A/N: Sana okay lang yung chapter six. Medyo masakit kasi ulo ko habang inaupdate ko yun eh. Kaya hindi ko na nareview. Sana gets niyo yung flow.ng story. Hehe. ✌ Sorry sa typos. Thankyou sa pagbasa ng kalokohan ko. :) :D
~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~
Lihim na sikreto.
Miguel POV:
Tatlong araw na ang nakalipas ng pumunta ako sa condo no seatmate. Medyo tahimik siya at hindi masyadong nagsasalita ng mga nakaraang araw.
Hindi ko na rin siya gaanong kinakausap. Baka kasi naaalala niya parin yung batang lalaki na kwinento niya sa akin.
Katatapos lang ng basketball ng may biglang kumausap sa akin.
" Bro! " sabay tapik niya ng balikat ko.
" Oh Luigi ikaw pala. Kamusta bro? Medyo lumakas ata yung dating mo ngayon? " sabi ko naman sa kanya habang pinupunasan ng towel ang basang buhok ko.
" Ikaw nga dapat yung kinakamusta ko. Kumusta naman yung plano natin? Maayos naman ba? Excited na kasi akong maging girlfriend siya kaya medyo nag ayos na ako. " Sabi naman niya sakin na nakangiti. Halata sa kanya na may pinaghahandaan.
Uminom naman ako at naglakad bago ko siya sinagot. Sumabay naman siya sa akin.
" Okay naman bro. " Sabi ko sa kanya na walang pag aalinlangan. Tinutukoy niya dito eh yung plano namin na kaibiganin ko si Bianca at paibigin.
Oo tama yung nabasa niyo. Ginagawa ko siyang kaibiganin para kay Luigi. Siya yung lalaking nerd noon na pinahiya ni Bianca sa maraming estudyante.
Ewan ko ba dito kung bakit patay na patay siya doon. Ginawa niya pa akong manloloko.
Ayaw ko nga sana tong gawin nung una kaso blinack mail ako ni Luigi. Ipapasarado niya daw ang kumpanya na pinaghirapan ni Dad at sisiguraduhin niyang malulugi ang negosyo namin.
Mas mayaman kasi si Luigi sa amin kaya naman wala akong ibang choice kundi ang gawin ito.
" Sure ka? May progress na? " sabi niya na natuwa sa sinabi ko.
" Oo bro. Meron. Nagkwento nga siya sa akin eh. " Sabi ko na kinakonsensya ko kaagad. Alam ko kasing kahit hindi sinabi ni Bianca sa akin na huwag kong sabihin sa iba ay pinagkakatiwalaan niya ako na hindi ko to sasabihin sa iba.
" Nagkwento? Anong kwinento niya? " curious niyang sabi sa akin.
Bago pa ako makasagot. May mga babaeng kumaway sa akin at bumati.
" Hi Miguell! " sabi ng mga babae.
Tinanguan ko lang sila at ngumiti. Nagpatuloy din kaming naglakad matapos yun.
" Uy bro, ano ngang kwinento niya? " tanong niya ulit sa akin.
" Ah wala. Tungkol lang sayo. " Sabi ko naman na kinatuwa niya.
"Talaga?? Tungkol sa akin?? Ano naman yun?? " tanong niya ulit. Medyo na kulitan na ako kaya nagsinungaling nalang ako.
" Kwinento niya yung pinahiya ka niya. Yun lang. " Sabi ko na nakasmirk.
Bahagya naman siyang napasimangot ngunit ngumiti din.
" Ahhh. Pero okay lang yun. Buti naalala niya ako tyaka nagiging okay na kayo. Galingan mong magpanggap ha? " sabay ngiti niya sa akin.
Tumango naman ako. Bigla namang may bumusina sa harap namin na sasakyan. Sa pagkakaalam ko sasakyan yun ni Luigi.
" Bro, nandiyan na yung sundo ko. Sige! Goodluck ah. Yung sikreto natin wag mong kalimutan." sabay tapik niya ulit sa akin sa balikat at tumakbo papasok ng sasakyan.
Nasmirk naman ako. Nagtataka kasi ako kung bakit hanggang ngayon kailangan niya pa ng driver.
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad papuntang washroom ng school.
Nang makarating ako sa washroom ng mga babae. May narinig akong nag uusap usap at kilala ko kung sino sino ang mga yun.
Hindi naman ako chismoso ngunit narinig ko kasi ang pangalan ni Bianca.
" Eunice, mas maganda ka naman kay Bianca eh. " Sabi nung isang babaeng hindi ko mamukhaan.
" Tsk. Oo naman noh. Mas maganda talaga ako sa kanya. Sikat lang naman yan kasi malandi eh. Tignan mo, inakit niya kaagad si Miguell. Nagkukunwaring galit kay Miguell pero inaaswang naman niya to. "
Sabi nung Eunice. Kaibigan siya ni Bianca.Marami pa silang naging usapan pero hindi ko na pinakinggan. Mga babae talaga. Hayy.
Nagpunta na rin ako sa washroom namin at naligo na. Matapos yun umuwi na din ako ng condo ko.
Gusto niyo bang malaman kung nasaan si Bianca? Well, hindi ko talaga alam. Wala naman akong pakialam sa kanya eh. Ginagawa ko lang naman to para sa masalba ang kumpanyang pinaghirapan ni Dad sa kamay ng mga Revilla.
May fiance na rin ako at nasa America siya. Mahal ko siya at sisiguraduhin kong hindi ako mahuhulog kay Bianca. Matapos lang to, aalis na ako dito sa Pilipinas.
Papasok na ako ng condo ko ng narinig kong bumukas ang pintuan ng condo ni Bianca. Nagdirediretso naman siyang maglakad na parang hindi niya ako napansin.
Binuksan ko na ang pinto at pumasok na ng biglang may pumigil sa aking magsarado ng pinto.
" Miguell? " malumanay niyang sabi at bigla nalang siyang natumba.
" Bianca? Anong nagyari sayo? Uyy seatmate! " tinapik tapik ko yung mukha niya pero hindi siya dumilat. Kaya binuhat ko nalang siya at dinala sa loob ng condo ko...
Anong nangyari sa kanya?? ....
BINABASA MO ANG
The Art Of Revenge
FanfictionIm Gellie Parado but call me "Gelay" for short. This is my first story at dinededecate ko to sa mga kapwa kong Team Biguel na nagmamahal kay Miguell Tanfelix at Bianca Umali. Ito ay isang kwento ng isang babae na masungit, bratinela, spoiled brat, h...