Chapter 19: Curiosity Kills

455 24 2
                                    

The who?

"ISA?/IKAAAAAAWWW?"

Sabay naming sabi nung babae na nagwawala kanina. Kilala ko kasi siya. Siya yung babaeng nakabangga sakin nung foundation. Siya yung Bea na nagpahiya sakin. Badtrip. :3

"Anong ginagawa mo dito?" Lumapit na siya sa akin na sobrang nagtataka. Inis ko naman siyang tinignan.

"Paki mo ba?"

"Sabagay. Wala naman akong paki." sabi niya ng pataray. Aba, parang ang bait niya nung una ah tapos ganito pala to kataray.

Tinalikuran niya na rin ako. Binigay niya sakin yung pinggan na kinuha niya kanina.

"Tsk. Anong gagawin ko dito?!!" Sabi ko sa kanya habang tinitignan siyang naglalakad palayo.

"Diba magwawala ka rin Isa? Ayan binigyan kita. Treat ko na yan." sabi niya habang naglalakad pa rin palayo.

Linapag ko naman yung pinggan na dalawa sa mesa.

"Sayo na yan." Sabi ko dun sa lalaki. Magrereact pa sana yung lalaki kaso hindi na siya nakapagsalita kasi hinabol ko yung Bea.

"Hoy, bakit ba ang hilig mong mantalikod?! TSK. Sino ka ba? Bakit mo ako kilala? Sikat karin ba?!" Sinabi ko na masabayan na siya sa paglalakad.

"Mas sikat pa ako sayo Isa. Syempre, kilala kita ikaw yung umag--- I mean ikaw yung fairy god of perfection na sinasabi nila diba?" Huminto siya sa paglalakad ng sinabi niya to.

"Well, ako nga yun. Ikaw sino ka? Mas sikat ka sakin? Haha. Nagpapatawa ka? Bakit hindi kita kilala?!" sabi ko

"Wala ka pa kasi nun nung mga panahon na yun. Dumalaw lang ako sa dati kong school at nalaman ko na ikaw pala yung pumalit sakin. Alam mo bang titulo ko yung F.G.O.P? Sayo pala napasa yun?" sabi niya ng nakataas ang isang kilay.

"So, mas matanda ka pala sakin? Eh bakit parang iba yung acting mo kahapon? Para namang mas bata ka sakin."

"Acting ko lang yun para mapahiya ka. Sinadya kitang banggain kahapon. Hahaha." Sarcastic niyang sabi.

"Whaat? You know naiinis ako sayo?! Alam mo bang hindi ka mag---."

"Mas lalong hindi ka maganda. Duhh."

"Whaaat?!"

"Psh. Ang slow mo! Hindi dapat sayo pinasa yung titulo ko eh. Hindi bagay sayo."

"Tsk. Title mo? Haha. Iyong iyo na."

"Tyaka I can't really imagine na nagpupunta pala sa mga ganitong lugar ang isang Bianca Umali?"

"Bakit ikaw? Nagpupunta karin naman ah. Tyaka baliw pala yung babaeng dating may hawak ng title ko sa school. Haha. Pano kaya kung malaman nila to?"

"What more kung malaman nila to? Haha. Kilala na nila ako Isa. KILALANG KILALA."

"Sino ka ba talaga?!"

Ngumiti lang siya sa akin at naglakad na. Hahabulin ko pa sana siya ng bigla nalang siyang natabunan ng mga tao.

Hindi ko na siya nakita. Arrrggghhh. Parang gusto kong tumuloy sa Tacsiyapo pero hindi na ako ginanahan. Bw*s*t yung babaeng yun. >.<

Lumabas na ako sa Carnaval na yun at nagdrive na pauuwe ng condo. Ugh. Sobrang inis ako ngayon.

Naabutan kong bumukas yung pinto ng condo ni Miguell kaya nagmandali akong pumasok sa condo ko.

Hindi niya ako nakita. Sumandal ako sa pinto.

"Thanks God." Sinabi ko yan habang hinahawakan yung dibdib ko sa sobrang kaba.

Pagkatapos ng 5 minutes pumunta na rin ako sa kwarto at nag ayos ng sarili. Binuksan ko ang laptop ko.

Magoopen ako ng Fb Account ko. It's been a long time na hindi ko to nabuksan. Siguro mga 7 months?

I logged in my Facebook Account at OMG.
2,527 Notification, 1,234 Messages 2,005 Friend request my God. -_- (A/N: JUST IMAGINE HEHEHE)

Hindi ko inopen yung mga yun, tinignan ko lang ang laman ng newsfeed ko at naboring lang ako kaya ilolog out ko na.

Pero bago ko pa malog out, may nag new message.

Eunice: Isa, nakita mo na ba si Bea?

Me: Oo. I replied.

Eunice: So alam mo na siya yung ano ni Miguell?

Me: What? -_-

Bakit kaya may mga taong gumagamit ng Ano bilang kapalit sa bagay na gusto nilang sabihin?!

Eunice: Ah, wala. Okayyy Bye.

Me: Ano ba yun? Tsk.
-seen 18:24pm-

Wth? Sineen zoned niya lang ako. Ano ba kasi yung ano ni Miguell na sinasabi niya. Tsk.

Buong gabi ko yung naisip at sobra akong nacucurious. Grabe, arrrgghhh. Puyat nanaman ako. T.T

Ano ba yung ano? Bakit sobra nanaman akong naapektuhan dun? Arrrrrggghhhhh. Sobrang complicated ng mga bagay sa mundo. Tae. -_-

A/N: Next update tommorow afternoon. Labyuu Guys. :-*

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon