Lesson 23: Heart Reacts
Jill's POV
"Stay.." I heard him says. It was really unexpected. My eyes went down to my hand that he was holding right now.
Mukhang na-realize naman niya yung ginawa niya nang bigla niyang bitawan ang kamay ko. He looked away as he says, "B-baka masakit pa kasi yung braso mo so I held your hand instead."
I frowned at him. Nakatitig lang ako sa kanya, walang kahit anong lumalabas sa bibig ko.
He looked up to face me. "Just stay.." Magsasalita sana ako pero nagsalita pa ulit siya. "Kapag bumalik ka doon, baka kung anong gawin nila sa'yo. Baka kung ano lang ang sabihin nilang hindi maganda. It's better if you stay here."
I let out a sigh. Kung sa bagay, he has a point.
I occupied the space next to him. "Ngayon mo lang yan naisip?"
He looked at me, confused. "Kung hindi mo ko hinatak kanina at dinala dito, malamang hindi sila maghihinala. Baka isipin pa nilang palabas lang yung kanina sa corridor." I explained.
"You're wrong."
I titled my head to look at him. "Kilala ko ang mga kaibigan ko. Ngayong naniniwala silang mag-bestfriend tayo, they will start approaching you every single day." He added.
"Seryoso?" I gaped at him.
He heaved a sigh. "Mas lalong magiging komplikado ang lahat simula ngayon."
I nodded in agreement. "Sinabi mo pa." I sighed. "Mukhang hindi muna tayo pwedeng bumalik sa klase sa ngayon."
"That will be the best for us. No one can bash you if we stay here."
I stared at him. "What are you staring at?" He asked.
"You know what?"
"What?"
"Kakaiba ka ngayon." I said. "Kakaiba?" He raised an eyebrow.
"Nung unang nakilala kita, ang sungit-sungit mo at medyo nakakatakot. Pero ngayon.. Ang bait mo sa akin. You even thought about my safety first. I found it weird.."
He was about to speak but I spoke again. "Pero okay lang! Sobrang okay pa nga e!" I clapped.
Sumimangot lang siya. Hindi ko pinansin ang reaction niya. "Ang cold-hearted na si Lance Roscoe Choi, lumalambot na ang puso? Wow! Nakaka-proud!"
"What? Did you just called me cold-hearted? At anong pinagsasabi mong nakaka-proud?" He snapped. Here he goes again.
"E totoo naman kaya! Cold-hearted ka. At proud ako dahil ako ang nagturo sa'yong maging mabait." I smiled.
He rolled his eyes. "Stop daydreaming."
Bumabalik na naman ang pagiging halimaw niya. Tch.
"Pero alam mo.." I started. "What?" He snapped. Naku! High blood masyado ito!
"Mas okay kapag hindi ka nakasimangot at hindi tumataas yang boses mo. Kung umasta ka kasi, tila ka laging galit. You're better when you're calm."
Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko hanggang sa nag-iwas siya ng tingin. "I'm better the way I am myself."
"Exactly! Mas okay kapag nagpapakatotoo ka. Hindi ka naman talaga cold-hearted e. Ngayon lang ako napaisip, bakit nga ba ni minsan hindi kita nakitang may kasamang babae? Nabroken-hearted ka no?"
Natigilan na naman siya. "Hindi mo naman kailangan sagutin ang tanong ko. Gusto ko lang sabihin."
He cleared his throat. "Because I used to be bullied by girls when I was young." It was almost a whisper but I could still hear it.
I gaped at him. "Y-you get bullied before? Weh? Echos mo lang yan e!"
He glared at me. I shut my mouth. Nakakatakot e. Baka patayin ako sa titig lang niya.
"I'm telling you the truth. If you don't want to believe, I won't force you."
"Ano ka ba! Nag-jojoke lang ako. Ikaw naman, di ka na mabiro. Naniniwala ako syempre. Osige, kwento ka na."
"I really get bullied before. I don't know the reason why they keep doing that to me. Hindi ko rin alam kung bakit ang duwag ko dati at hindi man lang ako lumaban. Pagkatapos ng pangyayaring yon, ilag na kong lumapit sa babae. Well, except for mom."
"E bakit nakikipag-usap ka sa akin ngayon?"
"Bakit? Babae ka ba?"
Ay bwiset talaga itong lalaking ito! Ang lakas mambara! Kainis!
"To tell you honestly," he speaks again. Kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit ako nakikipag-usap sa'yo. There's a part of me saying that it's safe when I'm with you.." He smiled sweetly.
Grabe! Bakit parang biglang uminit? Nakakaloka! Wagas naman tumitig ang lalaking ito! Para akong matutunaw.
Parang biglang huminto ang oras. Parang lahat ng nangyayari sa paligid, hindi ko na napapansin. He smiled at me and I was frozen by that. I couldn't hear anything around me. All I could hear is the beating of my heart. It was fast that could explode anytime now.
Hanggang sa bigla na lang tumunog ang bell. Lance stood up. "I think we can go back now."
Doon lang ako natauhan, bumalik sa katinuan. I lowered my head 'coz I don't want to meet his eyes. "O-oo nga."
Nauna na siyang naglakad palayo. Naiwan pa rin akong nakaupo.
But he stopped halfway. "Wala ka bang balak bumalik na? Lunch na. Hindi ka ba kakain?" Narinig ko pang tanong niya.
"Dito na lang muna siguro ako. Ayokong makita ako ng mga estudyante pati na rin ng mga kaibigan mo. Siguro mas makakabuti kung mag-stay muna ako dito." Hindi ko magawang tumingin sa kanya habang sinasabi yon.
"So wala kang balak kumain makaiwas lang sa kanilang lahat?"
"Oo."
"Okay then." I heard his footsteps went far from me.
I let out a sigh when the footstep sounds fade away. I placed my palm to my chest. "I felt weird.." I whispered to myself.
Ang daming pumapasok sa utak ko pero pilit ko lang din inaalis lahat ng iyon. Kung tama ang tumatakbo sa isip ko, then I don't want to believe it.
Para naman kasing tanga yung halimaw na iyon! Kailangan talaga akong ngitian? Nakakainis siya! Pero in all fairness naman sa kanya, para siyang anghel kapag ngumingiti.
Wait, what? Nababaliw na ba ako? Oo, Yanira Jill Mendoza. Baliw ka na nga!
I let out a sigh again. Ayoko na maalala yung nangyari kanina. Para lang akong sira. Ayokong alalahanin yung ngiti niyang nakakatunaw. Ano ba naman! Ayoko ng ganitong feeling! Jill, nahihibang ka na ba? Magtino ka, ano ba!
Hindi na talaga ako umalis sa rooftop. Ayokong magpakita sa mga estudyante sa eskwelahan na ito. Kahit si Lance, ayoko muna makita. My heart reacts weirdly when he smiled at me. And I don't like it.
Lumipas ang ilang minuto. Parang ang tagal ko ng nakaupo dito pero bakit ang tagal mag-ring ulit ng bell? Hindi pa rin ba tapos ang lunch break? Gusto ko ng matapos ang araw na ito. Maloloka na ata ako. Ayoko ng mga naiisip ko!
Bigla lang akong natigilan sa pag-iisip nang may marinig akong nagsalita sa likuran ko. "I bought you lunch. Baka gutom ka na." Kasabay noon ang paglapag ng isang plastic bag sa may tabi ko.
BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Teen Fiction“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”