Author's Note:
I dedicated this to you since naeexcite ka sa story na 'to. LOL XD
Sorry po sa matagal na update. Alam niyo naman, busy rin ako sa labas ng watty world. At gaya nga ng sabi ko, tamad ako mag-type. Kung bakit? Ewan ko din =___=
Well anyway, eto na ang update. Alam ko namang nabitin kayo sa huli kong update eh XD
________________________________________________________
Lesson 4: Plan
Jill's POV
"Anong ginagawa mo dito?" may narinig akong boses na nagsalita.
Pigil-hininga akong humarap sa pinanggalingan ng boses. Pero agad naman din akong nakahinga ng maluwag nang malaman kong kay LA lang pala galing yung boses. Siya lang pala yung nakakita't nagtanong saken. Kinabahan ako ng bongga don ah.
"Sandali, narinig niyo ba yun?"
Muli na naman akong kinabahan ng may marinig akong magsalita. Kinabahan ako dahil hindi na si LA yun. Panlalaki ng boses yun kaya sigurado akong isa sa ExO yun. At dahil sa kaba ko, agad kong hinatak palapit saken si LA at tinakpan ang bibig nito.
Nagpupumiglas si LA pero mahigpit ko siyang hinawakan para hindi makagawa ng kahit na anong ingay.
"Ano ba kayo, pagod na ko okay. Pwede bang matulog na tayo?" boses ni Lance yun, sure ako :)
"Tama si Lance. Gusto ko na rin matulog at magpahinga." sang-ayon ng isa sa kanila. O di ba tama akong si Lance yung nagsalita kanina?
After non, narinig ko na ulit ang mga yapak ng paa nila palayo. Mabuti naman.
Maluwag akong huminga nang tuluyan ko ng natiyak na wala na sila sa paligid. Binitawan ko na rin si LA. Hingal siyang huminga bago ko siya narinig magsalita ulit. "Bakit mo ginawa yun? Halos mawalan ako ng hininga sa ginawa mo. Alam mo ba yon?" inis na sabi niya.
Inirapan ko nga ang gaga. Magtanong daw ba eh obvious naman kung bakit ko ginawa yon. "Di mo ba nakita? Kita mo na ngang nagtatago ako eh tapos bigla kang susulpot at manggugulat pa? Muntik na kong mahuli dahil sa'yo."
"Psh! Sandali lang, ano ba talaga ang ginagawa mo dito at bakit ka nga ba nagtatago sa ExO?"
"Ha? eh.... ano... Napadaan lang ako dito habang nag-iisip ng plan for my dare. Sakto namang nakita ko sila tapos... wait, wait.. bakit ba ko nag-eexplain sa'yo? Eh ikaw, bakit ka naman nandito?" balik na tanong ko sa kanya.
"Tapos na ko mag-aral nang marealize kong wala ka pa sa kwarto natin kaya naisipan kong hanapin ka sa kwarto nila Ivy at Ann pero wala ka din. Naisip kong baka nasa labas ka kaya nandito ako at sa wakas na hanap din kita." mahabang paliwanag niya.
"Ahhhh.." patango-tango kong sagot.
"Tara na, antok na ko eh. I want some beauty rest."
Sinagot ko lang siya sa pamamagitan ng pagtango then we started to head back to our dorm.
"So.. may plano ka na ba para sa dare mo?" biglang tanong ni LA habang nasa gitna kami ng paglalakad.
"Yup and thanks for not helping dahil sa tiingin ko, perfect ang naisip ko."
Nakita kong umikot ang mata niya bago siya nagsalita. "Aish! May naka-assign din na dare saken kaya hindi kita matulungan noh! So, ano naman ang naisip mong plan for your dare? Baka gusto mong ishare?"
Lumapit ako sa kanya at saka bumulong, "Secret." I playfully smiled bago naunang pumasok sa dorm. Buti na lang at narating na pala namin 'tong dorm at nakatakas ako sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Teaching the Cold-Hearted Guy to fall in Love
Novela Juvenil“I am supposed to teach him how to fall in love with someone. Pero bakit parang ako pa ang tinuruan niyang mahulog sa kanya? Ang sakit lang.. kasi nahulog na rin siya sa iba.”