Barbie Pov:
Art of revenge? Siguro ngayon niyo lang to narinig at nalaman. Nabasa o ano pa man.
Uso yan sa academy na pinapasukan ni Kuya. Yung masasaktan ka tapos maiisip mong mag higanti pero kapalit lang naman nito ay walang humpay na poot at galit na makikimkim sa kalooban natin.
Malalaman mo sa huli na mali ito. Malalaman mo na sana hindi mo nalang sinimulan. Marami kang matutuklasan.
Minsan nga tinatanong ng iba 'Kung gaano ba talaga katangkad si Pagsisisi at bakit lagi siyang nasa huli?
Alam niyo ba kung bakit? Kasi may mga bagay na akala natin sa una tama na ang lahat. Akala natin okay na. Akala natin hindi na kailangang pagisipan kasi madali lang. Puro kasi tayo akala.
Yung akala na kahit alam mong masasaktan yung nasa paligid mo sige ka parin ng sige kasi nga sinusunod mo yung sinasabi ng ibang tao.
Hindi mo sinusunod yung nasa puso mo. Mainipin kasi tayo sa mga bagay. Hindi tayo marunong maghintay.
Tulad nalang ni Kuya Luigi, hindi ko alam kung ano yung matinding kasalanan ni Ate Bianca sa kanya. Handa niyang saktan si Ate Bianca kahit na mahal niya ito?
Si Ate Bianca, laging taas noo lahit kanino. Walang pakialam kung sino yung makakabangga niya. Minsan natatanong ko sa sarili ko kung bakit siya ganun eh? Pero isa lang naman ang pwedeng dahilan diyan eh. Malayo siya sa loob ng pamilya niya. Naghihiganti? Ganun yung ginagawa niya sa ibang tao.
Kay Kuya Miguell, kumagat siya sa isang laro ng paghihiganti. Hindi lang dahil sa malulugi ang kumpanya kundi dahil na din natuklasan niya na may dinedate si Ate Bea doon. Hindi niyo alam yun noh? Kasi misteryoso si Kuya. Ayan, naghihiganti din.
Si Ate Bea naman, Sinasabi niya na hindi totoo yun pero hindi niya naman kayang magpaliwanag kay Kuya. Hayy. Nauwi tuloy sa paghihiganti kay Ate Bianca.
Ang gulo ng buhay nila noh? Hays. Bakit hinayaan nilang lusubin ng paghihiganti ang puso at isip nila? Hindi ba nila alam na kailangan nilang magpatawad sa isa't isa?
*Mamaya*
BINABASA MO ANG
The Art Of Revenge
FanfictionIm Gellie Parado but call me "Gelay" for short. This is my first story at dinededecate ko to sa mga kapwa kong Team Biguel na nagmamahal kay Miguell Tanfelix at Bianca Umali. Ito ay isang kwento ng isang babae na masungit, bratinela, spoiled brat, h...