Lesson 21: Weird Lance

747 24 2
                                    

Lesson 21: Weird Lance

Jill's POV

"Paano mo nalamang allergic ako sa seafoods?" Kusa akong napahinto nang tanungin niya ako. Sasagutin ko na sana siya pero bigla na lang...

"Ako ang nagsabi sa kanya." Si Ivy, bigla bigla talaga ang pagsulpot ng babaeng ito.

Lumapit siya sa amin kasabay ng pagtaas ng kilay ng halimaw na katabi ko. "Sino ka naman?" Oh di ba? Ang taray ng lolo niyo. Kaloka!

"Hindi mo ba ako natatandaan? Kaibigan ako ni Jill." Ivy rolled her eyes. Ang taray sin ng isang ito.

"Ivy, ano ka ba.." I whispered to her. Ang kulit e. Baka mamaya topakin pa itong halimaw na kasama ko. Pero bago ko pa man mahatak paalis si Ivy, nag-react na naman si Lance. "Teka nga, paano mo pala nalamang allergic ako sa seafoods ha?"

"Hmmm.. Sabihin na nating marami akong alam tungkol sa'yo, tungkol sa ExO."

"Are you a stalker?" Naku, patay!

"Hindi ah. Fan niyo kaya ako."

Bigla naman akong sinimangutan ng halimaw. "Hi-hindi siya nagsisinungaling! Fan niyo talaga siya. Swear!" I raised my right hand to show him that I'm really telling the truth.

Pero mukhang ang hirap atang paniwalain ng isang ito. Tinaasan pa ko ng kilay. "Naku! Medyo late na pala. Kailangan mo na bumalik sa dorm niyo. Salamat sa paghatid. Bye!" Mabilis kong hinatak si Ivy papunta sa dorm namin. Mahirap na, baka humaba pa ang usapan namin ng halimaw na iyon. Nakakaloka talaga siya!

Lance's POV

"Iwan daw ba ko dito? Ni hindi ko pa nga siya tapos kausapin. Nakakainis talaga ang babaeng iyon!" I watched her back as she leave with her friend.

Hindi ko maintindihan ang nangyari. Bakit alam niyang allergic ako sa seafoods? Bakit pati ang kaibigan niya alam ang bagay na iyon? Ang tagal kong tinago iyon sa lahat. Ni hindi ko lang man agad nalaman na may iba pa pa lang nakakaalam non.

Teka nga, parang nakakapagtaka na.. Una, nag-offer siya para tulungan ako kung paano ma-in-love. Ngayon naman, alam na rin niya ang kahinaan ko. I'm really curious, what's her reason by doing all this? Bakit gusto niya akong tulungan?

"Hindi kaya.. alam na niya?" I shook my head, "Imposible.. Imposible talaga."

I sighed. "Makabalik na nga sa dorm."

***

"Oh! Kuya Lance, anong ginagawa mo dito?" Bigla akong nahinto sa paglalakad nang marinig ko si JP.

Teka.. Bakit parang may mali?

Para makasiguro, nilingon ko si JP. Mas nalito ako nang makita kong kasami din niya wng iba pang members ng ExO-T. "Anong ginagawa niyo dito?" I asked.

Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Kurt. "Dorm namin ito. Natural lang na nandito kami. Ikaw, bakit ka nandito?"

"Sa kabila ang dorm niyo, Lance." Sabi pa ni Luke.

Tiningnan ko ang paligid para i-check. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Mali, mali nga ang pinasukan ko. Ano bang nangyayari sa akin? Masyado na ata akong maraming iniisip.

"Sorry." Nagmadali na akong lumabas dahil sa kahihiyan. Ngayon lang nangyari sa akin ito. Sobra siguro silang nagtaka.

Third Person's POV

ExO-T stared at the closed door in confusion. "Narinig niyo ba yung sinabi niya?" Mike asked others.

"Oo. 'Sorry' daw. That's the first time I hear that word from him." Mark said.

Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon