am."





"Please take a seat, Ms. Mendoza." I did.





"This is the first time I saw you here. Hindi ikaw yung tipo ng estudyante na male-late lang ng basta-basta. I know that you have a valid reason, am I right?"





I nodded once again. She smiled at me. Woah. Hindi kaya ika-cancel na niya yung detention ko? Sana...





"But," narinig kong mula siyang nagsalita. Napaangat ang ulo ko sa kanya. "I will still give you a detention to be fair to all the students here. No excuses kahit na alam kong masipag kang estudyante."





Agad napawi ang saya ko. Akala ko pa naman wala nang detention, meron pa rin pala. Tumango na lang ako, "I understand."





"So now, go to the gym and clean the whole area." She commanded.





I forcedly nodded and bowed before leaving the office. Wala eh, no choice talaga. Dumeretso na ako sa gym para mapabilis na ang paglilinis. At nang makapagpahinga na rin ako sa dorm.





Nang makarating ako sa gym, una kong hinanap ang mop para linisin ang sahig. Mabilis ko naman nakita kung nasaan ang mga ito. Nasa may bandang sulok lang ng gym iyon kaya mabilis ko itong nakita. Pagkatapos ng mop, timba naman ang sinunod ko. Nasa hindi kalayuan lang ng mop nakalagay ito kaya hindi na ako nahirapan pa.





Kumuha ako ng tubig gamit ang timba para gamitin sa paglinis ng sahig. May malapit namang gripo sa gym kaya mabilis akong nakapagsimulang maglinis. Nag-mop ako simula sa unang dulo papunta sa kabilang dulo. Pero sadyang napakamalas ko, may epal na naman kasi. Biruin mo ba naman, sa lawak nitong gym, hindi lang isang oras ang kailangan para tapusing linisin ito. Patapos na kasi dapat ako eh, may umepal lang talaga.





Nakakagalit talaga. Nakakapang-init ng ulo. Sino ba naman kasing matutuwa kung biglang may sumipa doon sa timbang may lamang tubig? Kung di ba naman siya siraulo eh! Naglawa tuloy dito sa gym. Asar naman oh!





"Ano ba?! Ano bang prob-" kusang huminto ang bibig ko sa pagsasalita nang makita ko kung sino yung tao gumawa non. It was him, the monster-jerk in my life, Lance.





Tumaas ang isang kilay niya. "May sinasabi ka?"





Parang ewan na umurong ang dila ako. Napaatras ako bigla. Kahit kailan talaga, may takot pa rin ako sa kanya.





"Bakit hindi ka nagrereply sa akin kanina?" Medyo mahina pero rinig ko pa rin dahil na rin sa dalawa lang kaming tao dito sa loob at dahil kulob rin ang gym. Kahit mahina ang boses, maririnig mo pa rin.





"A-ano k-kasi... Ah.. Ano.. M-medyo b-busy kasi ako k-kanina.." I shuttered.





Lalong tumaas ang isa niyang kilay. "Busy? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na sagutin mo ang mga tawag ko kahit na busy ka pa?" Medyo napalakas na ang boses niya this time.





"Pero hindi naman iyon tawag, text kaya iyon." Bigla na lang yan lumabas sa bibig ko. Pahamak talaga itong bibig ko eh. Ano ba naman!





Tumingin siya ng masama sa akin. Sabi ko nga hindi na dapat ako nagsalita eh. "A-ano... Joke lang iyon. Ang ibig kong sabihin, sorry kasi hindi kita nareplyan kanina. Pero PROMISE! Magrereply na ako sa'yo next time." Tapos pinilit kong ngumiti sa kanya.





Nakita kong kumunot ang noo niya. Nawala tuloy bigla ang ngiti ko. I cleared my throat, "Ano pa lang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Siguro may detention din ito. Nawala na rin kahit papaano ang takot ko sa kanya. Mukha naman kasing natural lang na ganon ang itsura niya kapag nagsasalita siya.





"Hindi naman tayo close para magtanong sa akin ng ganyan." Aba talaga itong lalakong ito ah! Namumuro na ito sa akin ah. Aish!





I rolled my eyes at itinuloy na lang ang paglilinis. Kaysa naman kausapin ko pa itong taong ito. Maaaksaya lang ang oras ko.





Kaya lang bigla ko naman napansin ang paglakad niya palapit sa akin. Napahinto ako sa ginagawa ko at napaangat ang ulo sa kanya.





He pointed his pointed finger to me. "Don't ever try to escape from me dahil mabibigo ka lang. Kahit saan ka pumunta, magkikita't magkikita pa rin tayo. Always remember that." Sabay siya tumalikod sa akin at nagsimula nang maglakad palayo.





I made a face bago ipagpatuloy ulit ang ginagawa kong paglilinis. Pero sa sandaling katahimikan, bigla na lang gumawa ng ingay ang tiyan ko. Napapikit ako at napahawak sa tiyan ko dahil sa kahihiyan. Bakit kasi ngayon pa?





Napahinto tuloy sa paglalakad si Lance. Isa pa ito, ang bagal maglakad eh. Imbis na wala na sana siya dito, eh di sana hindi niya narinig iyon. Nakakahiya.





Pagtingin ko sa kanya, nakangisi siya. Sinasabi ko na eh. Epal talaga siya kahit kailan sa buhay ko. "Yan ang napapala mo sa pagtakas sa akin kaninang lunch break." Oo mister, ang laking tulong ng sinabi mo! Arghh!





I bit my bottom lip. Kahit pa naiinis ako sa kanya, nakakahiya pa rin. Pero bigla na lang may umangay ulit na tiyan. But this time, hindi na galing sa akin. Sigurado ako don.





Napatingin ako sa kanya, napaiwas siya ng tingin habang nakahawak sa tiyan niya. Hindi ko na kinaya kaya tumawa ako ng malakas.





Tiningnan niya ako ng masama. "Stop that!" Pero lalo akong natawa kasi namula bigla yung mukha niya.





"ANO BA?! SINABI NANG TUMIGIL KA SA PAGTAWA DIYAN EH!" Hala!





Natinag ako sa sigaw niya. I cleared my throat. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis. Namuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.





"So.. Hindi ka rin nakakain ng lunch mo?" May pag-aalinlangan sa boses ko pero anong magagawa ko, umatake na naman ang pagiging curious ko eh.





Hindi niya ako sinagot. Naglakad na lang siya bigla palayo sa akin. Ewan ko pero natagpuan ko na lang ang sarili kong sinundan siya para pigilan. "Teka!"





He looked at me, nakataas ang isang kilay. "A-ano.. Sarado na ang canteen kapag ganitong oras. Balak kong lumabas ng campus saglit para kumain pagkatapos ko dito. G-gusto mo bang sumama?" Oo, inis ako sa kanya pero hindi naman ako masamang tao. Kapag alam kong may maitutulong ako, gaawin ko. Concerned lang naman ako sa taong gutom. Tulad ng isang ito.





Tumaas pa lalo ang mataray niyang kilay. Parang babae naman kasi ito. Panay taas ng kilay eh. "Alam mo kasi, masamang hindi kumain. Sasakit yang tiyan mo kapag hindi ka kumain ngayon. Depende kung meron kang pagkain sa dorm niyo. Wala kasing pagkain sa dorm namin kaya ako lalabas. Ano? Sama ka ba?"





Tiningnan niya muna ako sandali bago sumagot. "No." Matipid niyang sagot bago niya ulit ako talikuran.





I made a face. Siya na nga inaalok! Siguro may pagkain yun sa dorm nila. Buti pa siya. Tsk!





Bumalik na ko sa paglilinis hanggang sa matapos ko iyon. "Grabe kapagod!" I whispered to myself habang ibinabalik ang timba at mop sa pwesto nito kanina.





Pero laking gulat ko nang makita ko si Lance paglabas ko ng gym. I frowned. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Ayaw niya sumama, eh di wag. Basta ako kakain. Gutom na gutom na kaya ako.





Kaya lang napahinto ako bigla nang maramdaman kong may himawak sa isang braso ko. Napataas ang kilay ko ng ma-realized kong si Lance pala iyon. "Bakit?"





"I'll go with you."





"Ano?" Nabingi na ata ako sa sinabi niya.





He rolled his eyes. "Bilisan mo na bago tayo masarahan ng gate." Inis niyang sabi sabay ako nilagpasan. Aba! Nauna pa siya sa akin? Ayos ah!





***





"Doon tayo dali!" Turo ko sa isang karenderia na puro laman loob ang tinda. Hindi naman siya kalayuan mula sa school.





Nakita ko na naman ang mataray niyang kilay na nakataas. "Are you out of your mind? Gusto mo kong kumain diyan?"





I rolled my eyes. "Ang arte. Masarap pagkain diyan. Hindi mo pagsisisihan. Tara na dali!" Tapos hinatak ko na siya papunta doon.





"Manang, dalawang order po ng isaw with rice." Sigaw ko kay manang pagkaupo namin. Wala namang nagawa ang kasama ko kundi umupo na lang sa upuang katapat ko.





Maya-maya lang ay dumating an rin ang order namin. "Enjoy your meal." Sabi ni manang pagkalapag niya ng order namin at umalis na rin agad.





"OMG! Ang tagal na rin nung huling kumain ako nito." Nagniningning ang mga mata ko dahil sa takam. Grabe, namiss ko ito!





Sinimulan ko agad ang pagkain dahil mukhang hindi ko na kaya pang tiisin ang gutom ko. Pero nakakaisang subo pa lang ako, napahinto na ako. Ayaw kasi galawin ng kasama kong ito yung pagkain niya.





Tumingin ako sa kanya. "Ayaw mo bang kuamin? Ako na kakain niyan kung gusto mo." Sorry, iba talaga ang gutom ko ngayon.





Kukunin ko na sana yung plato niya pero bigla niyang hinampas yung kamay ko. "Anong ginagawa mo? Don't steal the food that does not belongs to you. Meron kang para sa'yo, yan lang ang kainin mo and don't touch mine." Atsaka niya inumpisahan ang pagkain niya.





Inirapan ko lang siya bago magtuloy sa pagkain ko. Nilingon ko siya. Mukhang nilalasahan pa niya ang kinakain niya.





"Masarap no?" Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Hindi niya ako sinagot. Nagkibit-balikat lang siya atsaka sumubo ulit. I made a face before I continued my face.





8:25pm nang matapos namin ang pagkain. Tumayo na siya. "Tara na bago pa tayo masarahan ng gate." He reminded.





Hindi ko siya pinansin. Tumingin ako sa counter, "Manang, isa pa pong order dito." Sigaw ko. "Okay, coming!" Pabalik na sigaw ni manang.





"Seriously? Hindi pa ba sapat sa'yo ang isang plato? Magsasara na ang school gate ng 9:00pm and it's already 8:30pm. We only have 30 minutes left to go back. I don't want to get caught!" He hissed.





"Eh nagugutom pa ako eh." I whined.





"Whatever! Maiwan ka dito kung gusto mo. Mauuna na ako sa'yo." And with that, he disappeared on my sight.





Saktong pag-alis niya naman dumating ang order ko. Hinayaan ko na si Lance. Pakialam ko ba sa kanya? Nung una naman ayaw niyang sumama eh. Ayoko rin naman siyang makasabay bumalik. Bahala siya diyan. Basta ako kakain pa ulit.





Saktong 9:00pm nang matapos akong kumain. Masyado ko pang inenjoy ang napakasarap na isaw ni manang. Umalis na ako pagkatapos ko magbayad. Mabuti at binayaran na pala ni Lance yung kinain niya kanina. Akala ko, aabonohan ko pa eh.





9:12pm nang marating ko ang harapan ng school. As I was expected, sarado na nga ang gate. Wala naman talaga akong pakialam kahit magsara ang gate, kayang-kaya ko naman gawan ng paraan iyon.





Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Tinanggal ko ang bag na nakasukbit sa likod ko at hinagis papunta sa kabilang bahagi ng school gate. Pagkatapos, ako naman ang umakyat para makarating sa loob.





Ni hindi ako pinagpawisan sa ginawa ko. Nakapasok ako sa school nang hindi man lang nahihirapan. Sa totoo lang, magaling ako sa mga ganitong bagay kaya hindi ko kailangan magpanic kahit magsara pa itong gate ng school.





Pinulot ko na ang bag ko pagkatapos kong ayusin ang uniform ko. Isinukbit ko na ulit ito sa likod ko bago maglakad papunta sa dorm namin. Grabe, nakakapagod ang araw na ito. Madaming nangyari. Hay...

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon