Chapter Two: Academics Rival

877 35 1
                                    

" The National Service Training Program (NSTP) or Republic Act 9163 is a program aimed at enhancing... (blablabla) So What are this three program components of NSTP. Anyone? " sabi ng lalaking teacher namin na sa tingin ko ay 30+ ang edad.

Nagtaas kaagad ako ng kamay kasi nareview ko na to bago pa namin maitopic. Syempre ako ata si Bianca Umali, The Fairy God of Perfection. Hindi pwedeng hindi ako magaling sa Academics noh. Tsk.

" Okay, Mr.Tanfelix? " Tinawag ng teacher namin yung katabi ko. Tsk. Agad akong napatingin sa seatmate ko na nanggagalaiti. Bwisit talaga to eh. Simula ng naging seatmate kami, naging rival ko na siya sa Academics.

" Sorry seatmate. Ako yung tinawag eh. " Ngumiti siya matapos niyang masabi yun na kinasalubong naman ng dalawang kilay ko.

" Nang-aasar ka ba?! " Sabi ko na parang sasabog na talaga yung ulo ko sa sobrang inis. Feeling ko pulang pula na yung mukha ko at umuusok na yung ilong at tenga ko.

Hindi niya na ako sinagot at tumayo na.

" The 3 program components of Nstp are ROTC (Reserve Officer's Training Corps), LTS (Literacy Training Service), and CWTS (Civic Welfare Training Service) Ma'am. " pagkatapos niyang masabi yun ay umupo na ulit siya.

" Verygood Mr.Tanfelix. " sabi nung teacher. Tumingin kaagad sakin yung katabi ko at ngumiti. Naiinis naman ako sa inaasal niya sakin. Paano niya nagagawang ngumiti habang ako inis na inis na sa kanya? Tell me!!

Kinalabit naman ako ni Eunice. Isa sa alipores ko. Sa likod ko kasi siya nakaupo.

" Academics Rival? Haha " Sabi niya sa akin na parang nang iinis. Tinignan ko naman siya na may kasamang pagtaas ng kilay kasi sinabayan niya pa yun ng tawa.

" Is there any problem Ms.Umali? " biglang sabi nung teacher namin.

" Oops. Sorry. (smirk) " sabi ni Eunice.

" Tumahimik ka nga kasi diyan. Tsk. " Tumingin naman lahat ng classmate ko sa akin matapos kong masabi yun kay Eunice.

Tumingin din sa akin yung seatmate ko. At napag alaman ko rin na Miguell ang name niya.

" Nothing Sir, just continue..."  sabi ko naman na naiinis parin. Sana matapos na tong klase na to. Nakakainis eh. Hindi na tuloy ako makapagconcentrate. Psh.

--------FF:

"Okay, class dismiss. " sabi na nung teacher pagkatapos ng mahaba habang discussion niya. Buti nalang at natapos na.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Lalabas na sana ako kaso nagsalita yung seatmate ko. Nagsilabasan narin ang mga classmate ko pati ang mga alipores ko. Sigurado akong hinihintay na nila ako sa labas.

" Galit ka ba sa akin seatmate? " sabi sakin ni Miguell na bumuhay naman sa dugo ko para harapin siya.

" Halata ba?! " tinaasan ko siya ng kilay habang hinihintay ang sagot niya.

" Hindi eh. " bored niyang sabi sakin.

" Psh. Nang iinis ka talaga eh noh? Kanina ka pa ah. Ano bang gusto mo? Hindi mo ba ako kilala?! " sabi ko na naiinis naman. Ngumiti nanaman siya sakin. Omg! Mahahighblood ata ako dito.

" Kilala kita syempre seatmate tayo eh. Pangalan mo lang hindi ko alam. Ano palang pangalan mo? " Tumayo na siya ng sinabi yun. Ginawa naman niyang side bag yung bagback niya.

" What? You don't know my name?! Are you kidding me?! "  Sinabi ko sa kanya na sobrang nagtataka na naiinis na ewan.

"Isa, Let's goooooo. " biglang tawag naman sakin ni Eunice kaya napatingin naman ako sa kanya.

Sinenyasan ko siya na lumapit. " Eunice, ipakilala mo nga ako diyan. Nakakainis na talaga eh. " sabi ko na may kasamang galit.

Nagpalipat lipat naman ng tingin sa amin si Eunice. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Kaya agad naman siyang nagsalita at tumingin kay Miguell na parang naghihintay naman ng sasabihin ni Eunice.

Humarap din ako kay Miguell.

" Mr.Tanfelix, Para sabihin ko sayo na siya si Bianca. Maraming nagkakandarapa sa kanya. At higit sa lahat siya ang pinakasikat dito sa buong Academy natin kaya kung di ka mag----- " Hindi ko na pinatapos si Eunice.

" Eunice, enough. Siguro naman alam niya na kung san siya lulugar. Let's go. "

" Ah okay. " Sabi ni Eunice at nauna na siyang naglakad sa akin. Sumunod na rin ako.

Iniwan nanamin siya dun na wala paring imik pero nagsalita ulit siya bago pa ako tuluyang makalabas.

" Alam ko na yun, matagal na kitang kilala Ma.Isadora Bianca Soler Umali. " At linampasan niya na ako. Ngumiti muna siya at kumindat sakin bago tuluyang lumabas. Naiwan naman akong tulala at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Bakit alam niya buong pangalan ko?!...

~~~

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon