Chapter Five: Old picture

801 45 5
                                    

A/N: Readers, I barely need your comments para naman ganahan akong magsulat. Hehe. Kahit wala ng vote, gusto ko lang magkaroon ng readers at commentors yung story ko eh. Salamat. :)

~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~

~~~~~~~~~~~~~

OLD PICTURE.

Patuloy pa rin ang paglalakad at pagbuhat sakin ni Miguell sa kung saan. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero sigurado akong hindi to papuntang clinic kundi papuntang parking lot ng school namin. Kaya naman nagtanong na ako sa kanya.

" Miguell, wait nga. Saan ba tayo pupunta?! " sabi ko ng pabalang at patanong.

" Sa parking lot seatmate. " Nakarating na rin naman kami sa parking lot ng tinugon niya iyon. Binaba naman niya ako mula sa pagkakabuhat.

" Tsk. Bakit tayo pumunta dito? Anong gagawin natin dito?! " Tanong ko ulit sa kanya. Napansin ko namang binubuksan niya ang pintuan ng isang Volkswagen Tiguan na kulay pula na may konting itim na sasakyan.

" Pupunta tayo sa bahay mo. Kaya halika na. Sumakay kana! " Sabi niya sa akin na medyo pasigaw. Hindi ko man lang namalayan na nakasakay na pala siya sa kotse pero hindi ako sumakay.

" Condo ko?! Tsk. Magnanakaw ka ba? Bakit sumakay ka diyan sa kotse na yan?! " sabi ko ulit ng patanong at pasmirk. Ang alam ko kasi mahirap lang siya eh. Simplr lang kasi yung pananamit niya kaya ganun na lang ako magtaka.

" Seatmate talaga. (kamot sa ulo) Hindi ko to ninakaw, sa akin tong kotse. Mukha ba akong magnanakaw? Halika na. " Napataas naman ako ng kilay na mukha paring nagdududa.

" Tsk. Siguro pakana mo lang yun noh? Siguro wala talaga akong tagos noh? Sinungaling ka. Gusto mo lang akong pagsamantalahan. " Sabi ko ng pataray. Bigla naman siyang napatawa at napalabas ng kotse sa tinuran ko.

" Ako seatmate? (Sabay turo sa sarili) Ako talaga? Bakit naman kita pagsasamantalahan? Ikaw na nga tong tinulungan ko eh. Tignan mo yung likod ng palda mo para maniwala ka sa sinasabi ko. " Napasimangot naman ako. Hindi ko kasi sanay na sumama sa kung sino sinong lalaki lang kaya naman ayaw kong maniwala. Pero gaya nga ng sinabi niya, wala namang masama kung titignan ko yung likod ng palda ko.

Tinignan ko naman at nagulat ako dahil meron nga. Napatingin naman ako sa kanya na nakasimangot.

" Ano naniniwala kana? " tanong niya.

" Psh. Oo na. Sasakay na ako! Pero oras na pagsamantalahan mo ako. Humanda ka sakin. " Sabi ko naninigurado.

" Okay then let's go seatmate " Binuksan niya naman yung isa pang front door. Urgh. Buti naman at gentleman siya. Nagsmirk naman ako at pumasok sa loob ng nakacrossed arms.

Pumasok din siya at umupo sa driver seat. Inopen niya yung makina ng sasakyan pero di niya muna to pinaandar. May kinuha siyang papel ng magazine mula sa likod. Tapos binigay niya sa akin.

Nagtaka naman ako pero kinuha ko rin to. " Anong gagawin ko dito?! " Pagsusungit ko sa kanya.

" Ilagay mo sa upuan mo para hindi mo matagusan yung upuan ng kotse ko. " Bigla namang uminit yung pisngi ko. Nakakahiya. Geez! Otherwise, nainis ako sa kanya.

" Psh. Ikaw nagsabi na umupo ako dito. Kung lumabas nalang kaya ako?!,Tskkkk. " pagtataray ko ulit. Ngumiti naman siya.

" Nagiingat lang po seatmate. " Sinabayan niya to ng kindat at pinaandar na ang kotse. Inis ko namang linagay yung magazine sa pinag uupuan ko. Nakakainis siya. Tsk. Nakakainis din yung tadhana. Bakit kasi ngayon pa ako nagkaroon? Bakit?!

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon