The Art of Revenge

1.9K 54 5
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PROLOGUE: INTRODUCTION

Ako'y isang babaeng tinitingala ng karamihan.

Babaeng sikat sa isang mataas na paaralan.

Kinikilala bilang dyosa ng kagandahan.

Pinipilahan ng napakaraming kalalakihan.

Tinaguriang " FAIRY GOD OF PERFECTION. "

I'm Maria Isadora Bianca Soler Umali. Beautiful, sexy, long-legged, brown eyes, long eyelashes, perfect eyebrows, kissable lips, straight white teeth, straight long black hair, and model type. That's me!

Ako yung tipo ng babae na maarte at mataray. Spoiled brat kasi lahat ng gusto ko binibigay ni Mom and Dad pero marami paring nagkakandarapa sakin kahit na ganun ang ugali ko. Matalino din ako at ako ang president ng dance club sa Academy namin. Plus, anak pa ako ng mayaman. What do you expect diba?

Well, independent na ako ngayon at nakatira sa isang condominium na ubod ng sosyal. Gusto kong humiwalay kasi gusto kong matututong tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi naman ako tamad. Yun lang siguro natitirang maganda sa akin.

"Isa, pwede na ba akong manligaw sayo? Please, sana ngayon payagan mo na ako." Ni head to foot ko siya at hindi nga ako nagkakamali. Siya si Luigi ang nerd kong manliligaw. For real? Nagbago pa talaga siya ng ayos ah. Tsk. Wala paring pinagbago sa itsura niya. Kahit siguro magparetoke pa siya ng paulit ulit hindi parin magiging tao ang tingin ko sa kanya. (BAD BIANCA!) :3

Ngayon hinihintay niya ang sagot ko. "Luigi, sweetie..." sinabi ko sa malandi at mapang akit na tono kasabay ng pagpulupot ng dalawang kamay ko sa leeg niya. Halata sa kanya na kinabahan siya sa ginawa ko dahilan para paulit ulit siyang lumulunok at sobrang pinagpapawisan.

"Pikit ka..." sabi ko ulit at sinabayan niya ulit ng lunok kasabay ng pagsunod niya sa sinabi ko.

Nang nakapikit na siya, sinenyasan ko ang isa kong alipores na bigyan ako ng pabango na walang takip. Dahan dahan kong inalis ang right hand ko sa leeg niya at kinuha ang pabango at dahan dahan kong binuhos sa damit ni Luigi.

Bigla namang napadilat si Luigi sa ginawa ko dahil sa sobrang gulat.

Tinignan niya ako at tinanong. "Isa? bakit mo yun ginawa??! Akala ko haha---- " Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Na ano? Na hahalikan kita?! Hahaha! (sarcastic kong tawa) Like ewww to the duhhh Luigi! ASA!!! Ang kapal naman ng face mong umasa sa isang prinsesa? Never kitang papatulan kasi sobrang nandidiri ako sayo. (Taas ng kilay) Tyaka hindi ko ibibigay ang first kiss ko sa isang katulad mo. Tssk. " Nagtawanan na din ang mga estudyanteng nakapukaw ng pansin sa amin.

"Hahaha! yan kasi Luigi! kapal ng mukha! " sabi ng isang lalaking estudyante.

"Oh ano ka ngayon?! PANGIT NA NERD!! " sabi naman ng isang chinitang babae.

" Bro, tingin tingin din sa salamin ha? " sabat pa ng isa.

Hindi ko nakikita ang reaksyon ni Luigi habang sinasabi nila yun sa kanya kasi nakayuko siya.

Sa pagkakayuko niya, bigla niya akong tinignan sa mga mata ko ng diretso kasabay ng pagtulo ng luha niya.

"Isa, tandaan mo tong araw na to. Matitikman mo din ang karmang nararapat sayo!" Mahinahon pero seryoso niyang sabi sa akin.

"Omg! I'm scared! Hahaha! Inform mo nalang ako kung kailan yan mangyayari ha?! (Sabay irap at talikod sa kanya.) Let's go girls, ayokong masayang ang natitirang precious time ko." Naglakad na din ako at sandaling sumulyap kay Luigi na ngayo'y tinutulak tulak ng mga lalaking estudyante at pinagtatawanan.

"Hindi ka man lang naawa? " sabi ng isang alipores ko.

"For what? Tsk." sabi ko na nakataas ang kilay. Hindi narin niya ako sinagot at nagpatuloy na rin sa paglalakad.

POOR LUIGI...

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon