" One two, one two, one two three tapos ikot.. then hawak sa bewang.. inhale exhale ikot ulit , then luhod.. " sabi ko habang nagtuturo ng sayaw sa mga member ng dance club.
Nasabi ko naman siguro sa inyo na ako yung president ng dance club diba? So ayun tinuturuan ko sila ng step.
" Regine! Ikaw nga muna. Kanina pa kita napapansing nagkakamali eh! " sabi ko ng pasigaw. Nandito kami ngayon sa gym. Paulit ulit ko ng tinuro sa kanila to pero si Regine hindi niya pa rin makuha kuha.
" Isa, ang hirap naman kasi ng steps eh. sabi niya na parang nagrereklamo. Napahawak naman ako sa batok ko at tumingin sa kanya ng naiinis.
" Tsk. Anong mahirap dun? Ang dali dali nga eh. Tignan mo sila nakuha na. Ikaw? Until now hindi parin?! My G! Paano ka ba nakasali sa Dance Club eh pareho namang kaliwa yang paa mo. Psh. " sabi ko na nang gagalaiti. Napahinto naman yung mga naglalaro ng basketball at tumingin sa amin. Pinagtinginan rin si Regine ng mga kasama naming kasama sa dance club.
Yung iba ngumingiti ngiti , yung iba naman pinapalakas yung loob ni Regine kasi nanahimik na siya na parang iiyak na.
" Reg,okay lang yan. Makukuha mo din. " sabi nila sa kanya.
" Ang rami niyong kadramahan! Back to your formation!! Bilis.. " Nagsibalik naman sila sa mga nakaassign na pwesto nila.
Magsisimula na sana kami ulit ng napansin kong umalis sa pwesto si Regine. Nakita kong nakaupo na siya sa bench.
" Regine!! Anong ginagawa mo diyan?!! " umalingawngaw ang sigaw ko sa buong gym. Tahimik naman ang mga estudyante sa paligid na tumitingin tingin sa amin.
Napatingin naman sakin si Regine na umiiyak tapos sinagot niya ako.
" Isa! Ayoko na! Quit na ako!!! " sabi ni Regine.
Lumapit naman ako sa kanya at nagsalita.
" What?! Hindi pwede. Malapit na ang foundation. Hindi pwedeng magkulang ang member ko. Bumalik kana nga sa pwesto mo! Ang rami mong arte diyan! Tsk. " Hinila hila ko naman ang kamay niya para patayuin siya.
" Isadora, ayoko na nga! (umiiyak na siya) " Pero patuloy parin ako sa paghila ng kamay niya para patayuin siya. Pero may biglang pumigil sa akin at hinawakan ang braso ko.
" Bianca, tama na nga! " Napatingin naman ako sa humawak ng braso. Tumakbo naman paalis si Regine. Hindi ko na siya napigilan dahil natigil ang pansin ko sa taong humahawak ng braso ko.
Napansin ko naman na pinaligiran na kami ng mga tao sa gym na parang nakikiusisa sa nangyayari.
" Miguell, ano bang problema mo?! Bitawan mo nga ako." sabay hila ko ng braso ko sa kanya. Binitawan naman niya.
" Ganun mo ba talaga itrato ang mga estudyante dito? " tanong niya sa akin ng seryoso. Ngayon ko lang siya nakitang ganito dati kasi nginingitaan niya lang ako. Pero hindi ako natatakot, sinumbatan ko naman siya.
" Ano bang paki mo?! (taas ng kilay) " sabi ko sa kanya.
" Hindi mo dapat sila tinuturing na ganyan. Member sila at Leader ka pero that's not mean na pwede mo silang pilitin kung ayaw na nila. " Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Gulat ako kasi medyo mahaba yung sinabi niya at gulat din ako kasi sinasabi niya yun sakin.
Narinig ko namang may bumulong na dalawang babae mula sa kaliwa ko.
" Oo nga, porket president na. Ang yabang yabang. " sabi nung isa.
" Akala mo kung sino eh. " Napatingin naman ako sa sinabi nung isa. Uminit lalo ang ulo ko.
Magsasalita na sana ako pero biglang nagsalita si Miguell. Kaya inirapan ko nalang yung dalawa at hinarap si Miguell.
" Ako nalang yung papalit sa member mo na umalis. " Ngumiti siya pagkatapos.niyang masabi yun. Tsk. Nang iinis talaga eh. Kanina sobrang seryoso tapos ngayon ngingiti? Autistic ata eh.
" Bakit naman kita papasalihin sa dance club?! Tsk. Your face! :3 " Sabay irap ko sa kanya.
" Diba sabi mo kulang na kayo sa member at malapit na ang foundation. I'm sure na mahirap na makakuha ng bagong member. " Ngumiti ulit siya sa akin. Nagsalubong naman ang kilay ko. Hindi ko ulit natuloy yung sasabihin ko sana kasi sabay sabay nagsalita yung mga estudyante sa paligid namin.
" Oo nga Isa, kulang na tayo. "
" Pumayag kana Isa. "
" Wala na tayong makukuhang bago oh. "
" Oh ayan, di na tayo kulang. "
" Isa please, para sa school? Baka madisqualify tayo niyan. "
Napakamot naman ako ng noo na parang nadidissapoint.
" Sige na! Kumuha ka mamaya ng registration form pero sa ngayon sumama kana sa practice. Pagbibigyan kita ngayon para sa school. Tsk! " sabi ko kasabay ng pag punta sa pwesto ng pinagprapractisan namin kanina.
Sabay sabay naman nag yes yung mga member sa Dance Club. Yung iba naman kinakausap si Miguell. Naririnig ko pa mga sinasabi nila.
" Miguel, buti nalang nandiyan ka. "
" Thankyou Ha? "
" Welcome to the Dance Club Miguell. "
Sabi ng mga malalanding babae. Napatingin naman si Miguell sa akin. Sumimangot naman ako.
" Magpractice na tayo baka magalit pa yung leader natin. " Sabi niya ng inosente at lumapit na sa amin. Pero imbis na pumunta siya sa pwesto kanina ni Regine. Pumunta siya sa tapat ko at linapit ang mukha niya sa akin.
Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko at parang nagbuhol buhol yung intestines ko sa loob.
Palapit ng palapit yung mukha niya sa akin. Hindi na rin ako humihinga sa sobrang lakas ng kaba ko.
Akala ko hahalikan niya ako pero binulungan niya ako.
" Thankyou Bianca. " Bigla ko naman siyang tinulak.
" Tsk. Pumunta kana nga sa pwesto mo!!! " sigaw ko sa kanya kaya naman paatras siyang naglakad at pumunta sa pwesto ni Regine kanina. Sinabayan niya pa ito ng kindat.
Agad naman akong tumalikod at kinuha yung bottled water sa harap ko at ininom ito.
Ngayon nararamdaman kong pulang pula ang pisngi ko...
Whyyyyy?...
BINABASA MO ANG
The Art Of Revenge
FanfictionIm Gellie Parado but call me "Gelay" for short. This is my first story at dinededecate ko to sa mga kapwa kong Team Biguel na nagmamahal kay Miguell Tanfelix at Bianca Umali. Ito ay isang kwento ng isang babae na masungit, bratinela, spoiled brat, h...